Katulad ng panahong pabago-bago,
Ang isip ko'y tila nalilito,
Ang dinikta ng iba o ang aking gusto,
Ano ba talaga ang susundan ko?Bakit ba naging ganito?
Nasasaktan nang dahil sayo,
"Iwanan na kita"; yan ang kanilang payo,
Pangalan mo pa rin ang isinisigaw ng puso.Iiwanan mo rin pala ako,
Sana man lang, binalaan mo,
Sinira ang tiwalang ibinigay nang buo,
Naghintay sa wala; ako na'y susuko.
BINABASA MO ANG
Tinta at Luha; Mga Tagalog na Tula
PoetryPara sa taong mahal ko, Sana patuloy kang maging masaya, At kahit sa piling ng iba, 'Di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako, Maraming salamat. Sa wakas, ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko, Salamat, dah...