Chapter 6

321 3 0
                                    


Motibo

Nilingon ko si Chel na ngayon ay nakaupo sa sofa. Nakatitig sa kanyang cellphone na parang may hinihintay doon. Bumuntong hininga ako.

"Kakaalis lang ng boyfriend mo. Hinihintay mo na naman ang text niya?" Inilapag ko ang tasa na hawak ko sa counter bar at umupo sa high stool. Tumingala siya at ngumuso.

"Hindi naman a!" Sagot niya at ibinagsak ang hawak na cellphone sa tabi niya. Umiling ako at humigop sa kape ko.

"H'wag mong masyadong ipahalata na gustong gusto mo siya. Mamaya magsawa yan sa'yo." Umirap siya at inabot ang remote control at binuksan ang TV.

"Hindi nga! Ang kulit mo." Hindi nalang din ako nagsalita at hinayaan na siya. Ayoko namang masyadong pinapakelaman ang isang ito pero minsan ay hindi ko maiwasan.

"Mag-iiba na schedule natin dahil maraming bagong employee. Baka kami lang ni Zanie magkasama next month." Aniya makalipas ang ilang minuto. Tumango ako.

"Nasabi na sakin ni Miss Tolentino noong isang araw. Okay lang naman sa akin. Nakakasawa kaya kayong kasama." Ngumisi ako ng pinandilatan niya ako.

"Baka makakasama mo si Gena. Iyong malandi." Nilingon ko siya na ngayon ay nasa TV lang ang mga mata. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Hindi naman malandi si Gena a! Ang bait kaya." Umirap siya at humalukipkip.

"Talaga namang malandi iyon!" Ngumisi ako.

"Paano mo naman nasabing malandi siya? Iilang beses palang kayo nagkasama a!" Ngumiwi siya. Itinikom ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.

"Hindi mo ba maalala noong sumama siya sa outing natin sa Batangas. May nakita lang e, ang landi landi na!" Tumaas ang kilay ko at tumango tango.

"A! Naalala ko na! Noong hiningi niya ang number ni kuya Zoren. Bakit? Affected ka?" Agad siyang lumingon sa akin.

"Hindi a!" Depensa niya.

"Okay." Sagot ko ng may kumatok sa pintuan. Napakunot ang noo ko at nilingon iyon. Bumaling ako kay Chel.

"Baka si Zanie." Aniya. Tumango ako at bumaba sa high stool at dumiretso sa pintuan. Binuksan ko iyon at agad na sumalubong ang pabango ng kilala kong tao. Pinilit kong wag langhapin iyon bago humalukipkip.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakangiti siya at ni hindi man lang natinag sa talim ng tingin ko sa kanya. Napalingon ako sa sahig kung saan may karton doon.


"Hi!" Ikinaway niya ang kanyang kamay.

"Ano iyan?" Turo ko sa sahig ng may gumalaw sa karton.

"Para sayo." Sagot niya at binuhat iyon bago ilahad sa akin. Hindi ko tinanggap at tinignan lang siya.

"Hindi ko birthday at hindi rin pasko." Itinagilid niya ang kanyang ulo na parang sinisilip ang reaksyon ko kahit na nasa harapan na niya ako.

"Well. Dahil gusto kong makipagkaibigan sa'yo. I wanna give you this." Bumuntong hininga ako. Kahit sana ayokong tanggapin ay nakonsensya naman ako.

Nang tatanggapin ko na sana ay nagulat ako ng gumalaw iyon at nagbukas. Isang maliit na puting pomeranian. Nanlaki ang mga mata ko.

"Isn't she cute?" Aniya. Ni hindi ko siya masagot dahil nakatitig lang ako sa asong nakatitig sa akin at iwinagayway pa ang buntot. Ngumiti ako at agad na kinuha siya mula sa box.

Blood Or Diamond Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon