Makalipas ang 6 na taon.
Sa Templo ng Sabang"Gabriel! Gabriel! Nasaan na naman kaya ang batang yun!?", hanap hanap nang isang 50 anyos na babae na makikita mo sa itsura ang pagka-ina.
"Julian nakita mo ba si Gabriel?", tanong niya sa batang nasa edad 17 na ngayon ay naghahakot nang kahoy na panggatong.
"Hindi ko pa po siya nakikita simula nang mag tanghalian sabi naman nang binata na ngayon ay isinasalansan ang mga kahoy na nasa kanyang harapan.
"Master Mina baka po nasa bukid na naman po siya at nagpipinta", sagot naman nang dalagang babae na nasa edad 17 rin.
"Hay ang batang yun talaga! Di pa siya nakakatapos nang pag eensayo sa panggagamot umalis na agad", ang sagot naman nang matanda.
.........."Hayyy! Natapos din kitang ipinta, salamat Ramos at hindi ka ngayon makulit", ang sabing nang binatang lalaki sa kinakausap niyang kuneho habang umiinat at naghihikab.
"Oo nga ang pagod din kayang maging estatwa dito at tsaka sabi nang di Ramos ang pangalan ko RASMOS!!", paliwanag nang puting kuneho sa kanya.
"Pasensysa ka na ha akala ko kasi Ramos ang pangalan mo di bale isang letra lang naman ang nawala eh", sagot naman nang binata.
"Eh ano ba na naman ang bibilhin mo pag nabenta mo yang pininta mo dapat kasi may kahati ako diyan Gab, diba noong nakaraan lang bumili ka nang plawta, tapos noong isang linggo naman bumili ka nang tinta at panulat, noong nakaraang buwan naman lapis at pangkulay ang binili mo. Ngayon ano naman ba ang bibilhin mo?", ang nagkakamot na sabi ni Rasmos.
"Uhmmm! Di ko pa alam eh", nakahawak sa baba na sabi ni Gab na ngayon ay nag iiisip nang kung anong bibilhin niya sa pag nabenta niya ang kanyang obra.
"Ahh alam ko na bibilhin ko ang libro nang "Gintong aralin", at "Aklat nang mga halamang Gamot", tapos ko na kasing basahin ang "5 klasiko", "Ang unang Aralin", "Ang turo nang buhay", at "Parte at kakayahan nang katawan nang tao", natutuwang sabi naman ni Gab na ngayon ay makikitahan nang tuwa sa mga mata."Ha talaga! Alam mo sinasayang mo lang ang pagod at oras mo diyan sa pinaggagawa mo, di ka naman Maharlika o Doktor na papasok sa Pulitika. Ang dapat na binabasa mo ay mga Pag pupugay sa Templo tutal doon ka naman nakatira ngayon", tugon nang kuneho.
"Bakit Maharlika lang ba at ang Banal na Angkan lang ba ang may karapatang mag aral nang mga ganoong bagay? Kasi sa pagkakaalam ko ang Kaalaman ay parang tubig sa ilalim nang lupa na kung sino mang nauuhaw at may kakayahang maghukay ay may kalayaang uminom at ibahagi sa iba", ang makahulugang sagot ni Gabriel.
"Bahala ka, ang hirap talagang intindihin nang ugali nang mga tao, sige na uuwi na ako sa aming butas malapit na kasing lumubog ang araw eh", sagot naman ni Rasmos.
Papaalis na sana ang kuneho nang pigilan siya ni Gabriel.
"Teka lang kaibigan ito oh kibal( sitaw o stringbeans) at dahon nang pechay", nakangiting sambit ni Gabriel habang inaabot ang bag na punong puno nang gulay.
"Hayy salamat naman Gab at naisipan mong bigyan ako nang kabahagi", natatawang sabi ng kuneho.
Kinagat na nang kuneho ang sisidlan at umalis na. Nagpaalam naman nang maayos ang dalawa sa isa't isa.
Tumatalon talon pa si Gab habang tumatakbo papalabas nang kabundukan dahil sa papalubog na ang araw eh dali dali na niyang binilisan ang kanyang paglalakad. Di katulad ng ibang mahirap na kuntento na sa kung anong meron sila. Iba si Gab nangangarap pa siya ng mas mataas at di kuntento sa katayuan niya ngayon di para sa sarili niya kundi dahil sa kanyang mahal sa buhay.
Malapit na siya sa labasan nang umihip ang malakas na hangin.
Lumingon si Gab sa kanyang pinanggaalingan tila ba may humahatak sa kanyang puwersa para bumalik sa kanyang pinanggalingan. Kaya tumakbo siya pabalik nakaramdam siya nang kakaibang kaba at pagkabalisa. Di niya alam kung saan siya dadalhin nang mga paa niya kaya nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad. Maya-maya pa nakita niya ang ilang kalalakihan na tila may hinahanap kaya dali dali siyang tumago sa likod nang isang puno."Hanapin siya bago pa kainin nang dilim ang kapaligiran kaya kinakailangang mapatay natin siya agad, naiintindihan niyo ba ako?", ang sabi nang isang lalaki na may takip na itim na tela ang mukha.
"Opo!", sabay na sabay na sagot ng mga tauhan.
Isa isang nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga tauhan ng wala na sila lumabas na sa pinagtataguan si Gabriel at pinagpatuloy ang pagtakbo.
Maya maya pa tumigil siya sa tapat nang bangin. Luminga linga siya sa kanyang paligid na tila may hinahanap.
"Bakit ba ako napadpad dito?", naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili.
Sumilip siya sa baba nang bangin at lumaki ang mata niya dahil may nakita siyang katawan nang tao sa baba.
Tumakbo siya sa gubat at kumuha ng mga baging nang matapos na niya ang pagtatali inilawit niya ang baging sa bangin. Bumaba siya sa bangin gamit ang baging.
Pagkababa niya nakita niya ang lalake na maraming sugat at naliligo sa kanyang sariling dugo.
"Anong nangyari sa kanya?", naibulong niya sa hangin.
"Uhhhh-hhhh uhhhh uhhhh", ubo na may kasamang dugo ng di kilalang lalaki sa kanyang harapan.
"Mahal na Bathala anong gagawin ko?, nag - aagaw buhay na siya", natatarantang bulong ni Gab.
Patuloy pa rin sa pag ubo nang dugo ang naturang lalaki. Lalo namang nataranta si Gab.
"Teka lang, Kalma lang Gab alalahanin mo ang tinuro at natutunan mo kay Master Mina",sabi niya sabay hingang malalim.
"Pero kaya ko pa lang magpagaling nang mababaw na sugat, anong gagawin ko mamatay siya pag wala akong nagawa", nilapitan niya nakahigang lalake at sinubukang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang gamutin ang lalake.
Lumubog na ang araw at nagsimulang sumikat ang bilog na buwan sa langit. Paglapat nang kamay ni Gab sa sugat nang lalake lumabas ang kulay puting liwanag sa kanyang katawan at pumasok ito sa katawan nang lalake. Maya maya pa habang ginagamot niya ang lalake at sinusubukang bigyang lunas binalot nang iba't ibang liwanag ang buong palibot nila. Sumama ang puting liwanag sa iba't ibang liwanag. Lumalakas nang lumalakas ang liwanag na bumabalot sa kanilang dalawa di niya alam ang nangyayari. Di niya na rin makontrol ang kanyang kapangyarihan.
"Ahhhh-hhhhh", daing niya sa sakit na kanyang nararamdaman. Hanggang sa nilamon na siya nang liwanag at dilim.
................
"Mahal na Punong Babaylan may paggalaw sa langit na hindi inaasahan", dali daling sigaw nang isang babaylan.
Agad namang tumakbo ang babaylan sa labas isang nakakatindig balahibo ang nangyayari sa langit nang gabing iyon. Kasing liwanag nang buwan ang liwanag nang bituan ng Nizar (bituin ng pangalawang pamilya) at Kaipaz (bituin ng nakatakdang hari). Naglapit ang dalawang bituin at parang di na muling magkakalayo. Marami ang nakakita sa pangyayaring iyon ang iba ay namangha, ang iba ay natakot.
Habang nangyayari ang kaganapang iyon nakakita ang Babaylan ng isang pangitain dalawang tao ang nakahiga sa damuhan, kapwa walang malay.
"Babaylan pumunta ka sa bulwagan ng emperador ipagpaalam mo na ako'y pupunta doon ngayon", ang seryosong tono na sabi nang Punong babaylan.
Sa malayong probinsiya.
"Pinuno nangyari na po ang inaasahan natin", sabi nang isang lalaki.
Napatigil naman sa pag-inom ng tsaa ang taong kausap.
"Sige ihanda na naten ang ating mga susunod na hakbang", tugon ng taong ngayon ay nakaupo sa silya at nakatingala sa kalangitan.
"Magkikita na rin tayo Mahal na Yinyang", bulong niya sa kanyang isipan bago kuhanin ang tasa ng tsaa at humigop doon.
BINABASA MO ANG
Emperor's Legacy: The Journey To Power
RandomSa mundo kung saan posible lahat nang bagay, kung saan ang mundo ay nahahati sa di makatarungang sistema, ang mundo na nababalot nang mga mahika, mga hari, emperador, diwata, mga taong may mga mahika, at higit sa lahat ang pagmamahal. Matatanggap mo...