Chapter 11: Frustrated

4.5K 159 10
                                    

"Mamimiss kita Cha, wala ng magliligpit ng mga kalat ko."

"Haha. Malay mo sa susunod ulit na soap magkasama tayo."

"Sus di naman ako makukuha sa Encantadia no."

"E bakit ako ba makukuha?"

"Ikaw pa galing galing mo kaya tsaka ang dami mo kayang fans."

"Ikaw din naman ang galing galing mo kaya at ang dami mo ding fans."

"Haha. Baliw ka talaga!" Mangiyak ngiyak na sabi ng kaibigan ni Glaiza. Sobrang ma miss niya kasi ito. First time niya itong maka trabaho dahil baguhan pa lang siya pero isa si Glaiza sa mga unang niyang naging kaibigan sa showbiz. Masasabi niya na isa itong totoong tao, walang arte, walang ere, at mabait talaga on and off camera. Ito din ang tiga ligpit ng mga kalat niya at the end of the shooting day.

Ayaw man niya magkahiwalay sila dahil sobrang naging close na sila sa maikling panahon pero kailangan talaga tanggapin na may mga changes sa buhay. Mahigpit niyang niyakap si Glaiza at umaasang hindi pa ito ang huli nilang magkakasama sa isang proyekto.

"Ahem...Kayo na ba?" Pag iinterupt ni Rhian sa dalawang taong kasalukuyan magkayakap at nag momo-moments.

"Ay...ah... hindi ha..ano kasi nakakita siya ng ipis.. tama nakakita siya ng ipis kaya napayakap siya sakin.." Utal utal na paliwanag ni Glaiza sa gf at kumalas sa pagkayakap sa kaibigan.

"Tama...may daga kasi.." singit naman ng isa na sumulyap kay Rhian.

"Kanina ipis, ngayon daga na?!" Taas kilay na tanong ng nakapamewang na Rhian. Pabalik balik ang tingin niya sa dalawang tao sa harap niya na parehong di makatingin ng daretso sa kanya.

"Bakit di kayo makasagot? Ano Glai? Ja? Magsalita kayo!"

"Eh kasi ano eh.. shapeshifter siya. Tama! Nagpapalit anyo. Kanina ipis tapos naging daga."

Nagkatinginan silang tatlo sabay humalakhak ng napaka lakas.

"Mamimiss kita Yon, wala na akong kasabay at magbibigay sakin ng yosi," mangiyak ngiyak na sabi ng baklang make up artist nila at tuluyang yumakap na din kay Rhian.

"Sabi ko na nga ba eh. Nagyoyosi kayo pag nawawala kayong dalawa eh," pag-aakusa ni Glaiza sa kaibigan at gf.

"Past is past, Glai. Let it go," ani naman ni Rhian.

"Let it go? Past is past? Parang ilang taon na ang nakalipas ha? Eh Kanina lang nawawala ka na naman." Sabay hinigit ni Glaiza at inamoy ang daliri ni Rhian.

"Oh amoy Marlboro," at walang habas na binitawan ang kamay ni Rhian dahil sa inis.

"Ikaw kasi sa dami mong ipapasalamat yung pangingikil mo pa ng yosi sakin." Hinampas naman ni Rhian ang baklang make up artist bilang ganti sa pangbubuko nito sa kanya.

"Ay sorry. Salamat din sa mga libre mong kape at Clover chips."

"Mami-miss kita bakla, wala ng magtatakip samin ni Glai pag gusto namin.. alam mo na." Sabi ni Rhian sabay kindat.

"Huy, mamaya ano isipin ni Jaja. Sira ka talaga," saway naman ni Glaiza sa gf.

"Wag ka mag-alala Cha, matagal ko na iniisip yun. Kung totoong nag so-sound trip lang kayo sa loob ng van, Eh bakit paglabas niyo kailangan plantsahin na naman buhok mo? Kailangan i-retouch ang mga make up? Lalo na ang lipstick niyo na burado na? At saka double coverage lagi sa leeg mo, Cha."

"Walang hiya ka lubb! Sabi mo wala kang nilalagay na chi... kainis ka talaga!" Pulang pula si Glaiza na nagtakip ng mukha sa sobrang kahihiyan.

"Yaan mo na love, si Ja lang naman nakakaalam."

Three Meters Above The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon