Ilang Minuto bago bumalik ang liwanag nang Nizar.
Nagising si Matt na wala ang kuya niya sa kanyang tabi. Tumigil na ang ulan pero madilim pa rin.
"Kuya Lyndon!? Kuya Lyndon!?", paghahanap ni Matt sa loob nang kuweba. Wala pa ring tugon na naririnih siya kaya napag isipan niyan lumabas muna at hanapin ang kanyang kapatid.
"Kuya! Kuya!", naiiyak na sigaw ni Matt. Magkasalungat na magkasalungat silang dalawa ni Lyndon pero di ito naging hadlang sa kanilang samahan bilang magkapatid nagiging sandalan nila ang isa't isa.
Habang umiiyak si Matt narinig nang Teager ang malakas na tinig niya. Tumakbo sa pinakamabilis na paraan ang mabangis na hayop upang paslangin ang bata, sinundan niya ang tunog at tumulo ang sobrang lapot na laway sa kanyang bibig.
Maya-maya narating nang Teager ang pinanggagalingan nang malakas na iyak nang isang binatilyo.
Unti unting lumapit ang Teager sa binatilyo."Wwag g g ka kang lalapit", nanginginig na sabi ni Matt habang nakatitig sa Teager. Isa sa mga kinakatakutang nilalang ang mga Teager. Halos walang nakakaligtas sa kanyang nabibiktima.
"Grrrrawrrr! Grrrawrr!", malakas na ungol nang nilalang na handang handa na siyang patayin.
Dadambahan na siya nang nakakatakot na nilalang nang bigla itong tinamaan nang apoy na naging dahilan nang paghagis nang katawan nito sa mga puno.
"Matt, ayos ka lang?", tanong ni Lyndon sa nakakabatang kapatid.
"O-opo kuya", natatakot na sabi ni Matt.
Sa sobrang galit nang Teager unti unti itong tumayo at umungol sa sakit na naidulot nang atake nang binata.
"Grrrawr! Grrawr! Grrrawwr!", patuloy na ungol nang Teager.
Napalingon naman ang magkapatid sa kinatatayuan nang Teager na ngayon ay pinalilibutan na nang kuryente ang buong katawan.
Nakaramdam nang kaba ang magkapatid. Inihanda ni Lyndon ang kanyang mahika gumawa siya nang sobrang laking bolang apoy at inihagis sa Teager. Pero walang epekto ang tira niyang iyon. Patuloy pa rin sa pagsugod ang nilalang na ngayon ay tila lumakas pa.
Sobrang bilis nang pangyayari di inaasahan ni Lyndon na mahampas siya nang buntot nang hayop na yun. Tumilapon ang kanyang katawan at tumama sa puno nang Igos. Hinang hina ang kanyang katawan di niya na maigalaw ang kanyang mga paa kaya di na siya makatayo.
"Kuya! sigaw ni Matt na puno na nang luha ang mga mata. Sa pagsigaw niya na yun ang atensyon nang Teager sa kanya. Kaya direktang aatake sa kanya ang mabangis na hayop na tila lumalakas habang nasasaktan.
"Tumakbo ka na Matt! Matt umalis ka na diyan! Shit!", galit na galit na sigaw ni Lyndon. Kitang kita sa mukha nang nilalang na umaatake ngayon sa kanyang kapatid ang galit at pagkagustong kumitil nang buhay.
" Ma! Pa! Pasensya na di ko maprotektahan si Matt! Please kung nasaan po man kayo ngayon tulungan niyo po kami", sabi ni Lyndon sa kanyang sarili.
Nang malapit nang dambahan nang Teager si Matt biglang lumiwanag ang langit at ang liwanag ay bumaba sa lupa at pinalibutan si Matt dahilan upang mapatigil ang nilalang sa pagsugod sa binatilyo. Sobrang liwanag na kahit na si Lyndon na medyo malayo ang kinalalagyan ay nasisilaw. Kitang kita ni Lyndon ang mga pangyayari. Pagkatapos palibutan nang puting liwanag si Matt biglang lumitaw ang kulay itim na anino sa pagitan nang Teager at ni Matt. Unti unting nagform na hugis Dragon ang anino. Hinigop nang anino ang kapangyarihan at lakas nang Teager. Unti unti ding nanghihina ang kapangyarihan nang nilalang na nagsanhi upang bumagsak at malagutan nang hininga ang nilalang.
Pagkatapos nang nangyari bigla na lang naglaho ang itim na nilalang at ang liwanag na bumabalot kay Matt na kasalukuyang nakahiga at nanghihina di niya din alam ang nangyari kanina. Basta ang alam niya na may unti unting pumapasok at lumalabas sa katawan niya pero di niya alam ang paliwanag sa nangyari sa kanya ganun din si Lyndon na bigla pa rin ang pagkakagulat di niya akalain na may ganung lakas ang kanyang kapatid. Dahil sa liwanag kanina parang nabigyan nang lakas si Lyndon dali dali siyang bumangon at nilapitan ang kanyang kapatid.
"Matt! Matt! Okay ka lang ba?", tinatapik ni Lyndon ang pisngi nang kanyang kapatid.
"O-op-p-o kuya, gusto ko lang po matulog", mahinang sagot ni Matt at unti unting niyang pinikit ang mga mata.
Napatingin naman si Lyndon sa langit habang nasa kandungan niya ang ulo nang nakahigang kapatid. Nanglaki ang kanyang mga mata sa kaniyang nakita.
(Teager isang malaking pusa na kamukha nang cheetah at kasing laki nang bear..) alam niyo na kung saan nang galing sa tiger at sa bear.)
BINABASA MO ANG
Emperor's Legacy: The Journey To Power
RandomSa mundo kung saan posible lahat nang bagay, kung saan ang mundo ay nahahati sa di makatarungang sistema, ang mundo na nababalot nang mga mahika, mga hari, emperador, diwata, mga taong may mga mahika, at higit sa lahat ang pagmamahal. Matatanggap mo...