Past is past never been back.
"Hoy! Babae!! Bakit ka ba nagmumukmok dyan?!"
Napansin kasi ng kaibigan niya na kanina pa sya nakamukmok kaya naitanong na nito kung bakit.
"Huh? Ako ba?"
"AY HINDEE! kausap ko sarili ko!!! Bakit kaya ko nagmumukmok noh?! SYEMPRE IKAW!! ikaw lang naman Pilipina Dito eh! Malay mo namang maintindihan ng mga kano na mga yan ang sinasabi ko haneh?!"
Kasalukuyan kasi silang nasa University nila sila.At ang nga Kanong sinasabi ay ang mga schoolmates nila dito sa Amerika
"Ehh!! Alam mo naman ang problema ngayon ko ngayong diba? Wag mo nang tanungin! Try ko lang makalimutan, ganun!"
"Aba matinde! Tatanungin ko ba sayo kung bakit kung alam ko ha?! Aba teh malala ka na!"
"Ok!ok! Kasi best diba ano ngayon! Ano ahmm---"
"Ewan ko sayong babae ka! Sabihin mo na! Ano ngayon meron ka tapos may tagos ka pala ganon?!"
"July 23 Ngayon best! As in 5 years na sana kami ni Patrick!"
"Ahh yun ba? Ah ok"
"Anong ok lang?! Di kaya!! Sayang kasi yung----"
"Sayang pinagsamahan and memories nyo ganon?! Eh lakas ng tama mo best! Pinili mo to! Pinili mong mag aral dito at maki pag break sa kanya which is good! Di lang good!
Excellent din at bravo na samahan mo pa ng clap clap clap champion!! Pangarap mo to! Makapunta dito! Pang 1285939572 times ko na sayo tong na sermon huh!! Pikang pika na ko sayo!"Inaamin nya na tama ang kaibigan.Pinili nya kasing makipagsapalaran sa pag aaral dito sa Amerika kaysa manatili sa piling ng dating kasintahan na si Patrick.
Nabigyan kasi sila ng pagkakataon ng kanilang skwelahan sa Pilipinas na maging Exchange students na pagaaralin sa Amerika ng Libre at dalawa sila ng kaibigan sa mga napili.
So they grab the opportunities..
At heto na sila ngayon.
"Best, kamusta na kaya sya noh? May gf na kaya yun? Bumalik kaya sya sa dating sya?"
"Aba'y malay ko! Parehas tayong nandito noh!Saka siguradong may bago na yun noh! Baka nga pag kaalis na pagkaalis pa lang natin eh may bago ng gf yun! Saka natatandaan mo ba ang ina nyang madrasta na daig pa ang stepmother ni Cinderella?! Paniguradong may nirereto na yun sa anak nya noh! Alam mo namang ayaw nun sayo!
Saka kung bumalik sya sa dating sya?Aba di yun imposible noh! Baka nga mas nag improve pa ugali nun kaysa noon kasi malay mo mas mahal nya yung bago nya kesa sa pagmamahal nya sayo dati! Gumising ka na nga sa natutulog mong puso! Bagay sayo yung kantang gisingin ang puso ni ano eh ni ano! Basta! Saka ayun nga tuloy sa kwento.Nasaan na ba tayo? Ayun dun na tayo sa mas mahal nya yung bago diba? Tapos pagkatapos non, they live happily ever after! As in tapos ang storya! The end na at di ka na pwedeng sumingit at umasa pa! Dahil yung story nila, napublish na! Di na pwedeng i edit edit pa!"Natahimik sya..May punto rin naman kasi ang kaibigan nya..
"Best,im just stating all what if's lang namn eh! Para di ka na umaasa hanggang ngayon!its been a years uneng! Yearssss as in may letter s!"
"Pero diba nga sabi nila First love never dies?"
"Neknek mo! Di yan totoo noh! Aba'y gising na Yema girl! Wow anggaling pala noh? Kung sa Pilipinas noon may Pastillas girl dito satin may Yema girl!saka best, kung si pastillas girl nga eh naka move on na at nakahanap ng bago, ikaw pa kaya! Saka kung titignan natin, si pastillas girl, sya ang niloko, pero tignan mo masaya na ngayon.Eh ikaw, ikaw na nga ang nangiwan, ikaw pa nag di makapag move on! Di totoo yang mga First love never ekek na yan!"
BINABASA MO ANG
Weak Ends
Ficção AdolescenteIniwan ko sya... Oo na, AKO NA ANG MASAMA.. Sinaktan ko sya.... Edi sige, Ako na ang Heart breaker Pero Everythings happen for a reason... Bumalik ako.. May iba na sya.. Nasaktan din ako... May pakialam pa kaya sya? Haha! Diba ang tanga ko? Nasa aki...