HERA
Kailangan ko ng itigil 'tong kahibangan kong 'to. May girlfriend yung tao tas lalandiin ko? Panget, hindi maganda, mag mumukha akong desperada. Kaso hindi ko alam kung paano ko tatanggalin itong nararamdaman ko. Kailangan bigyan nya ko ng mga bagay na aayawan ko sya. O kaya mag hahanap ako ng ibang crush, eh hindi lang naman sya lalaki dito sa mundo 'teh. Hera stop this nonsense 'kay? Because he's just a nobody to you. Remember your high standards when it comes to boys? Yes he has the assets you want but brain? That's not what you want Hera. You deserve better. Sabi nga nila when you reflect you overthink kaya heto ako ngayon kinakausap ang sarili ko. Actually hindi ko alam kung bakit ganito ako, eh hindi naman ako pwedeng mag boyfriend. Hindi ko din alam kung bakit iniisip ko na pag niligawan nya ko sasagutin ko eh hindi nga ako pwedeng mag boyfriend. Well itutulog ko nalang 'toh I guess.
---
10:00 am
I stood up and did my daily routine and checked my social media accounts like I always do. And after that I went to our meeting place you know pag may barkada ka lagi kayong may ganyang hintayan at iba pa HAHA. Samin sa 7/11 papasok kami sakto 1:00 kasi may Flag Ceremony pa eh. 12:45 ung nakasulat sa sched. Im always punctual lalo na when it comes to gala with friends pero this time may pasok punctual lang talaga ako HAHA. Hindi nga lang sa love life ako kasi laging huli. Char madaming nanliligaw sakin mga hindi ko lang type, anong kala nyo sakin? Nerd? Hell no!
"HERA!"
"What? Why do you keep on shouting? Youre so annoying Angelique."
"Ay sorry 'day kanina pa kasi kita kinakaosap. Dili mo ba ako mareneg. Dahel parang malalim imong isep. "
"Are you blind? Suot ko ung earphones ko. Ayan oh! Oh! Gaga. " sabi ko sakanya habang dinuduro ko ung earphones sa mukha nya.
"Ay grabe sya oh! "
"Shut up and sit."
"What do you think op mi? Doggie?!"
"Tatahimik ka o tatahimik ka? "
"'Day alin ba duon ang pipiliin ko ih parang parehas ba bot ganon. " sinamaan ko sya ng tingin.
"Tatahimik na nga eh, ikaw talaga hindi ka mabiro."
May mga bagay na mas gustong kong seryosohin kesa daanin sa biro.
Sabi ko sa isip-isip ko. I was just listening to my favorite songs hanggang sa sunod sunid ng nagsidatingan sila Naomi and Dex. And by the way Dexter Briones we call him Dex because his beki you know gay. We waited 5minutes before going to school. We did some chit-chat sa 5minutes na iyon.
Aakyat nanaman ako sa mahiwagang staircase tapos parang matatanggal pa yata etong hagdan kasi metal lang. Nalulula tuloy ako. I may look fearless pero lahat ng tao may kanya kanyang kinatatakutan noh. Hanggang sa makapasok na kami sa room, at umupo na sa kanya kanyang upuan. At dumating na si Ma'am. Yung adviser namin.
"Hoy halika nga rito!" Ma'am.
"Bakit ma'am?" Sabi ng kaklase kong lalaki.
"Bakit ka naka-tshirt?"
"Eh ma'am madumi pa po eh." Sabi nya na may pakamot kamot pa sa ulo.
"Eh bakit hindi mo nilabhan ha?"
Hindi sumagot si Kuya.
"Nakoo!! Itong section nyo nagbibigay sakin ng sakit sa ulo! Mga siraulo ang mga studyante ko." Sabi ni ma'am sabay walk out.
"Gues what? We didnt learned anything today except nung sinabi nyang siraulo tayo well matagal na." Pabulong na sabi ko.
"Kaya nga no? Hera. " sabi ni Mark.
Weyt Mark? Napatingin naman ako sakanya.
"Narinig mo? Bakit ka andito diba duon ang upuan mo?" Sabi ko na medjo nikakabahan na.
"Bakit ayaw mo na ba sakin Hera? Ganyan ka na ba? Pinapalayo mo naman ako. Napapangitan ka na ba sakin?" Sabi nya na parang nasaktan sya sa mga sinabi ko.
"Gago andami mong sinabi tinatanong lang naman kita. HAHA!" Sabi ko with matching smile.
"Wala lang. Kararating ko lang din kasi eh." Sabi nya nakaharap na sa harap.
Tinignan ko naman buong room ay wala na palang upuan bukod sa bakante sa tabi ko.
"Angelique. Anong next subject? "
"Values bakit?" Sabi nya habang nag susulat.
"Wala."
Dun na tumayo si Mark at lumabas, hay cutting nanaman. Hindi ba nalalaman ng girlfriend nya toh? Nasa lower section. Myghad. Tapos lalabas sya hindi manlang tumingin sakin. Sino ba naman kasi ako? Wala, wala naman pero bakit ganito? Parantanga Hera, tigilan mo nga yan bwiset.
Nag discuss lang si ma'am about sa pakikipagkapwa tao. Na kesyo kailangan daw may respeto at pagmamahal sa isip ko naman eh sya nga hindi ako mahal eh. This is not me humuhugot? Hindi ako to I used to be that someone na pag may humugot iirapan ko, I used to be. Nagbago talaga lahat simula nung nalipat ako sa public school eh. UGH! I need Patricia really. Nababalanse nya kasi ako eh. I can't live without her. Another subject then recess na, well after ng subject na yon. Kumain na ko. And si Mark naman ayon nilapitan ako tas tinitigan tas ngumiti tas umalis. Ano ba! Tingin mo ba Mark makakamove-on ako sayo sa ganyan ganyan mo ha! ha! Letche ka. HUHU hirap na nga ung tao eh. Dahil wala akong magawa chinat ko ang pinakamamahal kong bestfriend.
HERA
Bii nag bibigay sya ng motibo! Eh may girlfriend pala sya!
Biii!
Biii!
*seen 4:05 pmPATRICIA
May girlfriend tapos lumalandi? Wag na yan bii! Panget yan!
Iba nalang!HERA
Eh bii sabi naman ni Naomi loyal daw sya kahit malandi sya.
*seen 4:10 pmPATRICIA
Kahit na kung may girlfriend yan, hindi dapat sya lumalandi bwiset sya.
Iba nalang bii wag na yan.HERA
Okeeeh.. Eh sino naman? HAHA
Ang landi ko biii! HAHA
*seen 4:15 pmPATRICIA
HAHA! I know bii! Matagal na.
Sino bang pwede jaan sa room nyo?HERA
Hmmm... Si Jude?
*seen 4:20 pmPATRICIA
Jude?HERA
Ung sinasabi ko sayo dati na pogi na tahimik na mukhang malinis tska shy type. Ung sabi ko balak ko makipag close. HAHA
*seen 4:25 pmPATRICIA
Ay sige bii! Hahaha makipagfriends ka HAHA!Oh see? That's my bestfriend! And Im more than proud no Im beyond proud. Kahit ganito kami nag aaral kaming mabuti.
---