Chapter 1: First Encounter

72 4 0
                                    

So guys ito na ang very first vampire story ko.... Sana masubaybayan ninyo.... Isa pa..... sa mga readers ko ng He is The Vampire Prince?!!.... Please pabasa naman ng very first story ko.... Hard to choose.... gusto ko kcing malaman qng itutuloy ko pa ba sya o hindi..... thanks nga pala sa mga readers ko ng mga stories ko dito..... Oh heto na.... daldal ko eh..... Sana maenjoy!!!

~~~~~~~~

Chapter 1: First Encounter

Pisti.... Another day at school. Nakakatamad nang manatili ditong nakaupo at nakikinig sa guro. Sino bang hindi? Alam ko na lahat na nandito ay gusto na umuwi. Si Mr. G kasi, napakaboring maglesson. Yung feeling na nga-nga-nga ka lang sa buong klase niya tapos History pa ang subject niya. Haizz....

Tumingin ako sa wallclock sa itaas ng blackboard, "20 minutes pa...." Bulong ko at nagbuntong hininga. "Ms. Vanessa, if you are getting bored in my class, you may leave." Nagtinginan silang lahat sa akin kaya mas minabuti ko na itaas ang History book ko sa tapat ng mukha ko. "Sorry Mr. G...."

Ako nga pala si Vanessa Roseheart, 4th year student mula sa Class A. Ako ang pinakastubborn sa school namin at ang madalas mapansin ni Mr. G sa klase niya. Lumaki ako ng mag-isa dahil namatay ang aking parents sa hindi malamang dahilan. Anim na taong gulang ako nung iwan nila akong mag-isa. May nagpapadala sa akin ng pera mula sa isang government kaya okay lang. Aware kasi sila sa mga nangyari sa akin.

Matapos ang boring na klase namin kay Mr. G ay ako ang kauna-unahang tumayo at lumabas ng room. Kahit na naririnig ko ang tawag sa akin ng boring na teacher na iyon, hindi ako lumilingon. Ni hindi nga ako tumigil man lang eh. Ayoko nang makinig sa boring na sermon niya kada tapos ng lesson. Dumiretso na agad ako sa locker ko at kinuha ang mga kagamitan ko doon.

"Vanessa!!"

"Oh, Shiela."

Si Shiela Calderon, kaibigan ko. 4th year student gaya ko at kababata ko siya. Mula naman siya sa Class B. Siya ang popular, maganda, sexy, mayaman, at mukhang bibig ng mga lalaki. Regular student siya dito at ako naman ay scholar. Simula bata ay kaibigan ko na siya. Hindi ko malilimutan ang kauna-unahang pagkakakilala namin sa isa't-isa. Ang epic pa man din nun. Laugh trip nga eh. Tsaka ko na lang ikukwento sa inyo.

"Hoy girl!! Alam mo ba na may new student dito sa makalawa?"

"So?" For sure, alam ko na kung bakit siya mukhang excited. Dahil....

"Hot guy daw, gwapo, at makisig daw ang magiging transferee!!! EEEEEEEKKKKK!!!!"

Kilig naman ang bruha. Sabi ko na nga ba eh. Kapag gwapong lalaki, dyan siya magaling. Paano niya nalaman? Siya ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Nga pala, Saint Rose Academy ang pinapasukan kong school. Sikat ang iskwelahan na ito sa buong mundo kaya maraming taga-ibang bansa ang pumupunta sa bansa namin para mag-aral dito.

Maganda ang quality, high standard, lahat ng pangangailangan mo sa school ay nandito na. Laging nasa top ang lahat ng mga players namin. Lahat ng mga kalahok sa kahit anong paligsahan; singing, dancing, choir, sports, o kung anong paligsahan man iyan. Laging nasa itaas ang school na ito. Mahirap ang makapasok dito. Lalo na kapag totally wala kang asset sa school na ito. Good thing ay best friend ko itong si Shiela kaya nakapasok ako dito ng walang kahirap-hirap.

Swerte naman ng transferee na iyon para makapasok dito. Siguro, matalino iyon o magaling sa skills. Anyway, baka naman mapera kaya nakapasok. Syempre, buhay ngayon, pera lang ang itapat mo, okay na. Pero kapag ako ang kaharap mo, itapon mo na iyang pera mo at ibigay mo ang gusto ko. Wala akong pakialam sa pera, kahit mahirap ako ay hindi ako magpapasilaw sa kahit anong mamiso na iyan.

"Nakikinig ka ba Vanessa?"

"Ah, eh, oo... So, saan daw siya magruroom?"

"Ewan eh... Di pa sure... Sabi ni papa, huwag daw munang ipaalam sa kahit na kanino. Pero dahil bff naman kita, sinabi ko na sa iyo."

He is The Vampire Prince?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon