Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan,
Tila isang panahon na walang kasiguraduhan.
Ugali mo bigla na lang napapalitan,
Wala naba talagang forever sa kapaligiran?Huwag kang mag-alala dahil ika'y aking mamahalin,
Kahiy anong mangyari landas mo'y aking tatahakin.
Sa tuwing mundo mo'y halos gumuho, ako'y iyong tawagin,
Nandito lang naman ako para likod mo'y hagurin.Sa totoo lang, ako ay nahihirapan na,
Sa mga panahong pakiramdam ko'y sumuko kana.
Panigurado ay nagmumukha na akong tanga,
Sa kakahintay sa iyo kahit na alam kong ako ay wala ng pag-asa.Sa bawat segundo ng buhay ko, ikaw ang laman ng aking isip,
Habang buong araw na lang ako'y naka-halukipkip.
Pakiramdam ko'y bumibigay at puso'y sumisikip,
Ganyan palagi ang aking ginagawa sa tuwing naiinip.Tulad ng aking sinabi noon, hanggang pagtanda ako'y naririyan,
Sa mga araw ng buhay mo maging puno man ng kalungkutan.
Handa akong manatili hanggang dumating ang iyong kasiyahan,
Hanggang sa tuluyan ko na makalimutan ang nakasanayan.***
Mukhang pareho lang ito tsaka yung nauna. Sorry na, matagal na 'tong naisulat. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Tinta at Luha; Mga Tagalog na Tula
PoetryPara sa taong mahal ko, Sana patuloy kang maging masaya, At kahit sa piling ng iba, 'Di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako, Maraming salamat. Sa wakas, ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko, Salamat, dah...