(Pag alala sa nakaraan.)
Malalim na ang gabie balisa si Trena, dahil hindi pa umuuwi ang kanilang Ina.
Simula kasi ng mamatay ang kanilang ama ay lagi nalang itong ginagabi sa pag uwi.
Narinig pa niya sa kanilang kapitbahay na may nobyo na daw ito.
Ayaw niyang mag asawang muli ang kanyang ina dahil natatakot siya sa kaligtasaan niya, dahil babae siya, marami na kasi siyang mga narinig tungkol sa mga stepfather na nanghahalay ng mga anak anakan.
Kaya ayaw talaga niyang mag asawang muli ang kanyang Ina.
Sinipat niya ang relong naka sabit sa kanilang dingding, alas 12 na pala.
Nag tiyaga talaga siyang hintayin ang kanyang Ina, hangang sa makatulogan na niya ito.
*****
Napabalikwas ng bangon si Trena dahil may kumalabog sa kanilang pinto, pilit na binubuksan ito.
Mayamaya pa ay tinawag na siya ng kanyang ina.
Trena , trena ...
Buksan mo itong pinto sabi ng kanyang Ina.
Opo nandiyan na po Inay tugon ni Trena.
Bakit ngayon lang ho kayo? Tanong niya.
Wag kanang maraming tanong pagod ako, nga pala ito si Danilo siya ang bago mong Papa sabi ng kanyang Ina.
Para siyang binuhosan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ng kanyang Ina.
Ho? Bagong Papa?
O bakit may reklamo ka? Nobyo ko si Danilo.
Ngapala honey ito nga pala ang anak kung si Trena, diba maganda ang anak ko, mana sakin sabi ng kanyang Ina.
Oo naman honey ang ganda ng anak mo mana sayo sabay, ngiti at tumitig ng makahulogan kay Trena.
Nangilabot naman si Trena sa paraan ng pagtitig ni Danilo sa kanya.
Ah eh, sige Nay maiwan ko muna kayo mag iinit lang ako ng tubig para sa kape ninyo, sabi ni Trena, na iilang kasi siya kay Danilo.
Honey mag pahinga ka muna sa kwarto sabi ng kanyang ina sa malabing na boses.
Hindi maiwasang kilabotan si Trena sa bawat pag lalambing ng Ina sa nobyo nito.
Kinakabahan toloy siya.
Nang kumulo na ang ininit niya tubig ay ipinag timpla na niya ang mga ito ng kape.
Nay, tawag niya sa Ina niya, nasa kwarto ito kasama ang nobyo nitong si Danilo.
Walang sumasagot kaya, pasimpli nalang siyang sumilip sa siwang ng pinto.
Namulagat siya sa kanyang nakita dahil hubot hubad ang dalawa habang nag tatalik.
Dali dali naman siyang umalis, lumabas siya ng kanilang bahay, medyo ma dilim dilim pa ang paligid, sa tantiya niya ay nasa alas singko pa lang ng umaga.
Takot na takot siya sa kanyang nakita, kaya para maibsan at malimotan niya ang kanyang nakita kanina ay nag walis nalang siya ng kanilang bakuran, hangang sa lumiwanag ang buong paligid.
*******
Lumabas ang dalawa sa kwarto, at nakita nila ang kapeng nasa lamisa.
Si Trena naman ay na sa kalanan at nag sasaing na ng bigas para sa kanilang almusa.
Nasa labas ang kanilang kalanan hiwalay sa kanilang bahay, kaya kung mag luluto ay kailangan pang lumabas.
Nakitang niyang naka umang si Danilo sa may pintuan ng kanilang bahay habang tangan ang kapeng tinimplan niya kanina.
Naiilang nanaman siya dahil naka tingin ito sa kanya parang, kinakabisado ang kanyang katawan.
Dali dali naman siyang pumunta sa likod ng kanilang bahay, kunwari kumuha ng pangatong, hindi kasi siya kumportable kapag tinitingnan siya nito para kasing maymalisya ang bawat titig nito sa kanya.
Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib rinig na rinig niya ito, sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganito.
Nasa hapag na silang tatlo upang kumain.
Tuyo? Sabi ng kanyang ina.
Opo nay kasi iyan nalang ho ang na tira eh sabi ni Trena.
Alam mo namang may bisita tayo diba? Bakit hindi ka pumunta doon sa tindahan?
O ito, bumili kanang itlog tska yung corbeef sabay abot ng pera.
Pasinsiya kana honey ha, minsan kasi itong si Trena eh tatanga tanga sabay halukipkip sa kanyang nobyo.
Masama naman ang loob ni Trena sa kanyang Ina, dati hindi naman ganoon ang Nanay niya, feeling niya mas importante pa ang nobyo nito kay sa sakanya.
Nasa tindahan na si Trena, at rinig na rinig niya ang mga bulong bulongan ng ilan nilang kapitbahay.
Hindi na nakatiis si Aling Detas at kinausap na talaga siya nito.
Hoy Trena balita ko nan jan ang nobyo ng Nanay mo ah, sabi nito.
Ah opo sagot ni Trena, ayaw sana niyang pag usapan ito.
Balita ko jan na daw yan titira sa inyo, sabi pa ni Detas.
Po? Wala naman pong sinabi si Nanay sakin.
Sayo wala pero kay Menda meron diba barkada sila?
Nako iyang Nanay mo, nabulag sa pag mamahal, kita ko sa lalaki niya eh parang hindi naman matino, gwapo nga lang pero parang barumbado ang dating.
Hindi nalang nag salita si Trena, sige ho Aling Detas mauna na ako mag luluto pa kasi ako eh.
O siya sige mag ingat ka nalang palagi sa inyo pahabol pa nitong sabi.
Napaka chesmosa talaga itong si Detas kung sino sino nalang ang binabantayan, sabi ni Trena sa kanyang isip.
Pag dating niya sa bahay ay agad niyang niluto ang biniling ulam.
Nasa hapag na sila para kumain naiilang talaga si Trena kay Danilo.
Habang kumakain ay nag uusap din sila.
Siya nga pala Trena sabi ng kanyang Ina, mula ngayon didto na titira ang Papa Danilo mo, dahil mag sasama na kami sabi ng kanyang ina habang naka ngiti.
Po? Sabi niya sa gulat na boses.
Bakit? Ayaw mo? Sabat ni Danilo.
Hoy Trena nobyo ko si Danilo siya na ang bago mong ama kaya dito sa bahay ko na siya titira sabi ng kanyang Ina na parang galit.
Hindi naman po saganon Nay baka lang ho kasi pag chesmisan tayo ng mga kapitbahay sabi ni Trena.
Wala akung paki alam sa mga kapitbahay nating yan siguro na iingit lang sakin ang mga yan.
Talagang nag panting ang tinga niya sa mga narinig sa Ina, padalos dalos lang ito sa mga desisyon niya ni hindi man lang siya sinabihan nito.
Masama talaga ang loob niya sa kanyang ina, pero wala na naman siyang magagawa dahil ito ang masusunod sa kanila, anak lang siya, nakailang sumunod sa mga gusto nito, at wala siyang karapatang mag reklamo.
BINABASA MO ANG
Kasambahay (Complete)
HorrorSi Trena ay nakaranas ng pang aabuso sa kanyang stepfather kay nag ka trauma siya, sa nangyari sa kanya, lumuwas siya ng Maynila upang mag apply bilang isang kasambahay ngunit sa di inaasanhang pag kakataon nanumbalik sa kanya ang mga alala ang ng y...