Chapter 2: Hello Mr. Mysterious
Vanessa's P.O.V.
Hindi pa din ma-sink in ang mga nangyari sa akin kagabi. Inatake ako ng kung anong mga nilalang na iyon at sinagip pa ako ng isang lalaking hindi ko maintindihan kung tao o alien. Wala naman kasing normal na tao ang makakagawa ng ganoon. Yung bigla-biglang mapupunta sa harapan ng mga halimaw na iyon and with his own bare hands ay napatay niya ang blood-thirsty monsters na iyon. Kung ako ngang black belt sa karate ay hindi kayang mapatumba ang tatlong iyon. Papaano kaya niya iyon nagawa?
"Hoy Anne!! Nakikinig ka ba sa akin?!"
"Huh ano iyon best?" Shiela snapped me out of my thoughts.
"Wala! Ganyan ka naman lagi best eh. Laging out of your mind!"
I just laugh dahil sa super cute na best friend ko. Naka-pout na kasi siya ngayon at naka-cross-arms. "Sorry na besty oh. Pagod lang ako sa kakagawa ng homeworks ko."
"Oo na! Lagi ka naman ganyan eh..."
"Hahahaha! Ano nga ulit yung sinasabi mo besty?"
"Hayun nga! Napa-aga ang pagpasok ng bagong student."
"Ha? Talaga? Saan daw siya magru-room?"
"Ewan ko. Hindi sinabi sa akin ni papa eh."
Napabuntong-hinga ako dahil sa nalaman ko. Sana lang talaga ay hindi ko siya kaklase. Ayokong masira ang school year ko dahil may dadagdag na gwaping sa room ko. Halos lahat nang mga lalaking kaklase ko duon ay mga gwapo dahil nga nasa Class A kami.
"Speaking of new student, ano ba sa tingin mo kung ano ang hitsura niya? Tingin mo? Anong klaseng lalaki sya? I bet he is the coolest guy I wanna meet!"
Hay nako naman! Kulang nalang ay tumaas ang buhok niya sa sobrang kilig niya. Para bang naupo siya sa silya elektrika sa lagay niyang iyan eh. Hindi pa nga nakikita, nagpapantasya na. Malay mo mali-mali ang nakuha niyang impormasyon. Malay natin isa pala siyang hipon?
"Alam ko kung ano nanaman ang iniisip mo jan best." She is now giving me that You-are-always-like-that-look. "Wala ka talagang ka-taste-taste sa lalaki! Ikaw na ang babaeng nakilala ko na ipinanganak na walang kilig bone."
I can't help but to giggle by the way she is responding. She is just so adorable. Kahit na magkababata kami ay parang batang kapatid ko na itong si Sheila. Lagi kasi siyang makulit at super childish. Mahilig siya sa cute stuffs at kung anu-anong kikay na mga bagay. Pero ano nga naman ba ang aasahan mo sa isang rich kid na katulad nitong si Sheila? Syempre! High Class na pag-aalaga sa pangangatawan at kalusugan nila. Hay....
Tumunog na ang school bell namin. Oras na para sa unang klase kaya sabay na kaming pumasok sa campus ng best friend ko. Nagkahiwalay na kami nang papasok na kami sa classroom. Pagbungad ko palang sa room ay kaguluhan na ang nakikita ko. Nakapalibot sa gitna ang mga babae. Ganyan naman lagi eh. Nasa room namin kasi ang pinakagwapong mga lalaki sa campus namin. At nasa room din namin ang mga pinakamalalanding mga babae sa campus namin.
Speaking of our class, divided kami into 4 groups. Una ay ang grupo ng mga lalaki, pangalawa ang Model Girls, pangatlo ang mga fangirls, at ang pang-apat ay ang mga Hoot-Hoot Girls. Huwag ninyo nang itanong kung saan ako nakagrupo. Sa mga pangalan pa lang ng mga grupo nila ay tingin ninyo pi-fit in kaya ako? Hindi noh! Ako ang nerdy-type girl. Isa akong quiet geek. Kaya hinding-hindi ninyo ako makikitang naka-make-up o naka-min-skirt gaya nila.
Pumunta na ako sa upuan ko. I was oh so lucky dahil ang upuan ko ay nasa may dulo ng classroom kaya hindi ako abot ng kaguluhan. Maganda pa ang view duon dahil katabi lang ng upuan ko ang bintana ng classroom kaya makikita ko ang garden ng skwelahan at ang bughaw na kulay ng langit.
BINABASA MO ANG
He is The Vampire Prince?!!
RomanceSimple lang ang buhay ni Vanessa bilang isang studyante sa isang sikat na paaralan. Ang tanging hangad lang niya ay makatapos at magkaroon ng maayos na trabaho. Wala pa siyang balak na magkaroon ng isang buhay pag-ibig na makakasira sa pag-aaral niy...