Chapter 1

4 1 0
                                    


Analie Vasquez

The worst thing in life is when you've realize that your partner is cheating on you. Akala ko we will be until the end, I thought siya na ang 'the one' ko but then I was wrong. The person whom I've trusted so much broke my heart. He was the least person na inaakala kong hindi mananakit sa akin. Ang buhay nga naman puno ng surprises, surprises that blows up my world. Joke lang! Grabe naman ni wala nga akong nararamdaman dun sa hayop na lalaki na yun na nangloko sa akin eh.

I smiled bitterly as I remembered my ex-boyfriend and my cousin kissing in my room. Like hell, pwede naman silang maghalikan sa kahit saang lugar ba't naisipan pa nilang maghalikan sa loob ng bahay ko.

"Hoy! Anong ginawa ng ballpen sayo? Aish. Tignan mo nga yang ginawa mo binali mo yang mamahaling ballpen ko." Tsk. Mamahalin raw eh nakabili ako nito nung grade five ako, limang piso lang naman 'to noon. Tinignan ko siya ng masama sabay irap sa kanya."Bruha ka talaga akin na nga yang ballpen ko, pms ka na naman eh."

"Oh yan sa'yo na yang mumurahin mong ballpen saksak mo yan sa baga mo."mariin kong sabi.

"Ano bang ginawa ko sayo at ganyan ka kung makaasta huh? Para ka na namang sira diyan don't tell me iniisip mo na naman yung gagong ex mo? Naku naman Ana tigil-tigilan mo na ang kakaisip sa lalaking yun masaya na yun sa malandi mong pinsan kaya ikaw dapat maging masaya ka na rin."

Hinawakan niya ang mukha ko at pinipilit akong ngumiti. I forced myself to smile at inalis ko ang kamay niya sa pagmumukha ko.

"Masaya naman ako ah at isa pa wala akong pakialam sa kanila kaya huwag mo na silang banggitin pa."kinuha ko sa kamay ni Coleen ang ballpen nainiabot ko sa kanya kanina."Alam mo Col naiinis talaga ako sa kanila sana kasi sinabi na lamang nila sa'kin yung tungkol sa kanila hindi yung pinaglalaruan nila ako at pinagmukhang tanga and beside alam mo namang hindi ko mahal si Gino."

"Tss. Sabi ko naman sa'yo na huwag mo na silang intindihan pagnakita ka nila ngayon sa ganitong sitwasyon I'm sure pagtatawanan ka ng mga yun kaya cheer up girl. At alam na alam ko na sinagot mo lang si Gino para ipamukha sa pinsan mo na hindi ka isang laruan na pwede nilang imanipulate. Taman na nga yan girl, andito pa naman ako ang nag-iisa mong bestfriend."sabi ni Coleen. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Coleen and I become best friends last three years. Nagkita kami accidentally sa isang hospital. I was hospitalized at that time dahil naaksidente ako noon siya naman ay binabantayan yung mommy niya na may sakit sa puso. Palagi ko siyang nakikita sa may garden ng hospital umiiyak kaya one time I've decided to talk to her. At dun nagsimula ang pagkakaibigan namin, palagi niya na akong dinadalaw sa room ko para makipag-usap sa'kin at para maglaro kami ng cards. Simula nun hindi ko na siya gaanung nakikitang umiyak mas palagi ko nang nakikita ang mga ngiti niya sa labi but it didn't last long. Isang araw nagpunta ulet siya sa room ko she was crying hard at that time tinanong ko kung anong nangyari sa kanya and all she said was the word 'mom'.

"Nakikinig ka ba sa akin Ana Rāl Lie Vasquez?"she waved her hand kaya napatigil ako sa pag-iisip. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Magsasalita na sana ako ng biglaang dumating ang english professor namin. Tumayo si Coleen at lumipat sa kanyang upuan kaya loner na naman ako. Nagpasokan ang nga kaklase namin including my ex. Wow, nakalimutan kong magkaklase pala kami.

"Good morning."sabi ng professor namin tumayo kami to greet her back pagkatapos ay umupo ulet."Today, the exchange student from Spain will start his first day as a JTS student."

Spain? Tama ba ang narinig ko? I thought from the other school lang around Philippines ang magiging new schoolmate namin hindi ko alam na international pala ang ipinalit sa aming vice-president.

"Ms. Wilma, have you seen the new student?"tanong ng isa kong kaklase.

"Oo nga Ms. Wilma, have you seen him? Gwapo po ba?"tanong naman ni...Coleen? Tsk. Gwapo na naman ang iniisip ng babaeng yun.

Halos lahat ng mga kaklase kong babae ay nag-umpisa ng tanungin si Ms. Wilma samantalang ako eto nakikinig lang sa kanila. Wala akong pakialam kung gwapo man yun o hindi pero for petesake sana gwapo nalang para naman mabigyan niya ng hustisya ang Espanya. Ang alam ko kasi halos makikisig at gwapo ang mga lalaki na nakatira sa Spain kaya gusto kong makita yang exchange student na yan para malaman ko kung totoo ba yung mga naiimagine ko sa kanila.

"Everyone settledown! You'll have the chance to judge him in his appearance when he enters this room."may magtatanong pa sana ulet kay Ms. Wilma ng tinaas niya ang kamay niya to shut them up."Yes, he will be your classmate, he will be part of this section."

Nagtilian ang mga kaklase kong babae tapos napa face-palm naman yung mga lalaki. Napatingin ako sa may kaliwa ko at nakita ko na walang pakialam si Gino dahil busy siya sa paglalandi kay Lassy yung isa sa top student namin. They were just sitting while naghaharutan. Tae talaga! Ang landi ng lalaking 'to matapos niyang halikan ang pinsan ko may iba na naman siyang nilalandi gago talaga.

"Come in."narinig kong sabi ni Ms. Wilma kaya agaran akong napatingin sa may pintuan. Dahan-dahan itong bumukas at iniluwa ang isang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa. K. I was just exaggerating but honestly gwapo nga talaga siya."Please do introduce yourself."

Lumapit siya sa tabi ni Ms. Wilma at humarap sa amin."I'm Sean Patrick Callis, nice to meet you all."he said. Yun lang? Wala na siyang ibang sasabihin?

"Mr. Callis, please go ahead and take a seat."wika ulet ni Ms. Wilma. Nagtilian naman ulet ang mga kaklase ko at sabay-sabay pa silang umurong yung iba lumipat ng ibang upuan para may chance silang makatabi si Mr. Spain, yeah Mr. Spain tawag ko sa kanya ngayon dahil hindi naman kami close.

Sinusundan ko ang bawat galaw ng new classmate namin kaya hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin. Umiwas agad ako at tumingin sa kabilang banda. Tae, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Baka atakihin na naman ako gaya nung nangyari last month. Pero wala naman akong kinain na bawal kaya hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko kaya napatingin agad ako dito. My eyes widen ng makita ko si Mr. Spain na nakaupo sa tabi ko. What the hell? Why is he sitting beside me?

Tumingin siya sa akin ng seryoso at tinaasan ako ng kilay."Is there something wrong?"he said on his spanish accent. I immediately shook my head and looked away. Inilapit niya ang pagmumukha niya sa may tenga ko at bumulong siya sa akin."Eres hermosa, mi señora."

"Huh? Kristine Hermosa?"I said bluntly. Sikat rin ba si Ms. Kristine Hermosa sa bansa nila? Teka nga, alam kong hindi yun ang ibig niyang sabihin eh. Ano nga ba pinagsasabi niya? Señora lang ang naintindihan ko sa mga nasabi niya eh.

Nakita kong ngumiti siya dahil sa sinabi ko kaya inirapan ko siya at nagfocus nalamang sa pakikinig sa discussion ni Ms. Wilma.
I have a feeling na magiging complicated ang last year ko dito sa school nato.

----------

Eres hermosa = You're beautiful

Mi Señora = My lady

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now