HERA
Its been two weeks since the first day of classes started. And I got new friends already, ofcourse nag iisang maganda mawawalan ng kaibigan no way. Conceited bitch? Sure its fine atleast I admitted. So ayon pag kapasok ko sa school may mga bagong classmates. And Im like what? And hey they're bunch of boys. 2 gwapo 2 unidentified. And to tell you guys mahilig mag sermon ang aming adviser kaya tinawag nya ung nag kamali na lalaki sa pag sagot sa form na pinasagutan.
"Yes ma'am?" Proud na sabi ni kuya pogi.
"Anong perent?! Paano ka nakapasa ng Grade 8 parent lang hindi mo pa alam spelling?! Jusko! Ang mga studyante ko!" Sabi ni Ma'am habang sinusulat ang tamang spelling sa board.
Habang si kuya pogi nakatingin lang kay ma'am at suklay ng suklay ng buhok nya na mahaba ung mahaba sa gitna ung uso ngayon? Pero bagsak kasi buhok nya kaya ayun mahaba talaga.
"Jusko! Mark umupo ka nga at naha-highblood ako sa iyo!"
Tapos si 'Mark' bumalik sa upuan nya walang bakas ng hiya mga ate such confidence you have there. Kaya lang gwapo nga turn off parent lang hindi pa alam spelling. Pero nevermind that I like his asset's deym, Im starting to wonder whats under that shirt of his. So ayon kausap nya ung isa pang gwapo na Joshua daw yata ung pangalan actually mukha silang mag kapatid kaso ung isa payat tas ung isa naman malaki ung katawan. I'll ask them later or pag friends/close na kami hihi. Lalandi nanaman ako biii ghad. Is this really is it? HAHA. So madaldal naman si Mark at ung Joshua mukha ngang tandem sila eh. Ung isa joker tas ung isa taga-agree. Grabe pag nakikita ko silang dalawa parang ang sarap maging lalaki. Actually crush ko na si Mark mehehe.
"Mark pulutin mo yang puso na yan sa sahig." Ma'am
Pinulot naman ni Mark ung puso tapos pumunta sya kay Ma'am.
"Ibigay mo sa babaeng gusto mo dito sa room."
"Ay grabe ma'am gusto agad?" Sabi naman ni Mark
"Oh edi sa nagagandahan ka nalang."
Palipat-lipat tingin ni Mark sa mga babae and napadaan na ito sakin. Gusto ko pero nakakahiya. Hanggang sa pinili nya si Camille. Ayos lang naman sakin.
"Okay, goodbye class!" Ma'am
"Bye po ma'am!!" Sabi naman nung iba.
While ako pumunta sa may bintana kasama si Angelique. Nagkwekwentuhan lang kami dun hanggang sa lumapit si Mark.
"Dapat sayo ko ibibigay yon eh." Tinuro nya pa ko. Tapos kinuha nya ulit ung puso tas inabot nya sakin.
"Oh. Kunin mo na." Giit nya
"Sige na tangek balik mo na yan duon."
Sumunod naman sya habang ako? Nagmoment para huminga HAHA. Next subject na and hindi mapakali si Mark parang kiti kiti sayaw ng sayaw dancer nga walang duda and balita ko biker din daw sya. Next subject na and for that sub. bababa kami sa ground floor kasi duon ung room.
"Hera buhatin ko na bag mo." Mark
"Geh." Pacool na sagot ko naman. Pero kilig na kilig na ko.
So ayon nag lakad na kami sabay sabay well Im with Angelique and Naomi and with Joshua and you know Mark. I forgot to tell Naomi and Angelique well about Angelique hindi ko pa ata nababanggit sainyo sya. So Naomi Dela Vega and Angelique Santiago. And Joshua Castillo and Mark Anthony Dominguez. Hanggang sa makarating kami sa room. Labas ng labas si Mark ewan ko lang kung bakit. And then pumasok ung kaibigan nya sa room si Clark.
"Bui anjan ung girlfriend ni Mark sa labas." Chad
Sabi nya sa katropa nyang babae. Ako? Ayos lang naman nasaktan lang, may girlfriend sya and he flirts like he doesnt have one? What the actual fuck is that? And then I asked Naomi kung sino ung girlfriend ni Mark.
"Naomi, anong grade na nung girlfriend ni Mark? "
"Tanga college na yata yon. Tska maganda beh. Tska kahit ganyan yan si Mark loyal yan." Sabi naman ni Naomi na parang kilalang kilala nya si Mark.
"Ahhh..."
Habang bumalik naman sa room si Mark.
"Ang init naman dito!! Sir ang init!" Sabi ng kaklase namin.
"Para kang ung girlfriend ko eh, pag nilalamig ako init na init sya pag naman init na init ako lamig na lamig." Sabi ni Mark
Ako naman taimtim na nakikinig. Hello alangang umiyak ako dito at maglumpasay diba? That's not really my thing im the type of person na I'll keep it all inside until may magtanong. Hanggang sa natapos na ung subject. Hay, nakakainis may girlfriend na pala sya tigilan na natin to Hera. Umakyat na kami pabalik ng room tapos tahimik lang ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na uwian na.
----