Chapter 17: Freedom

5.3K 208 48
                                    

"Na naman? Tiisin mo na malapit na tayo mag landing," sabi ni Glaiza sa katabi dahil sa loob lang ng 30 minutes ay naka tatlong balik na sa toilet si Rhian.

"Seriously, I really need to pee."

"Bakit ka ba kasi iihi ng ihi?"

"Hindi ko din alam, as if gusto kong tumayo ng tumayo para mag cr," asar na sabi ni Rhian.

Naramdaman naman ni Glaiza ang pagka-inis ng gf kaya binabaan niya ang boses niya. "Sige mag cr ka na."

"Wag na," at tuluyan na ngang sumimangot si Rhian at isinalpak ulit ang headphone sa tenga niya para ipagpatuloy na lang ang panunuod ng movie.

"Uy sige na, mag cr ka na," malambing na sabi ni Glaiza sa katabi pero hindi pa din siya pinapansin.

Hay, napakamot na lang si Glaiza sa ulo. Napaka matampuhin naman ng gf niya. Hinawakan na lang niya ang kamay nito at inilagay sa kanyang mga labi. Buti na lang ay hindi ito nagpupumiglas.

Maya maya pa ay nagsalita ulit ito. "Pag ako nagkasakit sa bato, ikaw may kasalanan."

"Ito naman matampuhin, sige na nga mag CR ka na. Bilisan mo lang."

"Samahan mo ako."

"Opo mahal na prinsesa."

Pagdating sa cubicle ay dali daling hinila ni Rhian ang kamay ni Glaiza papasok sa loob.

"Uy lubb, ba't sinama mo...hmp.." di na natapos ni Glaiza ang sasabihin pa niya dahil bigla siyang hinalikan ni Rhian.

"...pabaon lang..." bulong ni Rhian at patuloy na hinalikan ang nobya.

"Lubb..." ungol ni Glaiza ng maramdaman ang kamay ni Rhian sa dibdib niya. "Baka mahuli tayo..."

"Wag kang maingay," bulong naman nito at ibinaba ang mga labi niya sa leeg ng nobya.

Napakagat si Glaiza sa labi niya ng maramdaman ang pagsipsip ni Rhian sa kanan bahagi ng collarbone niya.

"Lubb.. stop it.." warning niya ulit pero parang wala naman narinig si Rhian dahil patuloy pa din ito sa pag sipsip sa balat ng nobya. She wanted to leave a hickey on Glaiza's skin. She wanted to mark her territory.

Nadadala na si Glaiza ng biglang dumaretso ng tayo si Rhian at nagsalita. "Sige na love, labas ka na. I have to pee pa," lumaki lalo ang ngiti niya ng makita niya ang red mark sa ibaba ng leeg ni Glaiza.

"Ganon? Pagkatapos mo ako molestiyahin papalayasin mo ko?" Taas kilay na tanong ni Glaiza.

"Shhh... baka may makarinig sa'yo. Sige na love, naiihi na talaga ako at saka malapit na mag land yung plane."

"Hmp! Dyan ka na nga," binuksan muna ni Glaiza ng bahagya ang pintuan at ng maka siguradong walang tao na makakakita sa kanya at tuluyan ng lumabas at bumalik sa upuan niya. Still unaware na may pinabaon sa kanya ang lablab niya na siguradong ikahihimatay ng nanay niya.

.......

"Ms. RHIAN!!!!!" Malayo pa lang ay rinig na nila ang tawag ni Giselle. Ang dating P.A ni Rhian nung nag-aartista pa siya at ngayon naman ay nagtratrabaho sa isa sa mga businesses ni Nadine at husband nito.

"Look, they're all here," tuwang tuwang sabi ni Rhian kena Glaiza at itinuro ang kanyang mommy, ate, bayaw, at dating P.A.

Excited na lumakad si Rhian hila hila ang kamay ni Glaiza papunta sa kinatatayuan ng mga sundo niya. Sa likod naman niya ay tulak tulak ni Alchris ang mga suitcases nila na nakalagay sa luggage trolley. Si Noah naman ay nakahawak sa kabilang kamay ni Glaiza. They were about to reach her family ng may narinig silang pamilyar na boses.

Three Meters Above The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon