Chapter 3: True Nature

18 1 1
                                    

Thank You sa mga nag-vote ng story ko! Sana sa mga nagustuhan itong story na ito ay subaybayan ninyo kahit mabagal ako mag-update ng story ko. Kailangan muna kasing sumanib sa akin ng "spirit of the story" ko kung tawagin hahahahaha. Anyways eto na ang Chapter 3!!

*********

Chapter 3: True Nature

Vanessa's P.O.V.

Suspended ang klase namin ngayong araw kaya nanatili lang ako ngayon sa bahay. Hindi maganda ang naging panaginip ko kagabi. Yung nangyari sa akin nakaraan lang ang nakalilipas. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga nakita ko o dahil sa kakabasa ko ng fictional stories kaya ganoon. Sobrang boring dito sa bahay. Kakatapos ko lang basahin ang librong hiniram ko sa library kaya wala na naman akong magawa. Narinig kong mag-ring ang telepono kaya agad kong sinagot iyon.


"Best!!" Hindi ko pa nailalapit sa tainga ko yung receiver ng telepono eh dinig ko na agad ang pagsigaw nitong si Sheila. "Tara best bili! Punta ka dito sa tapat ng Rosemart! Mag-mall tayo ngayon! Samahan mo ako! May imi-meet kasi ako na fafa!" Nang sigurado na akong hindi na magsasalita itong babaeng ito, tsaka ko inilapit sa tainga ko yung receiver.


"Best." Huminto ako ng sandali. "Next time, huwag ka ngang sumigaw sa phone? Mabibingi ako sa iyo eh!" Ewan ko ba kung bakit magyayaya na lang eh kailangan pang sumigaw sa telepono? Pwede namang kumalma lang ateng?


"Sorry na besty!! Basta punta ka ha? Intayin kita dito!" Sabay baba ng telepono. Hindi man lamang ako binigyan ng choice kung sasama ba ako o hindi. Sa bagay ganyan naman talaga iyung babaeng iyon. Hay. Mukhang kailangan kong lumabas ng lungga ko kahit ayaw ko. Mapilit kasi iyon kapag hindi ako sumama lalo na kapag ganoon iyon. Basta na lang ako hahatakin noon kapag kailangan niya talaga ng kasama. Better na marinig ko yung explanation niya mamaya kung bakit niya ko pinasama nang walang choice. Medyo nakakairita kasi.


Dumiretso na ako sa tapat ng Rosemart matapos kong ayusin ang sarili ko. Hayun si Sheila sa loob ng lugawan habang nagso-soft drinks. Agad niya rin akong napansin kaya kumaway na siya. Humalukipkip ako nang makalapit ako sa table niya. And by that gesture, I know she already knew that I need explanations for this.


Pinagdikit niya ang dalawang kamay niya as if saying sorry matapos lumagok ng iniinom niyang soft drinks. Ngumiti siya sa akin at medyo nagpapa-cute pa. "Sorry na besty. Kailangan ko lang talaga ng kasama ngayon. Meeting place namin kasi sa SM Taytay pero didiretso kasi kami ng bar kaya I need someone who can protect me. Ikaw lang ang maasahan ko best."


"Kung bodyguard hanap mo, sana nag-hire ka na lang kaysa hinatak mo pa ako dito noh?" pagmamaktol ko habang paupo sa tapat niya. "O di kaya yung bodyguard nina tito." I raised an eyebrow and a little teasing smile curved on the side of my lips. Nanlaki ang mga mata niya sabay nagpailing-iling siya. Haha! I know that she wouldn't do that. Who's parents would let their child in danger? Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala naman akong magagawa. I can't let her go on a blind-date without someone who can protect her. 


Sumakay kami ng blue cab papuntang SM. As we enter the mall, I felt a strange feeling like I've already felt it before. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang or what, but it makes me so uncomfortable. Naghintay kami sa food court kung saan daw sila magkikita. Siniko-siko pa ako ni Sheila dahil may kasama daw din itong isa pang lalaki kaya pwede daw na maging kapartner ko iyon. I just gave her a death-glare kaya tinigilan na din niya ako.

He is The Vampire Prince?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon