Unti-unting nilalamon ang isipan,
Iba't ibang negatibong kaisipan,
Pinipilit ko namang labanan,
Di ko na makayanan,
Gusto ko na lang itong sukuan.Uuwi pa ring luhaan,
Lahat ginawa upang mapagtagumpayan,
Kung ano-ano na ang mga sinubukan,
Lahat na ng mga paraan,
Wala pa rin; isa akong talunan.Sapagkat ako na'y napanghihinaan,
Saan o sino ang aking makakapitan?
Saklolo; ako'y inyong tulungan,
Paulit-ulit na sumisigaw ang aking kalooban,
Di naririnig; sila'y nagbibingi-bingihan.
BINABASA MO ANG
Tinta at Luha; Mga Tagalog na Tula
PoeziePara sa taong mahal ko, Sana patuloy kang maging masaya, At kahit sa piling ng iba, 'Di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako, Maraming salamat. Sa wakas, ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko, Salamat, dah...