Chapter 5: Prince of Vampires

23 1 0
                                    

Sorry for the super duper late update guys. Naubusan ng inspiration si author eh. Babawi ako sa inyo within 3 whole weeks. Next week maga-update ulit ako ng next chapter ng He is the Vampire Prince?!! So without further adieu, ENJOY!

WARNING! PROCEED WITH CAUTIOUS! HINDI PWEDE SA BATA AT BATANG-ISIP ANG CHAPTER NA ITO! SPG AHEAD!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 5: Prince of Vampires

Third Person's P.O.V.

Hating-gabi na nang makauwi si Zed sa mansion niya sa Muzon. Ilang gabi na din siyang napapagod dahil sa biglang pagdami ng mga Level X vampires na umaatake. Nagtungo na muna siya sa banyo para maligo. Nababalutan siya ng masangsang na amoy ng dugo ng mga hayop na iyon. Hindi niya masisisi ang mga bampirang iyon dahil kasalanan din naman iyon ng mga lahi niya.


Nakapagpakalma sa kanya ang init ng tubig na bumuhos sa kanya mula sa shower head nang pihitin niya ang valve. Ang hindi niya maintindihan ay bakit ngayon kumikilos ang mga bampirang iyon. Dapat takot na ang mga itong umatake nang paulit-ulit sa isang gabi. At sa dami ng nilalang na inabo niya at ng mga kasamahan niya ay dapat lumiliit na ang bilang nila. Ngunit ang hindi niya malaman ay kung bakit tila sa kada pagtodas nila sa isang level X vampire ay siyang litaw ng dalawang kauri nito. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya, mayroong nasa likod ng biglang pagdami ng mga nilalang na iyon.



Lumabas siya ng banyo na nakatapis ng tuwalya ang baywang at ginagamit ang isa pang tuwalya para ipantuyo sa basa niyang buhok. Naupo siya sa gilid ng kanyang higaan kasabay ng pagkatok ng kung sino sa pintuan niya. "Come in..." ma-otoridad na saad niya. Pumasok ang isang lalaki habang may kapit na espada.



Lumuhod ito gamit ang isang tuhod at yumuko. "Panginoon, nahanap na po namin kung saan nanggaling ang nilalang na umatake kahapon sa iskwelahan." Huminto si Zed saglit at nakuha din ng lalaki ang atensyon ng panginoon niya. Hinayaan na lang ni Zed na sumalampay sa balikat niya ang tuwalyang ginamit niyang pantuyo kanina. "Tuloy..." mahina niyang saad at tumalungko.


"Opo Panginoon, nalaman po namin na may mga kauri itong tumitigil hindi kalayuan sa iskwelahan ninyo. Sa isang abandunadong bahay malapit sa Naval. Sa pagkakaalam ko din po ay may ilan pang malapit sa bahay ng babaeng pinapabantayan po ninyo." Nabasag ang wine glass na nakatayo sa ibabaw ng lamesita ni Zed nang madinig ang impormasyon na iyon. Nakakaramdam ng takot ang lalaking nasa harapan niya ngunit hindi nito ipinapakita sa kanya. Walang sino mang gumalaw sa kanila at walang ibang lumapit sa lamesita para mabasag iyon ng kanya. Alam ng lalaki na kapangyarihan iyon ng binatang tinatawag nitong panginoon.


"Ipadala mo kaagad sina Cyril at Jeff sa sinasabi mong abandunadong bahay." tumayo si Zed at agad nagbihis, "Ipahanda mo ang kotse ko. Ilang araw akong mawawala at ikaw, Keith, ang inaasahan ko dito sa mansion. Impormahan ninyo kaagad ako kapag may pagbabago sa mga pinapagawa ko." Kinuha niya ang susi sa tabi ng lampshade niya pati na din ang bag sa pagpasok sa paaralan. Nagmamadali siyang lumabas nang hindi na niya hinihintay ang sagot ng kanyang tagasunod.



"Yes my Lord..." alam ni Keith na hindi iyon narinig ng kanyang panginoon pero para sa kanya, ang mga salitang iyon ay isang pagsang-ayon sa kontrata na ibinibigay ng kanyang pinuno. Nawala siya na parang bula kasunod ng pag-alis nina Cyril at Jeff ng mansion nang madama ang prisensya ni Keith. Naihanda nga ang kotse ni Zed gaya ng utos nito. Sumakay kaagad siya at pinaandar iyon. Bukod tanging galit at pag-aalala ang nasa isipan ni Zed habang nasa daan. Habang ang dalawang tagasunod niya ay patalon-takbo sila sa ibabaw ng mga gusali mula Muzon hanggang Taytay. Naghiwalay din sila ng daanan nang makadaan sila sa Kwatro Kantos.

He is The Vampire Prince?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon