Habang nagpapagaling ang magkapatid sa loob nang kuweba nagkaroon naman nang pagtatalo sa loob nang palasyo.
"Kamahalan hinihiling ko sa iyo at sa kagalang galang na mga konseho na ipagpaliban muna ang pagbitay sa lahat nang bilanggo ngayon upang bigyan pansin ang nangyari kagabi", nakikiusap na sabi ni Ministro Niho.
"Hindi maari ang pinapanukala mo, walang mabigat na dahilan kung bakit di matutuloy ang pagbitay sa mga nagkasala sa bayan", sagot naman ni Misnistro Fillo na ngayon ay di maipinta ang mukha at mukhang di nakatulog.
"Ang pangyayari kagabi at ang pagkakasala nang mga bibitayin ay walang kaugnayan sa isa't isa", pag segunda naman ni Lady Minerva. Gusto kasi nilang makitil na agad ang buhay nang mag asawang Santello.
Pinag-iisapan nang Kamahalan ang mga punto nang kanyang konseho, bilang kaibigan at malapit na pamilya gusto niya ding tulungan si Lord Christoff at Lady Leizel. Pero wala silang sapat na dahilan upang ikansela ang kanilang pagbitay. Nakakapanghinayang sa kadahilanang siya ang may pinakamataas na posisyon sa lipunan pero wala siyang magawa. Pinagplanuhan ng oposisyon ang pagdiin sa mag asawa. Alam niyang di si Lord Christoff ang may kagagawan nang mga pangyayari.
Isang palaisipan pa rin sa hari ang mga nangyayari, gustong gusto niyang iligtas ang kanyang kaibigan subalit di niya ito magawa. Hopeless na ang kaso nang kanyang kaibigan.
"Kamahalan maaring magkaroon nang kaguluhan kapag hindi natuloy ang pagpaparusa sa may mga sala, malaking dagok sa inyong trono ang di pagpapatupad nang batas na pundasyon nang ating bayan, at isa pa mawawala sa balanse ang ating bayan at iisipin nang nakakarami na ang batas ay hindi patas", ang matigas na paliwanag ni Ministro Fillo sa bulwagan halos lahat nang mga konseho at mga gobernador na nandoon.
"Pagbigyan niyo sana kami sa aming kahilingan, kamahalan", sabay sabi nang mga gobernador at mga ministro, maliban lang sa mga kaalyado nang emperador.
Walang magawa ang Emperador sa mga pangyayari.
"Gawin niyo ang sa tingin niyo ay tama", ang sagot nang Emperador sa mga taong nandodoon.
"Kamahalan!", walang pag asang sigaw ni Ministro Niho.
Nawa gumawa ang Langit nang paraan para lumabas ang katotohanan.
Sa Templo
Samantala abala naman ang mga Babaylan sa pagtingin sa kalangitan sinusuri nila ang takbo at tayo nang mga bituin, araw at buwan sa mundo.
"May problema po ba punong babaylan?", tanong ni Babaylan Lina isa sa pinagkakatiwalaang babaylan niya at nang hari.
"Di ako mapalagay, parang pakiramdam ko ay may gustong iparating ang langit", nangangambang sabi nang punong babaylan na ngayon ay nasa labas nang templo at nakatingin sa bituin.
Lumakas ang ihip nang hangin at tinangay ang mga tuyong dahon nang mga puno na akala mo ay may masamang bagyo ang darating. Nakatulala lang ang punong babaylan nang panahon na yun.
"M-mayy-y m-mali-i! May mali!", ang nangangambang sabi nang punong babaylan. Napakalaking pangitain ang nakita nang punong babaylan nang oras na iyon.
Sa Gubat
Kinabukasan.
Gumising ang magkapatid dahil sa isang lalaki na tumatawag sa kanila. Sa takot na makita sila nagkubli sila sa pinakamadilim na parte nang kuweba.
"Lord Lyndon! Lord Lyndon! Lord Matt! Lord Matt! Nasaan na po kayo?", naririnig ang tinig nang isang lalaki na parang hinahanap sila.
"Kuya mukhang si Ginoong Martin ang humahanap sa atin". Mahinang salita ni Matt sa kuyahin niya na ngayon ay nagdadalawang isip kung sasagot o hindi.
"Ahmm Matt puwede mo bang gamitin ang Eye of Clearance ngayon kasi di ko magamit ang aking kapangyarihan sa kadahilanang naubos ang enerhiya ko sa paglaban sa Teager kahapon di pa tuluyang nanunumbalik ang aking lakas". Sagot ni Matt sa kanyang kapatid. ( Ang "Eye Of Clearance") ay mahikang kayang gamitin nang mga Maharlikang Pamilya maari mong makita ang kapaligiran mo, tumatagos ito sa pader at nakikitaa ang anumang aura sa paligid ang pinakamalakas na mata ay may kakayahang sakupin ang 500 metro ang layo).
"Sige po kuya susubukan ko", sagot ni Matt atsaka pummikit upang matuon ang kanyang isip sa paggamit nang kanyang mahika. Sa pagmulat nang kanyang mga mata naging berde ang dating kulay kayumanggi na kanyang mga mata. Nakikita niya ang kulay pulang aura sa labas. Tinignan din niya ang kapaligiran upang masiguro kung may ibang tao pa ang naroroon at siya'y muling pumikit.
"Kamusta wala ba siyang ibang kasama?", tanong ni Lyndon sa kanyang kapatid.
"Wala na kuya nakikita ko ang nag iisang aura nang Ginoo", sagot ni Matt sa kanyang kuya.
"Ganun ba, siguro isa pa siyang kakampi nang ating pamilya", - Lyndon.
Lumabas si Lyndon at naiwan si Matt sa labas nang kuweba upang kausapin si Ginoong Martin. Maya maya pa'y pumasok na si Lyndon kasama si Ginoong Martin.
"Lord Matt mabuti at ayos lang kayo, napakabata niyo pang magkakapatid upang danasin ang ganitong problema", naluluhang sambit nang Ginoo habang yinayakap ang kinakausap.
"Huuuuhhuuuuhuuuu", "Ginoo si Ina at si Ama wala na sila, natatakot ako Ginoo", umiiyak na sabi ni Matt na ngayon ay nakayakap na kay Martin.
"Shhhhhh! Lord Matt wag kang mag alala habang nandito kami nang kuya mo di ka dapat matakot, kailangan mong maging matapang para sa iyong sarili at sa ibang nagmamahal sa'yo, oo nga pala pinapunta ako dito nang mga pinuno nang "White Lotus " para kunin kayo at protektahan, ipinangako nila sa inyong magulang na sila na ang bahala at aalaga sa inyo", ang sabi naman ni Martin sa magkapatid.
Sa Bulwagan nang nakakataas na Konseho.
"Wala nang makakapigil sa ating mga plano", ang nakangiting sabi ni Ministro Fillo sa kanyang mga ka-alyado.
"Kitang kita na natin ang ating tagumpay Ministro", Ani ni Minerva na ngayon ay umiinom nang salabat.
"Minerva kamusta na ang plano sa Kingdom school, binago na natin ang lahat walang sinuman ang makakapasok na estudyante na walang mahika kahit sa anong baitang na pamilya pa sila napapabilang", seryosong sabi ni Ministro Fillo. Kalimitan kasi nang nakakapasok sa Kingdom School ay mga mayayaman at kabilang sa Mataas na angkan lamang sa ngayon ang makakapasok na lamang ay may mga taong may mahika at kahit sinong mag aaral mapabilang man sa mababang angkan o hindi basta mayroon ka lamang kapangyarihan.
"Ministro maari bang malaman namin kung anong plano niyo sa pagbabago nang ating curriculum sa paaralan at ngayon ay puwede naa rin ito sa mahihirap?", ang sabi nang isang Ministro na naandun sa bulwagan.
"Ang lahat nang may sumusunod at hinahangaan nang tao ang siyaang may dahilan upang maging pinunu nang mga ito, atsaka hindi ko naman sinasabi na may mahirap na tao na basta basta na lang makakapasok, ang pagkaing masama ang lasa pero mabango ang amoy ay siyang masarap hangga't di mo pa natitikman", makahulugang sabi nang Ministro Fillo.
Maya- maya pa'y may pumasok na sundalo sa kanilang bulwagan.
" Ang mga bilanggo nakatakas", ang sigaw nang kawal na nagpatayo sa mga ministro na nandoon.
BINABASA MO ANG
Emperor's Legacy: The Journey To Power
RandomSa mundo kung saan posible lahat nang bagay, kung saan ang mundo ay nahahati sa di makatarungang sistema, ang mundo na nababalot nang mga mahika, mga hari, emperador, diwata, mga taong may mga mahika, at higit sa lahat ang pagmamahal. Matatanggap mo...