REJECTED -6

63 1 2
                                    

Kath's POV

Tumango naman si Jc at saka iniwan ko na din siya.

Nagabang nalang ako ng Taxi dahil talagang ayoko ng sumabay kay Dj I mean Daniel

Nang makasakay ako sa Taxi agad naman akong nagpahatid samin.

Napaisip lang ako kung bakit parang hindi na siya ganun ka ilang sakin.

"Manang, nasa ospital ho si Brigette. pwede ho bang pakilutuan siya ng makakain. Magpapalit lang ako tapos babalik napo ako dun."

Umakyat ako sa Kwarto. Kinuha ko yung tuwalya at pumasok sa CR

Nang matapos akong maligo pumasok ako sa walk in closet ko. Nag jacket at nagpants nalang ako para hindi ako masyadong lamigin.

"Kath..." rinig kong tawag ni Manang sakin.

lumabas ako ng walk in closet tsaka binuksan yung pinto.

"Ayos na yung pinaluto mo, Oo nga pala may lalaking nagaantay sayo sa baba."

"sino naman po?" takang tanong ko.

"Hindi ko kilala, babain mo nalang"

"Sige po, ayusin ko lang po mga dadalin ko." sagot ko.

Sinara ko na yung pinto at saka inayos yung mga gamit ko. Habang nag aayos ako napaisip ako kung sino yung nasa baba.

Pagtapos ko magayos kinuha ko na yung jacket ko at saka bumaba.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayo papunta sa ospital." sabi niya.

"Daniel sana dumerecho ka na sa ospital may maghahatid naman sakin eh."

"Wag ka na makulit tara na." DJ.

"Sige na nga bahala ka hassle pa tuloy."

"Okay lang naman kasi hindi ako out of the way." Dj

"Kath, eto na yung pinaluto mo. Sopas nalang ang niluto ko." sabi ni Manang.

"Salamat po Manang aalis na din po kami. " pagpapaalam ko.

Lumabas kaming dalawa at siya naman dala yung sopas. sumakay na kami sa sasakyan niya.

tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating sa ospital.

"Tara na, Pumunta na tayo sa taas room 307 si Brigette."

Tumango ako at Umakyat na.

Brigette's  POV

Pagdilat ko ng mata ko puro puti lang nakikita ko. Nakita ko si JC natutulog sa may Sofa. Tumingin ako sa paligid ko and realization hit me. Nasa Ospital ako. sinubukan kong bumangon pero parang masakit yung ulo ko.

Naalimpungatan ata si JC nabagsak kasi yung unan niya.

"Brigette! Gising ka na pala." tumayo siya at napansin kong parang andami niyang dugo sa uniform.

"JC, What happened? Bakit puro dugo ka?"

"i rushed you here, nabagok ka! bakit ba kasi may sakit ka?" sabi niya.

Oh  i remembered oo nga pala nagsusuka ako.

"I don't know what happened to me, Kumain lang ako ng shrimp the next thing i know di ako makahinga at wala akong makain na tatanggapin ng tiyan ko."

bumukas yung pintuan at niluwa nun si Kath at Dj.

"Okay ka na? Kamusta pakiramdam mo?" tanong nila.

"Medjo okay na." sagot ko.

"Jace, palit ka muna eto na yung damit mo." sabi ni Dj kay Jc

pumasok sa CR si JC

"Sabi ng doctor makakalabas ka pa daw within a week." sabi ni Kath.

"Kumain ka muna may dala kaming sopas." sabi ni Kath

"Julia, Trixie!" sabi ko.

"B, okay ka na ba? hay nako ano bang nangyare sayo?" tanong ni Trixie.

"Mejj masakit pa yung ulo ko" sagot ko sa kanya.

"Kumain ka muna para lumakas ka." sabi ni Julia

"tatawagin ko lang yung doctor, tatanungin ko muna mga pwede niyang gawin at kainin." sabi ni JC.

Napapangiti niya ko sa ginagawa niya kahit na madalas ayokong nakikita yung mukha niya. Wala kasi siyang ibang ginawa kundi asarin ako.

Kath's POV

"Kumain na muna din tayo bumili kami ng pagkain." sabi ni Julia.

"Sige tutal wala pa tayong kain lahat." sabi ko naman.

"Bes, sila Seth?" tanong ko kay Julia.

"Papunta na sila Bes, bumili din ng pagkain sa KFC. Sisig at Barbeque tong dala namin. " sabi ni Julia.

"NANDITO NA KAMI!" Sigaw nung tatlo.

"Kain na tayo tara."sabi namin  "ayusin na namin yan." sabi ko.

Kinuha ko yung plastic at inayos sa may table dito sa ospital. Medyo malaki yung kwarto niya.

"Ah Guys sabi nung doctor, pwede daw yung soup. Pero paunti unti lang daw" sabi ni JC.

"Sige Ikukuha ko siya ng makakain meron dito." sabi ko.

"Sige wag na, Ako na lang bahala. Kumain ka na din" sabi ni JC.

"Ah sige." Pagupo ko tahimik kaming kumakain.

Tinabihan ako ni Dj. Nakakagulat talaga mga kilos niya ngayon.

Kaya kumain lang ako ng kumain.

bigla naman akong siniko ni Julia.

tapos may binulong.

"Bes, Tignan mo si JC at Brigette. Pati sa pagkain nagaaway. Pero infairness ang sweet ni JC." sabi ni Julia.

tinignan ko yung dalawa at napailing nalang ako.

Nagrereklamo kasi si Brigette tapos si JC naman subo lang ng subo sa kanya ng sopas.

"Huy Kumain ka nga ng maayos!" sabi nung katabi ko.

Hayy ano bang nangyayare sayo Daniel.

REJECTED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon