Chapter 16: Whipped

5.3K 199 47
                                    

"...tapos ayun tumakbo ako hanggang kabilang kanto tapos pumasok ako sa isang bahay na nakabukas yung pinto, nagulat sila bigla kasi pag pasok ko pabagsak kong sinarado agad yung pintuan nila..."

"Naku pano kung masasamang tao pala nakatira dun or drug den yun? Pano kung di kana nakalabas ng buhay dun?" Kunot noong tanong ni Rhian habang binabalot ang wallet at polo shirt na regalo ni Glaiza para sa tatay niya.

"Naku lubb, nung oras na yun iniisip ko lang eh makaligtas sa kagat nung asong humahabol sakin. Grabe yung takbo ko nun lubb, ganun pala talaga pag may humahabol sayong aso no, kulang na lang lumipad ako sa takot eh."

"Hahaha. Next time kasi wag kang tatakbo bigla, para hindi nila akalain na nakikipag laro ka sa kanila."

"NAKIKIPAGLARO?! Lubb kung nakita mo kung pano niya gigil na gigil ipinakita sakin yung mga matatalas niyang ngipin at tulo laway pa, maniwala ka wala sa isip ng aso na yun na makipag laro sakin. Talagang gusto niya akong lapain."

"Hahaha. Ang payat mo kasi nung bata ka, akala siguro niya buto ka kaya gusto ka niyang kainin."

"Tse! Porket napabayaan ka sa kusina nung bata ka, maka tukso ka diyan na buto ako!" Sagot ni Glaiza sabay irap.

"Haha," lalo naman natawa si Rhian sa pag irap ni Glaiza. "Love, buti na overcome mo din yung takot mo sa aso ano?"

"Hindi pa din totally, kinakabahan pa din ako pag nakakakita ako ng ibang aso. Tanging si Hendrix lang talaga ang asong gusto ko, pano kasi pag dating ko dito sa America, baby pa siya. Tapos one time di ko nakita na asa sofa siya nakahiga. Eh nakatingin ako sa TV, ayun naupuan ko siya. Akala ko lubb, kakagatin niya ako pero hindi man lang siya tumahol. Siya pa nga lumipat ng pwesto eh. Tapos ayun lagi siyang nakasunod sakin kaya eventually nasanay na ako na andyan siya."

"Forgiving talaga ang mga Golden Retriever at mababait sila. Isa sila sa mga child friendly dogs. Kaya kahit kinakabayo siya ni Noah, wala siyang  complain. Pero love, pano yung mga dogs ko? Hindi mo sila like?"

"Sakto lang."

Nag pout naman si Rhian sa narinig.

"Ok naman si Chicken, di siya makulit," sambit ni Glaiza habang iniaabot kay Rhian ang mga scotch tape na kanyang pinagpuputol. "Pero si Ramen at Clover, ang kukulit nila."

"Playful talaga ang mga Spaniel at Russell Terrier, gusto nila laging naglalaro outdoor. Si Chicken naman talagang tamad. Ang chow chow na lahi kasi gusto lang nila lagi sa indoor. They are the perfect couch companion."

"Ah ganun ba, tampo na siguro sayo lubb si Chicken."

"Bakit naman?"

"Eh kasi lagi na akong katabi mo sa couch. Mamaya sa pagtulog tabi naman kayo ha," Glaiza snickered.

Rhian smirked in return. "Ok sige, palit kayo ni Chicken muna. Ikaw sa bed niya, pagkasyahin mo sarili mo dun. Tabi tabi kayo nila Ramen."

"Ay wag na lang pala lubb, kasi baka managinip ka na naman na hinahabol ka ng zombie na bading tapos wala ako sa tabi mo, walang mag co-comfort sayo pag nagising ka na naman na nagsisisigaw. Kawawa ka naman," at tinapik tapik pa ni Glaiza ang ulo ni Rhian.

"Walang comforting na naganap, pinagtawanan mo kaya ako!"

"Lubb grabe ka, kinuha kaya kita ng tubig."

"Oo nga pero pinagtawanan mo pa din ako nung nalaman mo kung ano napanaginipan ko. Tapos biglang tumalikod ka at bumalik sa pagtulog."

"Uy Rhian, pinagdasal kita nun na wag ka na managinip ulit ng mga zombie na bading," natatawang sabi ni Glaiza.

Three Meters Above The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon