HERA
After 1 month...
Madami nang nag bago, nakilala namin ang isat isa and such things. As for me? Wala na kong crush. Bago ba masyado? We yun ang totoo. Grabe naman kayo sakin.
Uwian na ngayon and nag aayos kaming girls ng bag namin and si Mark nasa harap namin and parang nag mamadali sya tas seryoso. Tas bigla nyang sinabi na "makikipag break na ko sa girlfriend ko" tas ako? Bakit kaya? Noh? Grabe babaero talaga. Pero ofcourse hindi maiiwasan na isiping may pag asa na ko finally HAHA.
---
Kinabukasan...
Nasa school ako ngayon, and sa tuwing lalapit ako or kakausapin ko si Mark he's like flirting me What the heck? Monthsary nga pala ni Joshua tska ni Angelique. Masyadong cliche kung paano naging sila kaya nevermind nalang. And hindi kami pumasok sa TLE. And nilabas ni Joshua yung regalo nya, doraemon na unan! Nakakaingget naman. Tas pumasok naman si Mark "Kelan mo ba ko sasagutin?" With matching tingin pa sa mata ko. Tas ako naman huh? Hindi naman sya nanliligaw ah? Tas nakangiti lang sya. Tas malapit na yong last sub and ako busy lang kakalaro. Hanggang sa sinabi ni Mark na "JOKE lang lahat ng sinabi ko" and ako umasta akong parang walang narinig pero ang sakit sobra. Ayun na eh umasa na ko, tapos joke lang? Shit. Binalewala ko lang yung sinabi nya pero nung pauwi na kami, hindi na ko umimik. Pagod na ko. Ayoko na. Masakit eh.
Moving - on...
So ayon naka move-on na me. Kuhaan ng card ngayon and confident ako, nag aaral kaya ako ng mabuti duh. Kasama ko si Angelique ngayon nakuha nya na card nya so napag desisyunan naming pumunta sa bahay ni Joshua since malapit lang yon sa school. So pag punta namin dun, nag request ako ng pagkain kahit noodles lang hehe.
"Nung friday, iniyakan si Mark ng girlfriend nya." Kwento ni Joshua.
"Oh! Bago? Bakit umiyak?" Singit ko naman agad.
"Oo, eh kasi nakikipag break na si Mark. Kasi gusto nung babae na may mangyari na agad sakanila. Eh kahit gago yan si Mark hindi naman ganon yon. May respeto sa babae yon."
"Ah.." Sabi ko nalang.
"Ang saket HAHAHAH!" sabi ni Angelique habang nakatingin sakin. Ako natawa na ofcourse alam nyang crush ko yon si Mark! And as expected nahalata ni Joshua. Shet nakakahiya. So umamin nalang din ako.
"Epal naman neto nakakahiya kay Joshua alam na nya. " sabi ko
"Hayaan mo na Hera HAHA!" Sabi ni Angelique
"Crush mo si Mark, Hera?" Tanong ni Joshua.
"Diba obvious sinabi na nga ng girlfriend mo." Sabi ko naman. Sabay irap.
"HAHAHAHA!" Tumawa sila parehas.
Ako naman hindi na mapakali dahil sa kahihiyan.
Kinabukasan...
Kakarating lang namin sa school and nag wawalis ako kasi ang kalat ang aga aga. Hanggang sa ung wawalisan ko sa harap na ni Mark katabi nya si Joshua.
"Tabi!" Sabi ko eh nag wawalis nga diba.
"Grabe ka naman sakin Hera, hindi mo na ba ko mahal?" Sabi ni Mark.
"Yieeee! Shet! Yieeee! Kinikilig ako!" Impit na sigaw ni Joshua. Shit! Taena!
Nag titigan naman kami ni Joshua at si Mark? Ayun nakangiti at parang naguguluhan pa sa mga tinginan namin ni Joshua.
"Taena mo ka Joshua! Mamaya ka akin!" Sigaw ko kay Joshua dahil tumatakbo na ito palayo.
Hindi na tuloy ako makatingin kay Mark. Nakakahiya. Tinignan ako ni Mark ng nakakaloko.
"Mark! Tigilan mo yan, ano ba yan eh! Okay na eh!" Nag tatakip ng mukha kong sabi.
"Ano ba kasi yun Hera?"
"Wala yun. Tsk. Wag mo nga akong tignan ng ganyan."
Hanggang sa hindi ko namalayan nilockan na kami ng pintuan ni Mark sa loob ng room.
"Angelique pinto!" Sabi ko.
"Ayoko mag usap muna kayo ni Mark!"
"Bakit? Ano ba dapat naming pag usapan ni Hera?" Singit ni Mark na ngayon ay nakatingin na sakin.
"Hoooy! Pinto!" Sabi ko kunwari hindi ko narinig sinabi nya.
Nang buksan nya na ung pinto kinuha ko na bag ko pero sinundan ako ni Mark.
"May gusto ko ba sakin?"
"Ano ba namang tanong yan. Bwiset. Tss, wag na Mark pleasee.. Ayan ka nanaman sa mga ganyan ganyan mo eh."
"Bakit ano ba yon?"
Ako naman nag lakad ng mabilis.
"Hera uy! Sabayan mo naman kasi ako."
"Ayoko."
Tapos ayon umalis na ko. Ayoko kasi talaga naka move on na ko diba? Tas babalik nanaman sya? Wala na ba syang mahanap na babae ha? Kaya ako naman ipapalit nya? Bwiset. Babaero talaga.
-----