Chapter 6

1 0 0
                                    


Analie Vasquez

"Lets play jack 'n poy then the one who'll lose will pay all the expenses, okay?"sabi ko kay Sean.

Huwag kayong maingay ah pero nakalimutan ko kasing dalhin ang wallet ko kaya wala akong pera kahit piso. Kaya buti nalang talaga at gumana ang utak ko ngayon at nakapag-isip agad ako ng paraan kung paano ako makakapasok sa park ng walang inaalalang bayarin.

"De acuerdo."sagot niya. Iisipin ko nalang na um-oo siya. Kaya I positioned my right hand at sumunod naman siya sa ginawa ko. He also positioned his right hand tapos nagbilang siya nga 1-2-3 tapos sabay kaming nag jack en poy.

"Jack 'n poy."sabay naming sabi. Naglaro lang kami ng naglaro hanggang sa natalo ako. Oo, natalo talaga ako ang saklap ng buhay ko. Paano nato?

Ginawa ko naman ang best kong manalo pero sadyang hindi talaga para sa akin ang larong jack 'n poy. Ako pa naman ang nag-isip na ang matatalo ay siyang magbabayad sa lahat ng expenses tapos ito ako isang talonan. Anong gagawin ko eh wala nga akong perang pambayad.

Think Ana, think kung ano ang dapat mong gawin dahil mapapahiya ka kapag wala kang sasabihin o gagawin tapos baka magalit pa siya sayo back to mortal enemy na naman kayo pagnagkataon.

"Can we go now?"tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa labi ko at ngumiti sa kanya ng alinlangan."I-I don't have any money."sabi ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo kaya yumuko ako. Alam kong sesermonan niya ako kaya bago paman siya nagsalita ay inunahan ko na siya."Oh huwag ka munang magagalit ah swear gumagawa na ako ng paraan eto na nga oh tinatawagan ko na si kuya."sabi ko sa kanya as I dialed my brother's number.

Tumawa siya ng malakas kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kinuha niya ang cellphone ko mula sa aking kamay at inend ang tawag. "Dios mío, why would I get angry?."ibinalik niya sa akin ang phone ko at hinila ako papasok sa loob ng park.

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko habang nakapila kami upang magbayad ng entrance fee. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak nito. Napasimangot na lang ako at pinabayaan siya at dahil sa tagal naming nakapila at sa pagkabored ko ay napaisip ako ng malalim. Naisip ko yung huling sinabi ko sa kanya kanina at sa pagkakaalala ko hindi ako nag-english nun pero sumagot siya sa akin. So does it mean he can understand tagalog?

After hundred years of lining ay sa wakas nakabayad na rin kami. Nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa loob pero hinila ko siya ng malakas papunta sa gilid ng isang booth at tinignan siya ng masama.

"Qué? What have I done this time?"nagtatakang tanong niya sa akin.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya napaatras siya."Tell me, nakakaintindi ka ba ng tagalog?"nakapamewang kong tanong sa kanya. Tumango-tango siya.

Oh my holy shell! Ba't hindi niya sinabi sa akin na nakakaintindi siya ng tagalog? Walanghiyang lalaki pinahirapan pa ako sa kakaenglish tapos nakakaintindi naman pala siya ng tagalog.

"Ba't hindi mo sinabing nakakaintindi ka ng tagalog? Walanghiya ka!"pinagpapalo ko siya."Para akong nauubusan ng dugo sa tuwing nakikipag-usap sayo tapos nakakaintindi ka naman pala ng tagalog!"nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang parehong kamay ko upang mahinto ako sa pagpalo sa kanya. Itinulak niya ang ulo ko ng mahina tapos tumayo siya ng maayos."Hindi mo ako tinanong n------"

"O-M-G! A-alam mo ring magsalita ng tagalog?Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! All this time you've lied to me! Nagmukha akong tanga sa harap mo!"

"H-hey lower down your voice. Nagtitinginan na ang mga tao sa atin."sabi niya sa akin. Bakit ganun kahit tagalog na yung pagsasalita niya ang ganda-ganda pa rin niyang pakinggan.

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now