IKALAWANG KABANATA : BABAE AT KWINTAS.

227 3 0
                                    

Babae at ang kwintas.

Dahil sa lakas ng ulan sa labas, ang bubong ng bahay ay dumadagundong. Tila nagwawala ang bawat patak ng ulan. Maingay, magulo, at nakakapangilabot.

Simple lamang ang kwarto ni Keno. Hindi naman kalakihan pero tiyak na magkakasya ang limang malalaking kama. Kumpleto ang laman ng loob, nasa gitna ng kwarto ang higaan niyang "family bed" kahit na siya lamang ang nahihiga dito. Sa kaliwang bahagi, matatanaw ang floor-to-ceiling niyang lagayan ng mga libro. Sa kanang bahagi naman ay ang studying station niyang magulo. Kung dati, taon-taon bago ang kulay ng kwarto at bawat gamit na gusto niyang mabili ay napapasakanya, ngayon, nagtatyaga siya sa kupas na puting pintura. Mga librong pinaglipasan na ng panahon at mga kagamitan marupok pa sa matanda.

Nakaugalian na ni Keno na huwag magpatay ng ilaw kapag gabi. Mas gusto niyang nakikita ang mga bagay-bagay sa paligid. Hindi naman sa natatakot siya sa dilim. Mas gusto niya lang na nakabukas ito dahil sa pakiramdam niyang "ligtas."

Nang gabing yun. Sakanyang pagpikit, malinaw na naririnig ng kanyang tenga ang pagpatak ng mga tubig mula sa bubong na butas. Kasabay ng hanging malamig, ang pakiramdam niyang parang mayroong mata na nagbabantay sakanya. Nakatitig. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, biglaang nagtayuan ang kanyang mga balahibo. Nanlamig ang kanyang balat na umabot sakanyang buto. Harap-harapan niya kasing nakita ang babaing walang mukha. Duguan. Alam niyang nakangiti ito dahil nakaangat ang pisngi nitong maputi.

Dahil sa lapit ng kanilang mukha, nararamdaman niya ang basang buhok ng babae. Tumutulo ito sakanyang mukha. Nang punasan niya ito'y kulay pulang tubig ang bumakat sakanyang kamay.

"Shit!" Halos malaglag na siya sakanyang kinahihigaan ng tumagilid siya. Mukha agad ng babae ang kanyang nakita. Nakatabi sakanya at mahimbing na nakapikit. Wala itong mukha. Ang tanging makikita lang ay ang dugo nitong bumabakat sa kubre ng kanyang higaan.

"Anore!" Napatayo siya nang magsalita ang babae. Nagkaroon na ng korte ang mukha nito. Unti-unting bumubukas ang mata nito habang paulit-ulit ang lumalabas sa bibig nito.

"Anore?" Lumingon sakanyang direksyon ang babae at dali-dali itong tumayo. Inaabot nito ang kanyang mukha.

"Panaginip lang ito! Panaginip." Bulong ni Keno sa sarili habang humahakbang paatras.

"Anore!" Libo-libong boses ang kanyang naririnig. Sinisigaw ang pangalan ng kanyang ama. Iisa ang boses nito at tiyak na nanggagaling ito sa iisang bibig.

"Tama na!" Sigaw niya. Pero patuloy pa rin ito sa pagbulong. Pagbulong malapit sakanyang tenga.

"Tama n-" Natigilan siya. Dalawang kamay ang biglaang humawak sakanyang leeg at pinipisil nito ang kanyang mga ugat. Mas lalong nadagdagan ang kanyang kaba ng may dalawang pang kamay na humawak sakanyang braso.

"Tama na." Sigaw ng kanyang utak pero di' niya magawang ilabas ang hinaing sa loob. Mahigpit na nakakapit ang bawat kamay sa katawang niyang nagdudugo dahil sa sakit.

"Anore." Malalaking patak ng tubig ang patuloy na umaagos sakanyang mukha habang nadadagdagan ang kamay na humahatak sa balat ng kanyang katawan. Tila hinahatak ito at pinagaagawan.

"Magbabayad ka!" Matining na tinig ang nagpadugo sa kanyang tenga hanggang sa mawalan siya ng malay. Nakatulog sa sahig na basa. Basa dahil sa tubig na galing sa bubong.

"Keno! Keno!" Malaking boses ang gumising sakanyang malay. Tila sumisigaw ito mula sa labas ng bahay. Naabutan niya ang sarili na nakahandusay sa basang sahig. Pinaghalong kulay pula at itim. Maging ang kanyang damit ay basa. Namumuo ang mga dugo dito.

"Totoo ang nangyari kagabi." Sa isip-isip niya. Akala niya'y panaginip ang lahat. Ngunit ang mga pruweba ay nakahatag na sakanyang katawan na puros dugo. Dagdagan pa ng mga nangingitim na pasa sa kanyang balat. Bakat na bakat ang daliri sa bawat itim na pasa. Parang "tatoo."

Perfectly EngravedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon