Chapter 3

340 8 0
                                    

Assuming

"Mabuti naman at dumalaw kana, apo." Ani lola bago ibinaba ang hawak niyang juice sa lamesa. Agad ko iyong ininum.

"Syempre naman, la! Ilang buwan na akong hindi nakakauwi, e. Lagi kasing busy sa trabaho." Umupo siya sa harap ko. Napangiti ako ng makita ang maaliwalas niyang mukha. Maamo ang mukha ni lola maputi siya at kahit matanda na ay kita parin kung gaano siya kaganda lalo na noong kabataan niya.

"Marami ka na bang napuntahang lugar?" Banayad niyang tanong bago hinaplos ang braso ko. Tumango akong parang bata.

"Marami na la! USA, Japan, Hongkong, Dubai, Korea, sa susunod na buwan ay sa Europa naman daw po." Muli akong uminom ng aking juice. Kitang kita ko kung gaano siya ka proud sa akin kahit hindi niya sabihin. Ramdam ko iyon.

"Ang galing naman ng apo ko. Siya nga pala. Ang dalawang kaibigan mo bakit hindi mo pa sinama dito?" Tumango ako.

"Isasabay ko nalang sila sa susunod kong punta, la. Nagbakasyon din sila sa kanikanilang pamilya." Agad namang tumango si lola at muling tumayo.

"O'siya at magsasaing na muna ako." Maagap akong tumayo para agawin ang trabaho niya.

"Ako na, la! Magpahinga ka nalang diyan. Nasaan ba si manang Rena?" Umiiling na kinaway kaway pa ni lola ang kanyang kamay para patigilin ako.

"Sabi nang ako na diyaan! Si Rena ay nagpuntang palengke para sa hapunan." Hindi ko siya pinakinggan at agad narin akong nagsaing. Ayoko na sanang magtrabaho si lola at lolo. Kaya ko naman na silang tustusan. Pero mapilit parin sila minsan at ayaw nilang nakaupo lang.

"Sinabi ko naman sa inyong hayaan na ninyo si manang Rena na gumawa ng mga ito. Ang kulit niyo, la. Para saan pa't nagtatrabaho ako para sa inyo ni lolo?" Bumuntong hininga ako ng matapos ako sa pagsasaing. Naupo na si lola sa dati hawak ang kanyang pamaypay at pinaypayan ang sarili.

"Itong batang 'to. Malakas pa naman kami. Hayaan mo na." Ngumuso ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"La, ayoko lang na napapagod kayo. H'wag na kayong makulit. Gusto kong tumagal pa kayo hanggang sa magkaroon ako ng pamilya. Gusto kong makita niyo pa ang magiging apo niyo sa tuhod." Humagikgik si lola at hinaplos na muli ang aking braso nakayakap sa kanya.

"Hindi naman kami nagpapagod. Ang lolo mo pagsabihan mong magretire na. Makulit din ang isang iyon." Tumango ako at muling umupo sa tabi niya.

"Pagsasabihan ko talaga iyang si lolo. Kung hindi siya magreretire ay hindi ko siya bibigyan ng apo." Tawa ni lola ang bumuhay sa kusina ng magbukas ang pinto. Pareho kaming napalingon sa sala ng marinig ang pagbukas niyon. Bumungad si manang Rena kasama si lolo papasok. Agad akong tumayo para salubungin si lolo ng yakap at halik sa pisngi.

Gulat pa siya ng tumakbo ako palapit sa kanya.

"Lo!" Inilahad niya ang kanyang mga kamay at hinayaan akong yakapin siya. Napahinga ako ng malalim bago kumalas sa yakap.

"Kamusta, apo?" Aniya. Agad kong kinuha ang hawak niyang bag at iginiya siya papasok ng bahay.

"Okay naman po. Pero kayo. Ilang beses kong sinabing tumigil na kayo sa pagtatrabaho. Ang kulit niyo parin." Ngumuso ako. Ngumiti si lolo at inakbayan ako ng makarating kami sa sala. Sinalubong naman kami ni lola.

Blood Or Diamond Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon