Chapter 13

173 6 0
                                    


Sweep

"Inaantok kana?" Dumungaw siya sa kanyang wristwatch bago lumingon sa akin.

"It's already two." Pagpapatuloy niya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako inaantok kahit na pagod ako.

"Bakit? Inaantok ka na ba?" Tanong ko. Umiling siya  bago humalukipkip.

"No. I'm not sleepy yet." Pinilit kong ilihim ang aking ngiti ng makitang humikab siya.

"Are you sure you want to leave Mimi here?" Tumango ako sa naging tanong niya. Niyakap ko ang aking sarili ng umihip ang malamig na hangin.

"Walang mag-aalaga sa kanya doon. At tsaka mas maaalagaan siya kung dito muna siya." Kahit man gusto kong sa akin nalang manatili si Mimi ay hindi ko magawa dahil sa trabaho ko. Ayaw kong naiiwan siya palaging mag-isa.

"Well, that's true but you'll be lonely." Nagkatinginan kami. Hindi ko alam na iyon ang inaalala niya.

"Hindi mo naman ako iiwan hindi ba?" He was taken aback. Nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko ay nanlaki din ang mga mata ko.

"No! I mean—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mahina siyang tumawa. Ngumuso ako.

"I won't." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking ulo na parang isang bata.

"Hindi kita iiwan. Kahit man lumayo ka at hindi kita makita." Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. Kahit sa lamig ng gabi ay wala akong naramdaman kundi ang init ng puso kong tinatawag ang pangalan ng lalaking nasa harap ko.


Bumaba ang kamay niya patungo sa aking likod. Inilapit niya ako sa kanyang bisig na parang pinoprotektahan ako sa lamig ng gabi. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi.


"So please. Can I be your boyfriend?" Kahit na tinatangay na ako ng kanyang mapungay na mata at malambing na salita ay pinilit kong magsalita.

"H-hindi mo pa nga ako nililigawan." Sa ilang sandali ay nagkatinginan lang kami. Pinakikiramdaman niya ako na parang tinatanong kung nagbibiro ba ako o hindi.

"Do you still want that?" Kunot ang noo niya na parang hindi naniwala sa sinabi ko. Umirap ako at umayos ng tayo.

"Ang swerte mo naman kung girlfriend mo na agad ako? Ni hindi mo pa 'ko nililigawan." Humalukipkip ako. Ang gulat at kunot niyang mukha ay unti unting napalitan ng tawa. Tumawa siya na parang isang malaking biro ang sinabi ko. Muli ay umirap ako.

"I'm sorry." Pigil niya sa kanyang pagtawa. Tumikhim siya at umayos ng tayo. Humalukipkip siya bago sumeryoso. Kinagat niya ang ibabang labi niya.

"Hindi ko alam na uso pa ang ligaw. I'm sorry." Is he serious right now? Bumuntong hininga ako. He saw how disappointed I am.


"But if you let me. I will. Wala man akong alam sa pormal na panliligaw ay gagawin ko." Halos ay kagatin ko ang loob ng labi ko para lang h'wag ipahalata ang sayang naramdaman ko.


Nagulat ako ng hatakin niya ako sa kanyang dibdib. Idinikit niya ang kanyang noo sa akin. Naamoy ko agad ang kanyang nakakaakit na bango. Nanlambot ang tuhod ko.

"You know, without using a broom. I can sweep you off your feet." Hindi ko napigilang tumawa.


"Easy there." Tinanggal ko ang kanyang magkabilang kamay sa aking likod. Nagulat siya sa ginawa ko. Pero nakita ko ang amusement sa kanyang mukha.

Blood Or Diamond Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon