Analie Vasquez
Anong gagawin ko wala akong partner sa activity na pinagawa ni Ms. Wilma sa amin. O Lord, bukas na yun please sana pumayag si Coleen na magswap na kami ng partners. Bakit ba kasi nagloko pa ako? Mommy, daddy, magparamdam kayo kay Coleen tapos sabihin niyong hindi niyo siya titigilan hanggat hindi siya nakikipagpartner sa akin. Loko na yun hindi makontak kahapon kaya ayun tinadtad ko nga ng text.
"What's with that look, Ana?"tanong sa akin ni kuya.
Tinignan ko siya ng medyo naiiyak at sapilitang hinila paupo sa kama ko.
"Kuya, wala akong partner sa english activity namin. Wala na kuya hindi na ako makakagraduate nito bagsak na ako. Good-bye dreams, good-bye diploma and good-bye to my future beautiful life."maarte kong sabi kay kuya.
Tumawa siya na parang nababaliw at ginulo-gulo ang magulo kong buhok.
"Get up and fix yourself, your partner is waiting downstairs."
"P-partner?"hindi makapaniwalang tanong ko kay kuya. Ibig sabihin natanggap ni Coleen ang mga texts ko? Ibig sabihin pumapayag na siya na maging partner ko! Omg! Thank you Lord! Thank you mom and dad sabi na eh matatakot yun sa inyo. Keep up the good work mom and dad.
"Oo, kaya ayusin muna yang sarili mo."hindi ko na sinunod pa ang utos ni kuya dahil si Coleen lang naman yun.
Tumakbo ako pababa at hinanap agad si Coleen sa living room namin only to see the person whom I hated so much.
"What are you doing here?"galit na tanong ko sa kanya."Kuya, where's Coleen?!"sigaw ko.
Bakit wala si Coleen dito? Siguro she's in the kitchen, right she's in the kitchen alam kong nasa kusina lang yung babaeng yun dahil matakaw yun.
Nagpunta ako sa kusina at nalaglag ang panga ko dahil wala akong makita na Coleen sa loob nito. This is the end of the world.
Nakita ko si kuya na bumaba ng hagdanan kaya agad ko siyang nilapitan at yinugyog ang kanyang braso.
"You lied to me! You said Coleen's here."madrama ngunit mahina kong sabi.
"By, I said your partner is here I didn't meantion Coleen's name."natatawang sabi ni kuya.
"Aish."pinadyak-padyak ko ang mga paa ko na parang bata, na parang nagtatantrums. Inikot ako ni kuya which causes me to see Sean's face again and which causes me to kill him hundred times in my mind.
"I believe Sean is your partner and not Coleen. Now go, fix yourself and change your clothes it is not right to dress up like that in front of your guest."
Actually wala namang mali sa suot ko ngayon kaya lang ayaw ni kuya na nagsusuot ako ng maiksing short kapag nakaharap sa mga lalaki. Pero hindi naman lalaki tong kumag nato dahil naging bading siya simula kahapon at isa pa hindi ko siya bisita.
Inikot akong muli ni kuya at itinulak niya ako paakyat sa hagdan."Bilis umakyat ka na at ayusin mo yang magusot mong mukha."nagpout ako kay kuya tapos dahan-dahang umakyat papuntang kwarto ko to change and dress up properly.
After fixing myself ay bumaba na ulet ako at pinuntahan si Sean na kampanteng nakaupo sa sofa namin. Hinanap ko si kuya pero no signs of him. Siguro umalis na yun at iniwanan na naman ako sa lalaking 'to. Bakit ba komporable si kuya na iwanan ako sa kumag nato? What if may gawing masama si tong lalaki nato sa akin? Naku! Si kuya talaga! Mapagsabihan ng siya mamaya.
Tumikhim ako bago umupo sa kabilang side ng sofa. Nakayuko lang ako habang iniintay kung ano ang sasabihin niya. Ayokong makita ang pagmumukha niya at ayokong ako ang maunang kumausap sa kanya ngayon kaya kung hindi siya magsasalita edi bahala siya sa buhay niya dahil wala akong pakialam sa kanya.

YOU ARE READING
Sad Beautiful Tragic
Random"Kahit mabura man ng ilang beses ang alaala ko, maaalala ko pa rin na ikaw ang mahal ko dahil ikaw at ikaw lang ang nagpapatibok nitong puso." -Analie