First impression
Time check: 9:00 pm
"Bes tara uwi na tayo.Inaantok na ako saka alam mo na pagod din.Ang dami yatang customers ngayon noh?"
" oo nga bes eh.Nakakapagod!pero maganda na rin yun.Aayusin ko lang saglit yung gamit ko at aalis na rin tayo"
"Wag na! Sobrang inaantok na ko no! Mag hihintay pa tayo ng taxi at ba byahe! Mamaya na yan!"
"O sige sige! Eto na nga!"
☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆
Habang nakasakay sa taxi ay nakatulog si Cleivel kaya ginising pa ito ng kaniyang kaibigan.
"Psst! Bes...bes....gising na oy!"-gising ni aprilmae sa kaibigan habang tinatapik ito ng dahan dahan.
Buti na lamang at di ito tulog mantika kaya nagising rin ito agad.
Pagkatapos magbayad sa taxi driver ay agad na silang pumasok sa apartment na kanilang tinitirhan.
"Grabe nakatulog pala ako?"
"Ay hindi! Kaya nga kita ginising diba? Tss."
"Oo na! Oo na!"
Alam nyang inaantok ang kaibigan kaya ito nag susungit.Kaya di na nya ito ginambala pa dahil alam nyang konting oras na lang ay makakatulog na ito.
Dahil naka idlip sya saglit sa taxi ay medyo nawalan sya ng antok.Kaya uminom na lamang syang kape at nag review dahil baka magka roon sila ng surprise test bukas.Mahilig pa naman ang kanilang prof sa ganon.
Binuksan nya ang kanyang shoulder bag.Inalis nya ang mga gamit sa loob at tiningnan kung may kulang ba doon.
Pero laking gulat nya ng makakita sya roon ng isang mukhang mamahaling relo na sigirado syang hindi kanya.
Baka kay bes? Kaso bakit naman sya magkakaroon ng ganito?
Kaya pinuntahan nya ang kanyang natutulog na kaibigan sa kwarto nito at bahagyang ginising.
"Huy bes! Uy!.... may nakita ako sa bag... relo...sayo ba yun?"
"Hmmm...hmmm"
"Huh? Sayo nga ba? Hoy!"
"Hmm..."
Baka oo? Hmm hmm daw eh.Hmp hayaan mo na nga.May bukas pa naman.
★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆★☆☆
"Sh*t! Kristine, nakita ko ba yung relo dito? Yung gift ko kay dad?!"
"Huh? Meron ba? Malay ko sayo!"
Nasaan na yon?
Di ko naman nilalabas yun kahapon pa ah.
Think
Think
Think
Yung babae! Oo! Yung magnanakaw na waitress! Tss. Sabi ko na nga ba at may masamang balak yun eh!
"Eh kanina ba yung babaeng naka sagutan naten may hawak na relo?"
"Anong kasagutan naten?!Ikaw lang noh! Saka..pinagbibintangan mo ba sya?"
"Medyo!"
"Hmp! Ewan ko sayo! Burara ka kasi! Baka naman na misplace mo lang? Nambibintang ka na agad dyan!"
Pero wala lang ang mga sinasabi ng kapatid kay Christian.Dahil ang nasa isip nya lang ay ninakaw ng babae ang relo na ireregalo nya sana sa kanyang tatay.

BINABASA MO ANG
Weak Ends
Novela JuvenilIniwan ko sya... Oo na, AKO NA ANG MASAMA.. Sinaktan ko sya.... Edi sige, Ako na ang Heart breaker Pero Everythings happen for a reason... Bumalik ako.. May iba na sya.. Nasaktan din ako... May pakialam pa kaya sya? Haha! Diba ang tanga ko? Nasa aki...