Because it's Sunday! 😊
Dj's POV
Direk Rory: Okay lunch break! Please be back at 2pm. Mag siesta na din kayo since it's 11:30 palang. Goodjob everyone!
Hay salamat lunch break na din. Grabe, kaninang 6am pa kami nag sshoot dito, ngayon lang kami may oras talaga mag break. Puro ang bibigat ng mga scene namin, sampalan, sabunutan at siyempre hindi rin maiiwasan yung romance. Jusko hindi ko ata kakayanin kung maghahalikan kami ni Jasmine. Baka itakwil na ako ni Kathryn bilang asawa. Minsan nga iniisip ko na tama ba itong desisyon ko na tanggapin tong trabaho na 'to, pero paulit ulit rin naman sinasabi sa akin ni Kathryn na okay lang, na tanggapin ko na tong trabaho na 'to, wala naman daw problema.
Sama samang nag la lunch yung mga cast ngayon, ako binaunan ako ni Kathryn ngayon ng buffalo wings. Actually ang dami nga eh ang sabi niya "Oh love share this with the cast din ha?" Kaya dinamihan niya talaga. At tsaka si Kathryn talaga kapag siya ang nagluluto sobrang sarap talaga.
Hindi kasi makasama si Kathryn sakin ngayon sa set kasi start na din siya mamahala sa company namin so magiging busy na kami talaga.
Kakain na sana ako ng magsalita si Thou, isa din sa cast ng serye.
Thou: Wow! Buffalo wings! Baon mo, J?
Dj: Oo tara na kain na tayo. Sinama din kayo ni Kathryn dito halika na.
Thou: Taray naman talaga kapag may buhay may asawa! *kinikilig*
Dj: *smiles*
Siyempre bago ako kumain tinext ko na muna si Kathryn. Simula kaninang 7am hindi ko na siya natext eh. Nakita ko naman na ang dami niyang messages sakin.
From: Love 😘
Helloooo bal! Are you there na? Text me when you have read this na. I love and miss you already ☹️Received: 5:30 am
From: Love 😘
Loooooooove i miss youReceived: 6 am
From: Love 😘
just finished taking a bath. Paalis na din ako love. I miss you 💙Received: 7:30 am
From: Love 😘
Saw you in the tv before I head out hihi. 💙Received: 8:45 am
From: Love 😘
I'm having my morning snack na and I don't see your name in my notifications yet 😫Received: 10 am
Dun siya nag stop mag text. Bigla naman akong nalungkot. Miss ko na ang asawa ko!
Tumayo muna ako sa upuan kahit hindi pa ako kumakain. Nagtinginan naman sila sa akin.
Dj: Tawagan ko lang asawa ko.
Lahat naman sila nangantyaw. Hahahahaha!
Pumunta ako sa malayo layo na lugar at sinubukan na tawagan si Kathryn.