Pinangako sa isa't isa na hanggang sa huli ay magmamahalan,
Akala ko, ito na ay pang matagalan.
Aking pangarap, hindi nabigyan ng katuparan,
Labis na hinagpis ang aking naramdaman.
Ano paba ang dapat gawin upang bumalik ang ating nakaraan?
Mahal kita; ngunit may iba kana ngayon sa kasalukuyan.Ang makasama ka sa harap ng altar ay aking napanaginipan,
Kabilang sa mga manunuod ang ating pamilya at mga kaibigan.
Isasambit ang mga salitang "mahal kita, magpakailanman",
Ngunit bigla na lamang nagising sa katotohanan,
Gawin ko man ang lahat, ako na'y 'di mo babalikan.Minsan ako na ay nasaktan,
Ang mangyari ito muli ay hindi na hahayaan.
Hanggang dito na lamang siguro at ito na ang ating katapusan,
Ako ay unti-unti na ring lilisan.
Lalayo na lamang hanggang sa umabot sa puntong ika'y malilimutan.
BINABASA MO ANG
Tinta at Luha; Mga Tagalog na Tula
PoetryPara sa taong mahal ko, Sana patuloy kang maging masaya, At kahit sa piling ng iba, 'Di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako, Maraming salamat. Sa wakas, ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko, Salamat, dah...