Cymer: kung saan ka masaya, masaya narin ako sige na sundan mo na siya.
Tinawagan agad ni Pau c Michael, samantalang si Cymer naman ay naiwang umiiyak at pinapatahan naman siya nang kanyang mga kaibigan at nag inuman sila mag damag.
na contact naman agad ni Pau si Michael, at yon nga nag usap silang dalawa.
( A/N: please play pusong ligaw while reading the conversation of Michael and Paulene)
m-Mahal mo ba talaga ako ? kasi ako, akala ko mahal ko na si Cymer pero para kang gago eh, kung kailan okay na ako saka ka naman babalik pero anung magagawa ko ? Mahal kita eh.. Mahal na mahal.
magsasalita ka lang ba diyan? hindi mo ba ako yayakapin? oo mahal kita Paulene, mahal na mahal , iiyak ba ako kung hindi kita mahal? alam ko napaka gago ko para sabihin sayo na mahal kita pagkatapos kitang masaktan, pero gago din tong puso ko eh bigla bigla ka na lang hinahanap. Pinipigilan ko naman eh pero ang hirap talaga, ang hirap mong kalimutan. pagkakatiwalaan mo pa ba ako ulit?
kahit na masakit ang mahalin ka, at kahit na ito nagmumukha na naman akong general nang katangahan mamahalin parin kita at pagkakatiwalaan.
payakap nga, namiss kita nang subra.. I love you baby Pau.. hinding hindi na kita papakawalan. akin ka lang ha?
mula pa nong una sayong sayo lang ako, kahit na nasa iba ka at nasa iba ako ay nasayo lang talaga ang puso ko.. ikaw din dapat akin ka lang ha? wag ka nang lumandi sa iba. I love you more, more than you know baby ko.
(A/N: sino po mas gusto niyong maka tuluyan ni Pau? vote naman po kayo ohh.,salamat. Te amo )
masayang umuwi si Pau sa kanilang lugar dahil kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki, bago siya umalis ay nakipagkita muna siya kay Cymer para magpasalamat at humingi nang tawad.
Cymer maraming maraming salamat sa pagpapasaya mo sa akin nong mga panahong malungkot na malungkot ako, salamat sa pag aalaga at sa pagmamahal mo sa akin, at patawad dahil siya parin ang pinili ko pagkatapos nang lahat nang ginawa mo. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana maka hanap ka nang babaeng magmamahal sayo tulad nang pagmamahal mo sa akin. mag iingat ka lagi ha,? masaya ako na nakilala kita, hindi ko kasi kontralado itong puso ko eh. sabi nang isip ko ikaw nalang dahil tiyak na hindi mo ako sasaktan, kasu yong puso ko ang kulit eh.. sorry.
Payakap nga. (hinahagod niya ang buhok ni Pau)
Pau, hindi ako nagsisising minahal kita, oo masakit pero kakayanin ko. sabi ko nga diba? maging masaya ka lang masaya narin ako. basta pag may problema ka huwag mo kakalimutan na nandito lang ako ha? at pag nagbago na yang nararamdaman mo ako agad ang puntahan mo ha? dahil parang ikaw lang ako, ikaw handang maghintay sa pagbabalik niya ako naman handa ding maghintay sa pagbabalik mo. sige na umalis kana, baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita pakawalan pa.
gumanti nang yakap si Pau kay Cymer at tuluyan na itong nagpaalam. Nangibang bansa si Cymer doon siya nagpatuloy nang kanyang pag aaral dahil hindi niya kayang mag stay sa lugar kong saan niya nakilala ang babaeng pinakamamahal niya hindi naman tumutol ang kanyang mga magulang sa kanyang didisyon dahil alam nilang nasa matinong pag iisip pa si Cymer para gumawa nang disisyon.
Si Pau naman at Michael ay naging masayang nag aral sa iisang paaralan, pinaramdam nila sa isat isa ang salitang pagmamahal, si Liza hanggang ngayon ay hindi parin matahimik ginugulo niya si Pau dahil para sa kanya ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang lahat sa kanya. Pero hindi naman ito nagpatalo sa kanya dahil isang palaban na babae si Pau, nagsimula sila ulit ni Michael at ngayon malapit na ang kanilang anniversary.
nag plaplano narin silang magpakasal pagkatapos nang kanilang graduation.
Mag iisang taon naring hindi nauwi si Cymer sa Pinas at tinuon nalang niya ang kanyang oras sa kanyang pag aaral dahil siya ang nag iisang tagapag mana nang company nang kanyang mga magulang, pero kahit na mediyo matagal na ang nakalipas ay mahal na mahal parin niya si Pau, walang nagbago sa kanyang nararamdaman.
Muling nagbalik ang sigla ni Paulene sa klase, sumasali narin siya sa lahat nang activity sa school at nagiging palaban narin siya sa reporting. At sa ang kanilang GC ? matagal nang wala yon dahil ayaw ni Michael na sumasali pa si Pau sa mga GC.
Si Rhea naman ay nag aral nadin sa Manila at naging matalik silang Magkaibigan ni Paulene, pero lingid sa kaalaman nI Pau na si Rhea ang nag uupdate kay Cymer tungkol sa kanya.
Pero hindi naman sinasabi ni Rhea ang mga secrets ni Pau dito.
YOU ARE READING
Nag ibigan nang dahil sa Group Chat
Roman pour AdolescentsIto ay kwento ng isang dalaga at binata na nagka kilala lamang sa isang Group chat :) Posibli kayang may mabuong pagmamahalan kahit hindi pa sila nagkikita?