Chapter 12

178 5 0
                                    




Save me from my reality...


Bumuntong hininga ako sa aking nabasa sa dingding ng coffee shop. Napalingon ako kay Zanie na ngayon ay mugto ang mga mata. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon dahil kay Jaythird. Sabi ng Doctor ay nawala ang ala-ala niya ng maaksidente siya sa Baguio. Ngayon ay hindi niya maalala si Zanie na kanyang fiancée. How tragic is that?

"Gusto mo bang lumabas ngayon? Shopping tayo." Umiling siya bago muling humigop sa kanyang kape. Nagkatinginan kami ni Chel. Umiling siya na parang sinasabing hwag ko siyang pilitin.

Ilang linggo na ang nakakalipas mula ng maganap ang aksidente. Umalis si Zanie sa kanyang trabaho para maalagaan niya ng maayos si Jaythird. Kahit na  hindi ako sang-ayon sa naging desisyon niya ay wala akong nagawa. Hinayaan namin siya maging ang magulang niya ay pumayag din.

"Do you think she can handle it?" Tanong ni Chel ng magpaalam si Zanie sa amin. Dadalawin daw niya si Jaythird sa kanyang opisina. Nagkibit ako ng balikat.

"Hindi ko alam. Siguro sa ngayon ang kailangan niya ay suporta natin." Tumango si Chel bago namin napagpasyahang umuwi na.

Napapadalas din ang pagpunta namin kay Rocky. Sa kanila lang kasi ni Awee kami nakakarinig ng balita tungkol sa dalawa. Ang sabi ni Rocky ay h'wag nalang daw kami makialam sa relasyon nila tutal ay mukha naman daw nagiging maayos na.

"Wala ka na bang naiwan?" Tanong ko kay Chel ng palabas kami sa pinto. Pupunta kami sa Tagaytay at dadalawin namin si lolo at lola. Dalawang araw kaming mamamalagi doon.

"Wala na. Nasan si Mimi?" Tanong niya bago lumingon sa akin na hawak ito.


"Iiwan mo ba siya doon?" Tanong niya bago niya inilahad ang kamay niya kay Mimi. Sumunod naman ito. Ako narin ang nagsara ng pinto at nagdala ng gamit naming dalawa.

"Oo. Nakakahiya naman kasi kung lagi nalang siya kay Demi. Marami na siyang alaga. Hindi na niya maaasikaso si Mimi. Buti pa doon kila lola maaalagaan siya ng mabuti." Ngumuso si Chel bago hinamplos si Mimi.

"Mamimiss kita. Pakabait ka doon ha? Don't forget mommy Chel, okay?" Pumasok kami sa elevator bago ko pinisil ang ground floor kung nasaan ang aming sasakyan.


Pagkalabas namin ay dumiretso kami sa sasakyan ni Chel dahil mas malaki iyon sa akin. Binuksan ko ang likod at isa isang inilagay ang aming mga bagahe.

"Ang dami mo namang dala." Kunot noo kong tanong. Nilingon niya ako bago ibinaba si Mimi sa passenger seat.

"Hayaan mo na! Pinapansin pa kasi." Gusto ko mang umiling ay hindi ko na nagawa. Mapili kasi siya sa damit na ikinaiinis ko minsan. Pareho lang sila ni Zanie.

"Tumawag pala si Miss Tolentino sakin. Ang sabi magkakasama na ulit tayo?" Sumulyap ako saglit sa kanya bago initsa ang sasakyan. Ayaw niyang magdrive dahil inaantok daw siya.


"Oo. Nasabi niya sakin noong dumaan ako sa opisina." Tumango ako habang sa daan ang buong atensyon ko.

"Siya nga pala. Naalala ko lang pala. May isang matandang lalaking nagtatanong tungkol sa'yo noong nasa opisina ako. Hmm." Saglit ko siyang sinulyapan.

"Nakalimutan ko ang pangalan niya."


"Bakit daw?" Tanong ko nilingon ko ang side mirror. May mga tarantado talagang motorista kahit saan ako magpunta. Ibinaba ko ang windshield.


"Hoy gago! Magpakamatay kang mag-isa!" Sigaw ko sa naka big bike na akala mo ay pag-aari niya ang daan. Tumawa lang ang lalaki at kinindatan ako.


Blood Or Diamond Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon