HERA
Ako na siguro ang pinakamalanding babae sa paningin nyo. Well crush yon okay? Crush hindi boyfriend. Perks of being a Sanchez, mabilis kaming mag move-on hindi kasi namin binabaon ung sarili namin eh like to fall for someone real hard. Kaya move-on na ko kay Mark kay Jude naman hehe.
Si Jude ibang iba sya kay Mark, sya misteryoso tapos neat and presentable sya. Kaya nga sya na ung next HAHA. So pumasok na ko sa school with friends ofcourse. Hinanap ko kaagad si Jude and he's here hihii. Pinalo ko kaagad ung katabi ko. "Ano ba Hera!" Inis na sabi ni Naomi sakin. "Eh kasi naman nanjan si Judemaylabs." Umirap sya mga 7.50 degrees hanep sa 7.50 noh kala mo talaga author. Syempre akin ung 360 degrees noh.
Walang oras minuto segundo na hindi ko sinubukang kausapin etong si Jude kaso mailap sya mga bess! Ang hirap nyang iapproach. Ano ba yan ayoko na nga jan waley akong pag-asa HAHA. So naisipan kong iba ulit and this time si Joshua naman. I flirted with him, he returned the favor naman eh.
"Joshuaaaaaaa.."
"Heraaaa! HAHA!"
"Ang panget mo!" Sabi ko sakanya sabay irap.
"Bakit akala mo ba maganda ka?" Sabi nya sabay kurot sa pisnge ko.
"Ahraykohh!! Mashaket!" I said while pouting.
"Ang cute kasi eh. " sabi nya sabay flash ng smile. Deym ano ba yan Joshua.
Hindi na kaya sya nag yoyosi siguro kasi crush nya na talaga ako. Finally. Meron na ding isa. You know girls hindi masamang mag assume, you just need to know every details kaylangan tama lahat bago ka mag assume pag nag assume ka dapat sigurado dapat tama. TLE ung next subject and kailangan naming bumaba because sa baba ung room ng TLE subject namin. Habang palabas ako ng room, inaayos ko kasi ung mga gamit ko.
Hindi na din umaabsent si Joshua kaya siguro tama ang hinala kong may gusto sya sakin. Sana nga. Sabay sabay kaming nag lakad papuntang TLE room pero si Job nakaakbay at tila nakikipagharutan kay Angelique. Siguro pinag seselos ako neto. Akala mo ba mag seselos ako? Nah.
**
Pero bakit?
Si Angelique ung katabi nya? Bakit hindi ako? Nasan ako? Andito sa TLE room, pinapanood sila mag yakapan at mag harutan. Nakakainis!Nag pakopya lang si Sir Briones ng mga gamit para sa pag tatahi at pwede na daw kami lumabas. Kesa naman pag tuunan ng pansin ung dalawa nag haharutan. At pagkatapos na pagkatapos ko gawin yung pinakokopya ni sir Briones lumabas na ko with Naomi I didnt bother to call Angelique tutal busy sya. Hindi ako pumasok sa susunod na subject ko dahil ayoko syang makita pero hindi din pala pumasok si Joshua kasama ko si Naomi tska si Nicole Alvarez naging close kami these past few days ewan ko nakapalagayan ko lang siguro ng loob.
Nahuli ako tska si Naomi nung teacher namin pero si Nicole nakatakas and now she's with Joshua. Dapat hindi na ako nag pahuli dito sa bwisit na teacher na ito eh. Napakasuplada akala mo naman ang ganda, tapos ung kaklase ko nahuli nya si Michaela. Ang tanga kasi nyang si Michaela nung umalis kami sinumbong kami ang sabi nya "Ma'am sunduin ko lang po ung mga nag cutting" tapos pinayagan naman siya ni Ma'am isa pang tanga. Hinanap kami ni Michaela hanggang sa nung nakita nya kami napilitan akong sumama I didnt even bother to look at Naomi susunod naman yan. And then bumalik kami dun. Kaso may balak din palang mag cutting yang Michaela na yan. Kaya nung nawala siya, napansin kaagad ni ma'am at hinanap sya. Nung nahanap sya kinausap sya sa harap.
"Maarte ka rin eh noh?" Sabi ni ma'am.
Kabadong tinanguan lang ni Michaela si Ma'am. Serves you right bitch. Sa susunod kasi wag pakialamera. Pag katapos syang pagalitan ni ma'am umupo sya ng pangiti ngiti ung parang napahiya? Eww pathetic. Kadiri. Mag prepresinta kasi tapos mag ka-cutting din pala ano ba naman yan dear.
Im currently drinking and chewing the ice in my iced tea pero sumingit nanaman si Michaela.
"Uy! Madumi yang yelo nila. "
I quickly removed the ice from my mouth and spitted some water from my mouth. Yuck! Kadiri! Lahat nalang dito kadiri! Ano ba yan, the students looks discusting everything! Bwisit. Bakit ba ang init ng ulo ko? Tinabi ko nalang kung saan ung plastik tutal madumi naman itong paaralang ito. And you guys dont ask me kung bakit ako nag aaral sa public school. Ayoko kasing nahihirapan si Mommy and I wanna be close again with my grandfather.
After ng stretching na iyon. Pinauwi na kami, I was about to go sa may gate nung harangan at kausapin ako ni Nicole.
"Hera. Si Angelique ung gusto ni Job hindi ikaw."
What a news. Para akong sinaksak sa harap tska likod. And that very exact moment dumating ang bruhildang si Angelique na agad namang sinabunutan well hinila lang naman ung buhok nya ni Nicole. I didnt even bother to look at her she's crying already such a cry baby. Hindi din ako naaawa sa ginawa ni Nicole sakanya. She deserves that though. Sa mga panahong iyon, walang wala ako sa mood na makipag-usap I wanna cry but I cant and I wont. Hindi dapat ako gumaya sa malanding bwisit na iyon.
---