Chapter 3

2 0 0
                                    


Analie Vasquez

Andito ako ngayon sa Sweet Milk Tea shop at hinihintay si Sean yung espanyol na lalaking yun. Yesterday, nagchat siya sa akin na magkita raw kami para makapag-usap about sa activity namin sa english. Bago pa siya nagmessage sa akin ay inadd niya muna ako. Ako naman out of curiosity hindi ko kinonfirm ang request niya tinignan ko muna ang profile niya.

Tsk. Loko yun, umaabot ba naman sa thousands yung likes ng mga pictures niya and come to think of it yung profile picture niya ay last five months pa yun. Tapos may anim na pictures lang siya na inupload at yung ibang pictures na nandun ay nakatag lang sa kanya. Halatang hindi siya mahilig sa facebook pero kahit na ganun ang dami parin niyang likes.

Asan na ba yung lalaking yun?! Mahigit tatlong minuto na akong naghihintay dito. Wala naman akong number niya para itext siya kung asan na siya tapos hindi rin siya online ngayon. Kainis pinagloloko lang ata ako nung lalaking yun.

Aalis na sana ako ng may babaeng lumapit sa akin at umupo sa may harap ako.

"Si eres amiga de Sean?"sabi ng babae sa akin. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil hindi naman ako marunong mag spanish and besides amiga at yung pangalan lang naman ni Sean ang naintindihan ko sa sinabi niya. Sino ba kasi 'tong babaeng to at kaano-ano siya ni Sean.

"I can't understand Spanish."I said looking at her eyes.

"Oh, I beg for your forgiveness I didn't know that you are a stupid person."

"What did you say?"I asked angrily.

"Oh, I didn't know that you are also a deaf person."she smiled, fakingly.

"Oh, you didn't know? I see. So there are a lot of things that you didn't know. I bet you also don't know that you look like a horse."

"What did you say?"she asked as she gritted her teeth. See? Nagkabaliktad na ang sitwasyon ngayon.

"Oh I said you look like an animal. Hmmm. I wonder what kind of animal.W-wait, that's it! You look like a dirty little bitch mouse."I say as I smiled sweetly to her.

Tumayo siya at inilagay ang dalawang kamay sa mesa at inilapit niya ang mukha sa akin."Remember this, you are nothing so Sean will never ever like you put that on your mind."

Huh? May sinabi ba akong may gusto siya sa'kin? Duh, as if naman magkakagusto yung lalaki na yun sa'kin noh. Besides puro palitan lang kaya ng sagot ang alam namin. Tapos ngayon pinapahighblood niya pa ako dahil sa hindi niya pagsipot sa akin ngayon at dahil rin sa pagdating ng babaeng 'to dito. Humanda talaga sa akin yung espanyol na yun at makakatikim talaga siya sa akin.

"Ok."sabi ko tapos nagsaludo pa ako sa kanya. Inirapan niya ako at padabog na umalis sa harapan ko. Bahala nga siya sa buhay niya kasi tama naman yung sinabi niya na wala ako compared to her kasi ang ganda-ganda kaya niya. Kaya lang sobrang sama ng ugali biruin mo pinuntahan lang talaga ako rito para inisin ni hindi nga namin kilala ang isa't isa. Masyadong makapal ang mukha nakakainis.

After an hour of staying in this Shop ay napagdesisyunan ko nang umuwi sa amin dahil feeling ko nag-aaksaya na lamang ako ng oras dito sa kakaintay sa wala.

Pero bago paman ako tuluyang umuwi ay binilhan ko muna ng cheese cake si kuya. Paborito kasi naming dalawa ang cheese cake masarap kainin at hindi nakakasawa but I also love eating chocolate cakes, strawberry and specially mocha though bawal sa akin ang mocha at yang mga may halong kape ay hilig ko pa rin yung kainin kasi masarap nga ang bawal.

"I'm home!"I shouted. Nagtungo ako sa dining area namin at inilagay sa mesa ang cheesecake na binili ko. Kumuha ako ng dalawang plato at nagtimpla ng juice. Sakto namang tapos na ako sa pagtitimpla ng lumabas si kuya sa kwarto niya."Kuya, come here saluhan mo ako sa pagkain."

"Naks naman baby oh bumili ka pa talaga ng pagkain nabawasan tuloy pera mo for this month."sabi ni kuya habang ginugulo ang buhok ko.

Siya si kuya Daniel Lie Vasquez he's four years older than me. Siya na ang nag-aalaga sa akin simula nung iniwan kami nina mommy at daddy. Mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya kaya gusto ko siyang maging masaya. Marami ng pinagdaanan si kuya marami na siyang problema na kinakaharap kaya ayoko ng dagdagan pa yun. Kaya ginagawa ko talaga ang lahat para magpakabait kaya lang kahit anong pilit kong maging mabait kusang lumalabas ang masama kong ugali lalo na kapag may umaaway sa akin.

"Kuya talaga halika na nga lang dito at kumain ka na. Tignan mo yang sarili mo oh nabawasan na yang kapogian mo."

"Baby naman, never mababawasan 'tong kapogian ko kahit hindi pa ako maligo ng ilang araw o buwan pogi pa rin ako."

"Tsk. Sinong niloloko mo? Kasasabi ko pa nga lang na nabawasan diba? At pagsinabi kong nabawasan, nabawasan talaga, naiintindihan mo?"nandidilat na tanong ko sa kanya. Tumango-tango si kuya habang napahawak sa batok niya." Oo, kahit hindi ka pa naliligo okay lang pogi ka parin pero ibang usapan na kapag hindi ka kumakain ng mabuti kaya kumain ka ng maayos at huwag puro trabaho ang iniisip, kuha mo?"

"Oo na, sige na, tss parang ikaw yung mas matanda sa atin ngayon ah."napalingo-lingo siya."Dalaga na talaga ang baby ko nakakatuwa naman at nagmatured ka na."

Nagpout ako."Matagal na naman akong dalaga ah. Nung fifteen ako naging ganap na dalaga na ako."

Tumawa si kuya kaya inirapan ko siya. Totoo naman diba kapag isang babae nagkaroon na ng dalaw ibig sabihin dalaga na siya. Aish. Nababaliw talaga ako kapag naaalala ko yung araw na first time ko nagkaroon. Hindi naman sa nataranta ako kasi alam ko naman kung anong nangyayari sa akin. Ang kinababaliwan ko lang ay nung nagtabi kami ni kuya matulog kasi sobrang sakit nung puson ko kaya hindi niya ako iniwanan instead ay tumabi siya sa aking matulog at binantayan ako.

Tapos pagkagising namin sobrang daming dugo yung higaan ko tapos pati yung short ni kuya nagkaroon din ng dugo. Sobrang umiyak talaga ako nun sa hiya. Kasi siyempre lalaki si kuya tapos natataranta pa siya ng dahil sa akin dahil baka raw maubusan ako ng dugo dadalhin pa nga sana niya ako sa hospital eh kung hindi lang dumating yung tita ko nun siguro isinugod na ako ni kuya sa ospital.

"Are you listening to me young lady?"

"Kuya kung makapagsalita ka para kang si lolo Albert may pa young lady, young lady ka pang nalalaman."

Tumawa siya at biglaang napahinto."Right. Speaking of lolo Albert gusto niya pala akong magpunta sa Italy sa susunod na buwan."

Italy? Europe na naman. Last time pinapunta ni lolo si kuya Daniel sa Russia para sa business namin tapos ngayon italy na naman. Sana naman sabihan rin ako ni lolo na needed yung presence ko sa business namin para makapagtravel rin ako around the world ng libre.

"Isama mo ako kuya please. Gusto ko talagang magpunta sa Rome yun ang favourite place ko sa Italy kuya kaya sige na please sabihan mo si lolo na isama ako. Promise hindi ako magiging magulo sa inyo."

He chuckled."Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi ka naman pala talaga nagmatured dahil hanggang ngayon umaasta ka parin na parang bata. Anyway sige pipilitin ko si lolo na payagan akong isama ka."

"Yes, yes, yes! Thank you so much kuya kaya mahal na mahal na mahal kita eh."niyakap ko ng mahigpit si kuya at pinaghahalikan ang pisngi niya.

"C'mon stop it already and finish eating your cheesecake."Bumalik ako sa kinuupuan ko at masayang ipinagpatuloy ang pagkain ko."By the way, there's a guy earlier at hinahanap ka niya Sean ata yung pangalan nung lalaki."

Napahinto ako sa pagsubo at tinignan si kuya."Anong sabi niya?"

"Nag-aalala raw siya sa'yo dahil nalaman niyang nakipagkita yung bestfriend niya sa'yo."

So bestfriend niya yung malditang babae na yun? Tsk. Hindi nga naman nakakapagtaka dahil parehong masama ang ugali nila.

Kailan niya pa nalaman ang address ko, kailan niya pa nalaman na dito ako nakatira? At isa pa, hindi siya yung kachat ko kagabi? Naloka na! Ang gulo-gulo na ng lahat ng nangyayari ngayon. Halos hindi ko na naiintindihan ang ikot ng pangyayari parang may mali na naman.

------------

Si eres amigo de Sean? = Are you Sean's friend?

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now