Kabanata 5

82 2 1
                                    

Matt PoV

Nandoon ang 25 na mga babae sa larawan nakaupo at parang may hinihintay.

Siguro mayaman sila dito sa pampaputi ang gaganda kasi ng kutis nila.

Napatawa naman silang lahat. Bakit kaya?

"Hayy nakakatawa ka naman umupo ka na", ang sabi nang babaeng nasa ika 23 nasa dulo sa kanan ng hapag kainan katabi niya ang dalawang puting upuan.

Namamangha pa rin ako sa lugar na ito napakalinis parang tatlong kulay lang ang kumukulay dito ginto,puti at itim. Pati ang mga gamit sa pagkain ay pawang mga ginto.

"Uhmm bakit wala pong nakaupo sa kabisera?", kasi parang may naghihimok sa akin upang itanong bagay na yun. Nawala naman ang mga ngiti nila sa tenga.

"Kumain na tayo," ang sagot lang ng babaeng nakaupo malapit sa bakanteng kabisera.

Hayy sabi na eh di na naman nila sasagutin ang tanong ko. May bayad ba ang magsalita dito. Sobrang ang daming tandang pananong na sa utak ko ngayon.

Umupo na ako sa harap ng hapag kainan at sinimulan na naming kumain. Kung puwede lang dito na lang ako, dito na lang ako titira. Sobrang sarap kasi ng pagkain nila dito.

Pagkatapos naming kumain inaya nila akong pumunta sa isang kuwarto. Kakaiba ang kuwartong iyon sa kuwartong napasukan ko na para kaming nasa loob ng orasan. Sa sobrang dami  ng mga turnilyo at enggranahe (gear) na salitang gumagalaw. Sa gitna ng kuwartong iyon ay makikita ang pintuan pero wala namang pinto at dingding na nakakabit.
Pagkarating namin sa may pinto pinalibutan nila ako at unti unting nararamdaman ko ang bumabalot na liwanag sa aking buong katawan. Bago ako kinain ng liwanag isang tinig ang aking narinig.

"Mag ingat ka lagi kamahalan, gagabayan ka namin sa mga haharapin mo sa lupa gabayan ka nawa ng ating nakakataas na Bathalang Lubere", alam ko isa sa mga babae ang nagsalita ng mga salitang iyon at tuluyan na nga akong nilamon ng liwanag.

⏩⏩⏩⏩

Sa Palasyo ng Emperador

"Hinahanap na po ng ating mga tauhan ang ating Prinsipe", ang nakaluhod na sabi ni Heneral Kultai.

"Hinihiling ko na sana nasa maayos lang siyang kalagayan", ang sagot naman ng emperador.

Maya- maya pa dumating ang punong babaylan.

"Maligayang Pagbati kamahalan natunton ko na ang mahal na prinsipe at kinagagalak ko pong ibalita sa inyo na siya po ay ligtas na", ang nakangiting sabi ng Babaylan.

"Mabuti naman kung ganoon, masasabi mo ba kung saan ang lugar na iyong tinutukoy sa iyong nakita", ang tanong ng Emperador.

"Hindi pero nakakatiyak ako na isa ding Templo ng mga nagpapagaling ang tinutuluyan ng mahal na prinsipe, at alam ko na isa lang ang lugar na iyon sa buong Sabang".

"Magmadali ka heneral sunduin mo na ang aking anak sa Sabang", ang nagmamadaling utos ng emperador.

"Paumanhin po kamahalan bago yan may dapat po muna kayong malaman at gawin kailangan po natin ang tulong ng ating magiting na Heneral sa sasabihin kong ito", ang seryosong sabi naman ng Punong Babaylan.
..............
Sumalubong kay Gabriel ang matinding liwanag pag mulat pa lamang ng kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang mata sa kuwarto na pinaglalagyan niya. Maya maya bumukas ang pinto ng kuwarto at nakita niya ang nakangiting si Master Mina habang nakatingin sa kanya.
" Mabuti at gising ka na, ano bang nangyari sa'yo at nawalan ka ng malay sa loob ng gubat buti at nakita ka agad namin", ang nakangiti pa ding sabi ni Master Mina.

Inaalala ni Gabriel ang lahat bago siya nawalan ng malay. Bumalik ang lahat ng ala ala sa at napagtanto na may iniligtas siyang tao sa loob ng gubat.

"May nakita ba kayong binata na na katabi ko ng nakita niyo ako?", ang tanong ni Gabriel.

Di alam ni Master Mina kung ipapaalam niya kay Gabriel ang katauhan ng kaniyang iniligtas o hindi.

Sasagutin na sana ni Master Mina ang tanong ng may narinig silang mga katok sa labas ng kuwarto.

"Master Mina may naghahanap po sa inyo sa labas", ang sigaw ni Julian sa labas ng kuwarto.  Alam na alam ni Master Mina kung sino at ano ang dahilan ng estrangherong bisita ang pagpunta nito sa kanilang templo. Tila ang paghihiwalay nilang dalawa ng landas ay malapit ng mangyari.

Bago lumabas ng pintuan ang Matandang manggagamot lumingon siya kay Gabriel at ngumiti at sinabing.
"Gab kahit anong mangyari wag na wag kang mawawala sa gitna ng dilim, sa halip mag silbi kang liwanag sa iba upang makita nila ang kanilang sarili", yun lang at umalis na ang matanda.

Naguguluhan man sumang ayon na lang si Gabriel sa sinabi ng matanda.

Ramdam pa din ni Gabriel ang sakit ng katawan na akala mo'y dumaan siya sa matinding pakikipaglaban di niya maigalaw ang kanyang mga paa at kamay kaya bumalik na lang siya sa kanyang pamamahinga.
➡➡➡➡

Sa tanggapan ng Templo ng Sabang

Nakita ni Master Mina ang mahigit sa isang libong sundalo na nakapalibot sa kanilang templo.

Pagpasok niya sa kanyang tanggapan nakita niya ang lalake na nakabalute na parang pupunta sa isang madugong labanan. Tumayo naman ito at nagbigay pugay.

"Ikinagagalak ko pong makilala ang isang alamat sa panggagamot,  ako po si Heneral Kultai,  Master Mina", ang magalang niyang pagbati sa matanda.

" Alam ko ang sadya mo dito, at pinapayo ko sa'yo na kunin mo na ang prinsipe sa lalong madaling panahon", ang seryosong sabi agad ng matanda. " Paparating na ang bagyo na susukat sa katatagan ng aking Templo", ang kalmadong saad pa rin ni Master Mina.

"Pero paano kayo, at lalo't higit ang inyong napakahalagang taong nasa templo ngayon ang Nizar", ang nag aalalang sagot naman ng magiting na Heneral.

"Matagal ng nakaukit ang kapalaran ng lahat, maging ang akin ay nakasulat na, wag kang mag alala sa Nizar sapagkat ang kanyang tatahakin ay mag sisimula pa lamang at nakikita kong makakaya niya ito, wag kang mag alala sa akin di pa ito ang huli nating pagkikita, gawin mo na ang iyong misyon", ang sabi naman ng Matanda.

Nagdadalawang isip man ang Heneral na iwan ang Nizar at ang maalamat na Manggamot pero wala na siyang magagawa.

May malay na ang prinsipe ng isakay nila sa karwahe magaling na lahat ang pinsala sa katawan niya na para bang walang nangyari pero mahina pa rin ang kanyang katawan kaya pinili na lamang niyang ipikit ang kanyang mga mata at iniisip ang binata na nagligtas sa kanya.

Nakatanaw naman sa labas ng tanggapan niya si Master Mina habang nasa likuran niya si Heneral Kultai.

"Huwag mo nang tangkain pang silipin ang Nizar, nasa mapayapa pa siyang pamamahinga ngayon sa pagpapagaling niya sa Kamahalan, napakalaki ng koneksyon nila sa isa't isa pero sa nagyon napakalabo pa ang mga pangitain na aking nakikita di ko pa mapagtugma tugma ang aking mga pangitain pero nakakasigurado akong lahat nang nangyayari ngayon sa kalangitan ay may kinalaman sa Nizar at sa Kamahalan(Prinsipe), sabihin mo sa Mahal na Emperador ang narinig mo sa akin Heneral, malapit ng dumating ang magbabago at iikot sa kapalarang ng Emperyo ng Majenta", nakatingin pa rin ang Matandang manggagamot sa karwaheng sinasakyan ng Prinsipe.

"Makakaasa po kayo na makakarating lahat ng sinabi niyo sa ating Kamahalan(emperador), hanggang sa muli po nating pagkikita", nagbigay pugay na naman ang Heneral kay Master Mina.

"Gabayan kayo ng ating mga bathala", pagkatapos nun umalis na ang hukbo ng mga kawal.

Pinatawag naman ni Master Mina si Julian sa kanyang tanggapan.

"Inihanda mo na ba ang lahat?", ang tanong agad ni Master Mina kay Julian na kakapasok lang sa tanggapan.

"Opo hinihintay lang po natin ang kanilang pagdating", ang sagot naman ni Julian.

"Ihanda mo na rin ang iyong sarili", ang seryosong wika ng Matanda.

****
Bathalang Lubere itinututuring na nakakatataas sa lahat ng bathala. Sinasabing naglikha sa lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Emperor's Legacy: The Journey To PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon