Chapter 1

615 9 0
                                    


Stranger


"Mabuti naman at hindi mo naabutan ang traffic. Girl, parang pumayat ka anong ginawa mo?" Napalingon ako kay Chel na ngayon ay nakanguso habang pinapasadahan ang katawan ko. Inilatag ko ang damit na hawak ko sa cabinet.


"Anong pumayat!" Itinaas ko ang aking damit at ipinakita ang aking tiyan.

"Hindi mo ba makita ang tiyan ko? Ikaw ang puti puti mo na. Para ka ng arina. Itigil mo na ang gluta." Ngumuso siya sa sagot ko at bumalik naman ako sa aking ginagawa. Binuksan ko ang aking maliit na maleta at napangiti ako ng makita ko ang scarf na ginawa ni lola para sa akin.

"Hindi naman ako umiinom no'n e! Ano bang problema mo at mukhang maiinit ang ulo mo? Break na naman ba kayo ng boyfriend mo?" Napairap ako sa nasabi niya at hindi siya pinansin. Dinampot ko ang scarf at tinupi ng maayos.

"I knew it! Ano na naman ang rason niya ngayon? Talakera ka? Masyado kang matapang? Ayaw ka ng mom niya? Not virgin anymore? Gosh! Wala ng matinong lalake ngayon. Dapat lang na hindi mo ibigay iyan sa kahit na sino sa kani-"

"Hindi ko na siya mahal." Napatigil siya sa sinabi ko. Hindi ko siya nilingon. Dinampot ko ang aking damit at kumuha ng hanger sa cabinet.

"Jez." Naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ko siya mahal. Ang pangit ng ugali niya. Gusto niyang iwasan ko kayo at sa kanya lang ang atensyon ko. Ayoko ng gano'n." Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Grabe naman! Nakakatouch! Talaga? Mas mahalaga kami kaysa sa kanya?" Humagikgik siya bago humiwalay sa yakap sa akin. Isinabit ko ang damit kong naka-hanger sa cabinet bago siya muling nilingon. Ngumiti ako ng makita ang maliwanag niyang mukha.


Masyado siyang walang alam sa relasyon at sa mga lalake. Pareho lang sila ni Zanie. Masyado silang inosente sa pag-ibig. Akala nila madaling makalimot kapag nakihiwalay ka sa taong minahal mo. Pero hindi nila alam kung gaano kasakit at hindi nila alam kung gaano kahirap ang paulit ulit na masaktan.

"Hindi ko lang kayo kaibigan kundi kapatid ko kayo kaya syempre mas mahalaga kayo kaysa sa kanya." Mas lalo siyang napangiti at mahigpit niya akong niyakap. Napangiti ako. Sana ay hindi narin nila malaman pa kung gaano kasakit ang magmahal. Pero gusto kong maranasan din nila kung gaano kasaya ang malamang may nagmamahal sa kanila ng buo.

I wish they only love once.


Hindi katulad kong hanap ng hanap ng pag-ibig. Kahit sabihin kong hindi ko kailangan ay kapag may nagparamdam ay agad kong tinatanggap dahil sa pag-aakalang siya na ang nakatadhana sa akin.

"I love you!" Hagikgik niya kaya napailing nalang ako bago humiwalay sa yakap niya.

"O siya! Halikana at tulungan mo 'kong mag-ayos ng gamit ko!" Tumawa siya at agad din akong tinulungan.

"Daanan natin mamaya si Zanie, ha? Gusto niyang lumabas, e." Ngumiwi ako at saglit siyang nilingon.



"Gusto mo lang makita ang kuya niya, e." Agad siyang humalukipkip at napatawa ako sa paniningkit ng kanyang mga mata.

"Ano bang sinasabi mo?!" Ngumuso siya. Humagikgik ako.


"Hwag ka nang magdahilan diyan. Dinadahilan mo pa si Zanie, e. Alam ko namang gusto mo si kuya Zoren." Nagulat ako ng bigla niya akong batuhin ng damit na inaayos niya. Mas lalo naman akong napatawa ng makita ang mukha niyang naiinis na.

Blood Or Diamond Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon