Poem by Mary Ann
and MiraiGusto kong umiyak ng umiyak ng umiyak.
Gaya ng sirang tubo,
Yung walang tigil,
Gaya ng sirang tubo na nasa ilalim ng lupa,
Na kasing lalim ng nararamdaman ko,Walang sawang pag-agos,
Walang sawang pag-tulo,
Walang sawang pag-patak,
Walang sawang pag-buhos,Gusto ko lang umiyak,
Umiyak na parang bata,
Umiyak na akala mo naagawan ng candy,
Na akala mo nawalan ng laruan.
Gusto ko lang iiyak ang mga luhang ito,
Bago pa matuyo't magmarka.Sa paraang yon baka sumama na lahat ng sakit,
lahat ng pait,
lahat ng bigat dito sa puso ko na puno ng hinanakit sa katotohanang hindi pwedeng maging ikaw at ako,Sa mundong di pwedeng maging "tayo" tanging nag-iisang "ako" lamang.
Bakit kasi ang kailangan mo ay siya?
Bakit kasi hindi nalang ako?
Ng hindi na mahirapan itong puso kong umaasa sayo.Ang hirap tuldukan ng nasimulan kong isulat kung hindi naman ito mabubuo.
Ang hirap din wakasan ng nasimulan nating samahan na "pagkakaibigan".Kaibigan, kaibigan, kaibigan,
Sana ka-ibigan nalang ng di ako nasasaktan sa tuwing naririnig ko yang salitang yan.
Ipipikit ko nalang ang mga mata ko upang wala ng makaalam ng nararamdaman ko para sayo.Kaya gustong kong umiyak
Umiyak dahil sayo,
Umiyak dahil sakin,
Ako na nagkamali,
Ako na naging tanga dahil sayo.Naging tanga akong umibig,
Umibig sa taong alam kong may iniibig ng iba,
Sa taong umpisa pa lamang ay alam ko na hindi ako kundi iba,
At hinding-hindi ako magiging sya.Kaya iiyak nalang ako,
Iiyat ng iiyak,
Hanggang sa mata ko na ang magsawa kakapatak, kakabuhos, kakaagos.Magbabakasakaling naipong luha ko lang tong bigat na nararamdaman ko at hindi ang nararamdaman ko para sayo.
Kapag huminto, doon ko na masasabi na kaya ko na,
kaya ko na na wala ka,
kaya ko na na walang tayo,
Sa mundong natatanging ako lang at walang tayo, kaya ko na mag isa.Kayang kaya ko na,
na makita ka na kasama sya,
kayang kaya ko ng tanggapin,
na hanggang kaibigan lang talaga.Yung tayo na inaasam ko,
Yung tayo na pangarap ko.
Tatanggapin ko na,
Na mag-kaibigan lang tayo at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
One-Shots
Short Story(English/Tagalog stories ; Random af) Action, Fanfictions, Fantasy, Horror, Comedy, Poetry, Romance one-shots. One-shots so far : ① Wtf Senpai. [ENG] -comedy, short (super) ❷ Tatanggapin ko na, Kaibigan. [TAG] -Short poem by...