KABANATA 4

94 3 0
                                    

(No Minwoo as Matt Gabriel Santello)
Sa bahay ng Punong Ministro

Seryosong nag uusap ang mga kalaban ng Emperador sa bahay ng Punong Ministro.
"Mukhang nakakabahala na ang mga pangitain ng mga babaylan Ministro Fillo", ang makahulugang sabi ni Lady Minerva.

"Oo nga Punong Ministro kailangan nating maunahan ang kaalyado ng emperador sa paghahanap sa taong sumasagisag sa bituin ng Nizar", ang seryosong sabi ng isang Ministro na nadodoon sa pagtitipon di nila maipagkakaila na seryoso ang kanilang mga pinag uusapan.

Tila malalim naman ang iniisip ng Punong Ministro pinag iisipan niyang maigi ang mga hakbang na gagawin.

"Nabalitaan ko rin na hindi pa nahahanap ang itinakdang Prinsipe marahil napatay na siya ng mga nabayaran nating tauhan", singit naman ni Ministro Lam ang ministro sa Sandatahang lakas ng buong emperyo.

"Ministro Lam utusan mo ang mga sundalo upang halughugin ang buong gubat, hindi lang yun ipakalat din ang larawan ng Itinakdang Prinsipe sa mga kalapit na bayan kailangan kahit isang maliit na detalye ay makarating agad sa akin malaking kaguluhan pag nabuhay ang prinsipe, maliwanag ba Ministro?", makikita mo sa mukha ng punong Ministro ang seryoso at may pag aalalang itsura.

"Opo Punong Ministro", sagot agad ni Ministro Lam.

"Ikaw naman Lady Minerva paghandaan mo na ulit ang pagbubukas ng paaralan ngayong pasukan siguraduhin mong walang insektong galing sa mababang uri ang makakapasok kailangan na ang kaalaman lamang ay sa Maharlikang angkan", sinusubukang harangan ng mga maharlika ang panukala ng Emperador ang pagkakaroon ng pagkakapantay pantay sa edukasyon.
⏩⏩
Makalipas ang higit isang taon.

Templo ng Sabang

"Master Mina, Master Mina", sigaw ni Julian na ngayon ay pawis na pawis sa paghahanap kay Gabriel.

"Oh bakit nahanap mo na ba si Gabriel?", nag aalalang tanong ng babae na halatang pagod sa paghihintay sa pinakamahalagang tao sa kanyang pangangalaga.

"Hindi pa po pero may usap usapan ang mga nakasalubong kong mangangaso na may mga tulisan daw pong nakita sa gubat kung saan huling nakita si Gabriel", ang nag aalalang paliwanag ni Julian.

Natigilan naman si Master Mina sa kanyang narinig halo halong kaguluhan na sa kanyang isip ang tumatakbo ngayon sa kanyang ulo. Di niya alam kung paano nangyari ang mga bagay bagay napakabilis ng mga pangyayari at mga pangitain na dumadating simula pa kahapon. Simula ng magkadikit ang dalawang bituin sa kalangitan.

"Kailangan na nating mahanap si Gab sa lalong madaling panahon".

⏩⏩

Sa Palasyo ng Emperador

"Nakakabahala ang nabanggit ng punong Babaylan sa atin kamahalan", sambit ni Ministro Niho sa Emperador na ngayon ay nakaupo sa kanyang trono.

"Tama ka, Isa pa hindi ko alam kung sino sa dalawang prinsipe ang tinutukoy sa Propesiya", naguguluhan pa rin ang Emperador sa mga nangyayaring galaw ng mga bituin sa langit. Simula kasi ng maparusahan ang buong pamilya ng matalik niyang kaibigan na ngayon ay di pa din matunton kung nasaan simula ng tumakas nagsimula ang mga kababalaghan sa Emperyo ng Magenta.

Maya maya pa dumating si Heneral Kultai ang pinakamagiting na Heneral at tapat sa emperador, dumating siya sa Bulwagan upang ibalita na si Prinsipe Leondale Marcus ay nawawala at di pa bumabalik sa tahanan nito sa palasyo.

"Kamahalan masamang balita po ang nakarating sa akin na ang mahal na prinsipe Marcus ay hindi pa bumabalik sa kanyang tahanan tatlong araw na po siyang nawawala kamahalan!", ang pahayag ni Heneral Kultai sa emperador na ngayon ay gulat na gulat na napatayo sa kanyang trono.

Emperor's Legacy: The Journey To PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon