Chapter 4: Her Saviour

20 1 1
                                    

Chapter 4: Her Saviour

Vanessa's P.O.V.

Simula ang pag-atake sa school kanina hanggang sa mag-uwian ay punong-puno ng selos ang mata ng mga ka-schoolmate ko. Wala silang maalala sa lahat ng nangyaring pag-atake pero mukhang sila naman ang aatake sa akin eh! Paano kasi! Lagi na kaming magkasama ni Zed! Sabi niya kasi, kahit saan daw ako magpunta ay kailangan kasama ko siya. Mamaya daw niya ipapaliwanag ang lahat pagkatapos ng mga klase namin ngayong araw na ito. Nakakasawa na din ang matitigan ng masama at matatalas na tingin na kala mo ay tatagos sa kaluluwa mo. Hay.


Dumiretso na ako sa locker ko para kunin ang mga gamit ko. In fairness, hindi pa nagpapakita sa akin si Sheila simula kaninang matapos ang lunch break. Lumabas ako ng school building and find Zed leaning back to his car. Hindi ko na muna siya pinansin dahil baka may ibang hinihintay. Patuloy lang akong naglakad nang hindi siya sinusulyapan ng tingin.


"Are you ignoring me now?" I felt him went closer to me as his deep voice gives shivers running down my system. Our eyes met when I look at him. Tindig itong tumayo habang nakapamulsa ang kamay. I feel like I'm being hypnotized by his eyes. He then smirk that wakes me up from describing him.


"Ah eh, hindi naman. Bakit?"


"I thought you would like to know something? Don't you want to discuss it?" Bakit ba kakaiba ang dating ng lalaking ito sa akin? Gwapo siya, oo inaamin kong naga-gwapuhan ako sa kanya. Parang makalaglag panty pa nga eh. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit natatameme ako sa kanya. Hindi ko din alam nga eh! He went closer to me para ilagay sa likod ng tainga ko ang buhok na nalalag mula sa pagkakatali nito.


His touch were so gentle. I know his hands were soft na parang kay sarap kapitan buong maghapon. Matigas din ang dibdib niya na tila ba lagi itong nag-eensayo. Ramdam ko iyon kanina nang protektahan niya ako. I don't know why he didn't make me forget about the incident awhile ago. Pero damn for a creature like him, he's damn... hot? Teka! Bakit ako nag-iisip ng ganito? Ano ka ba naman Vanessa?!


I heard him laugh and I felt the heat on my cheeks. Tila musika ang tawa niya, walang bahid ng kung anong malisya o tawa gaya ng naririnig ko sa mga umaatake sa akin. He is laughing like he is delighted. Tumingin siya ulit sa akin habang hinahawi ang buhok. "You know, rather than thinking things like that. I guess it's better that to escort you to your home." Ano daw? Teka nabingi yata ako. "You heard me right. I'll escort you home."


Nakakailan na ha? Isa pa. Maiisip ko talaga na mind reader itong lalaking ito. He just smirked at tumalikod na sa akin. "Come on now." Ano naman kayang ibig sabihin nung ismid niyang iyon? Kakaiba talaga itong lalaking ito! Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Nang nakaupo na ako ng maayos ay isinarado niya iyon at dumiretso sa driver's seat. My heart beats fast sa sobrang kaba. I never sat this close to a man na kakakilala ko lang. Yung tipong hindi ka gagawan ng masama. Habang nagmamaneho siya ay tumutugtog ang mp3 player niya. More on rock music ang mga tugtog niya. Magarbo din ang sasakyan niya, sabi ko na nga ba't mayaman ang transfer student na ito kaya nakapasok agad.


"I got into the school not because I'm rich." Medyo nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Hindi ko iyon pinahalata. Nakatingin lang ako sa harapan. Nahihiya akong tignan siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayokong magtama ang paningin namin. Pero nakakailan na siya ha? Mukhang mind reader yata itong kupal na ito? "And now you are calling me like that."

He is The Vampire Prince?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon