Chapter 19: Breezy Rhian

5.3K 219 53
                                    

A/N: dahil ang hot ni Rhian kanina sa MMFF awards night, na-inspire tuloy ako magsulat. Nyahaha. 😁

......

"Please let me explain, tiga North kasi si Lovi at Solenn, hassle naman kung ihahatid pa nila ako, diba?"

"Oo nga naman," pagsang-ayon ni Glaiza sa nobya. "Iistorbohin mo pa sila Lovi, eh andyan naman si.. ano nga pangalan nun? Ay never mind, di naman ako interesado. Andyan naman yung babae mo para ihatid ka sa bahay niyo o baka naman daretso kayo sa bahay nila?!"

Hindi alam ni Rhian kung matutuwa ba siya o matatakot sa inaasal ni Glaiza. Tuwa, dahil ngayon niya lang ulit nakitang nagselos ito. Takot, dahil yung huling nagselos ito kay Jason, ay tinangka nitong makipag-break sa kanya. "Anong babae? Love, kapitbahay lang namin yun. Kelan ko lang nakilala si Wren tapos babae ko na agad?!"

"Halos lahat naman instant na ngayon eh. Malay ko ba kung instant kabit mo siya."

"Anong pinagsasabi mo Glai? Kapitbahay ko lang yun! Nagmagandang loob na nga siya na isabay ako pa-uwe tapos pinag-iisipan mo pa siya ng masama."

So, siya pa pala ang kontrabida ngayon? Lalong uminit ang ulo ni Glaiza at mabilis niyang binuksan ang pinto sa bahagi ng kinauupuan ni Rhian.

"Sige na, bumaba ka na, dun ka sumabay sa kapit bahay niyo na nagmamagandang loob lang," sarkastikong sabi ni Glaiza. Bakas ang inis sa boses nito.

"Love naman..."

"Bilisan mo na, bumalik ka na sa club baka makaalis na yun, mapilitan ka pang mag taxi pauwe."

"Love, wag ka naman ganyan," malambing na sabi ni Rhian at isinarado ulit ang pintong binuksan ng gf.

"Oh 'bat sinarado mo? Sige na labas na, tsupi! Tsu! Alis!" Pagtataboy ni Glaiza sa gf.

"Ayoko!" Pagmamatigas ni Rhian. Hinili niya ang kanyang seatbelt pero dahil sa may tama na siya ay hindi niya na magawang maisuksuk ito sa buckle.

"Bumaba kana sabi eh, o gusto mong itulak pa kita palabas!"

"You wouldn't dare."

"Wag mo akong subukan, Rhian. Alam mong sumasapak din ako ng mga gago."

"Eh di go, kick me out of your car," wala sa loob na sabi ni Rhian, patuloy pa din siya sa pagkakabit ng seatbelt niya.

Napansin naman ni Glaiza ang ginagawa nito. Gusto niya sanang tulungan kaya lang ay naiinis siya dito. "Rhian, uuwe na ako samin. Pa north ako, sayang lang ang gas ko kung ihahatid pa kita. Kaya dun kana sa kapitbahay niyo sumabay, pwede."

"No. Basta di ako lalabas dito!" Mariin sabi ni Rhian at tuluyan ng binitawan ang seatbelt niya out of frustration.

Nagkibit balikat lang si Glaiza at walang emosyong nagsalita. "Bahala ka. Di ako nagbibiro, uuwi na talaga ako samin," at pinaandar na nga nito ang sasakyan. Paglabas ng parking lot ng club ay pansin ni Rhian na kumanan ito at dumaretso. Mukhang totoo ang sinabi ni Glaiza, dahil ang daang tinatahak nila ngayon ay papuntang Bulacan kung saan ito nagbabakasyon kasama ang buong Galura clan.

Higit kalahating oras na silang naglalakbay pero wala pa din imikan.  Muli niyang tinignan ang mukha ng gf, kahit medyo madilim ay pansin niya ang seryosong mukha nito, at least mukhang hindi na galit. Sinubukan niya ulit ang swerte niya kung malalambing niya na ito.

"Ouch.. sakit ng ulo ko..." pag-iinarte niya at humawak pa sa sintido para kapanipaniwala ang akting niya.

Parang wala naman narinig si Glaiza, mukhang hindi tumalab. Sinubukan niya ulit. "Nahihilo talaga ako."

Three Meters Above The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon