kabanata 15

2.4K 37 1
                                    

Hindi na malayan ni Trena na nakatulog na pala siya sa kaiisip sa mga nangyari sa kanyang nakaraan.

Sinipat niya ang relo sa kanyang kwarto, tanghali na pala, matagal kasi siyang naka tulog kagabi kaya tinanghali siya ng gising.

Nag handa muna si Trena sa kanyang mga gamit, mamaya kasi ay aalis na siya sa bahay ng mga Sanchez.

Sinigurado din niyang malinis ang mga kwarto ng mga amo niya,pati na rin ang kusina at higid sa lahat ang likod ng bahay, sinigurado niyang hindi basta bastang ma hahala ang sekretong itinago na niya doon.

Alas siyete ng gabi, nang lisanin niya ang bahay ng mga Sanchez.

******

Hingal na hingal si Trena, nag lalakad lang kasi siya, nag babakasakaling, may makitang na kapaskil na, wanted kasambahay sa bawat bahay na madaan niya.

Hanggan sa mapadpad siya sa isang subdibisyon.

Naki usap siya sa guardya papasukin siya sa loob mag babakasakali lang kasi siyang may nangangailangan ng kasambahay sa loob.

Dahil sa hindi naman siya ka hinahinala at kaya pinayagan din siya ng guardya, pero bago man siya pinapasok sa loob ng subdivision ay pina log muna ang pangalan niya siya sa log book.

NAME: Dianne Montero

Nang makapasok na siya sa loob ng subdivision ay sinuyod niya ang mga kabahayan doo,at laking tuwa niya ng may makita siyang, nakapaskil sa gate ng isa sa mga bahay doon.

Wanted kasambahay apply inside.

Agad niya iyon kinuha at mag door bill.

Mayamaya pa ay may lumabas na isang matabang Babae.

Bakit? Tanong nito.

Nakita ko po kasi ito sa gate ninyo, sabay pakita sa karatula, mag aapply po sana ako sabi niya dito.

Halika pasok, ka sabay bukas ng gate.

Ano nga pala ang pangalan mo tanong ng matabang Babae kay Trena.

DIANNE PO DIANNE MONTERO sagot niya sa babae at rumihestro sa kanyang mukha ang kanyang kakaibang ngiti..

WAKAS......

Kasambahay (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon