CHAPTER 9 - Sweet Caress And Kisses

242 12 0
                                    

"Hello?" Tila galing sa pagtulog ang boses nito.

Nagkabikig ang kanyang lalamunan. Pilitin man niyang pigilan ay isa-isa nang kumawala ang butil ng luha sa kanyang mata. Huminga siya ng malalim para hindi mabasag ang tinig niya.

"Oh hey baby," garalgal ang boses na wika niya.

"Are you alright?" May pag-aalala sa tinig nito ng sabihin iyon, animo nawala ang antok nito.

“I will be fine. I promise." Pagkasabi niyon ay hindi na niya napigilan ang hikbing kumawala sa bibig niya.

"Hey hey. I know there's something wrong. You can tell me."

"It's nothing, really." Sinasaktan mo ko, hindi mo ba alam yon? Ibig sana niyang idagdag.

"No, it's not. Come on, baby."

Hearing him calling her baby again made her cry more. Na tila ikinaalarma nito lalo.

"I just..." She inhaled shraply. "I just missed you."

"Talaga? And? I know there's something wrong."

"I just need a hug from you right now. Pero late na, kaya alam ko hindi na pwede." Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa pisngi niya.

"Can you wait until tomorrow, baby? I'll go to your place."

"Oh yeah," bulong niya.

"Sige na, bye. Baka nagpapahinga ka na." Hindi na nya hinintay pang tumugon ito, pinatay na niya agad ang aparato.

Dumapa siya sa kama niya at ibanaon ang mukha sa unan, doon siya nag-iiyak. Hindi niya alam kung bakit gaano ang pakiramdam niya.

Patuloy siya sa pagnguyngoy nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya.

Nagtext si Ken.

Go outside.

Nakakunot noong muli niyang binasa ang mensahe. Nang masigurong tama ang nabasa ay agad niyang pinunasan ang luha niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Paglabas niya ay naabutan niya si Ken na nakatayo sa gilid ng kotse nito, puno ng pag-aalala ang mukha.

Nang makita siya nito ay dagli itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Hey, babe. What's wrong?" Itinaas nito ang isang kamay at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya.

Umiling lamang siya. Alam niyang kapag nagsalita siya lalo lamang siyang iiyak.

"No, i know there's something wrong."

Suminghot muna siya bago tumugon. "Ahm, what are you doing here? It's already late," sa halip ay wika niya.

Itinaas nito ang mukha niya gamit ang kanang kamay nito at pilit hinuli ang tingin niya. And then he cupped her face with both of his hands.

"I can't let a night pass knowing that my baby badly needs me." Tipid itong ngumiti sa kanya.

At dahil sa sinabi nito ay hindi na niya napigilan ang sariling humagulgol. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon pinakawalan ang naipong sama ng loob niya.

"Oh baby," tila hirap na hirap ito nang sabihin iyon. He kissed the top of her head. Hinahagod nito ang likod niya habang patuloy siya sa pagluha. "I'm sorry... I'm so sorry."

Matagal rin silang nanatili sa ganoong posisyon bago siya tuluyang nahihimasmasan.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumuhos ng ganoon ang emosyon niya, pero nang makita niya ang nag-aalalang mukha nito kanina ay hindi na siya nakapagpigil pa.

You're Mine, Only Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon