Kath's POV
6 months have passed, and obviously,6th month ko na rin ng pregnancy. Medyo mahirap din pala magbuntis no? Lagi kang may hahanapin na laging pagkain. Buti na lang laging andyan si Dj to grant all my wishes! hahaha. Although minsan makikita mo sa mukha niya na naasar na siya lalo na kapag nagsusungit ako sakanya.
Ngayon, nasa shoot si DJ for a commercial kaya naiwan lang ako ngayon mag isa dito sa bahay. Nung una nga, ayaw na umalis ng bahay at ipapa cancel na daw ang shoot because ayaw niya ako maiwan dito mag isa kaso ang sabi ko naman na I'm fine, besides hindi naman masyado maselan ang pregnancy ko. In the end, napilitan din siya na umalis. Nakakahiya din kasi na bigla niyang ipapa-cancel yung shoot niya just because of me.
At dahil bored ako, I decided to text Dj.
To: Mahal
Mahal, how's your shoot?after ilang minutes nag-reply din siya agad.
From: Mahal
Boring love. Gusto ko ng umuwi.Ito talagang si DJ. hahahaha!
To: Mahal
be patient my love. i'll take a bath first love okay? see you later, I love you. :)From: Mahal
haaaaay! gusto ko na talagang umuwi haaaaay! I LOVE YOU!Hay nako, we can never be separated from each other talaga. Laging hinahanap ang isa't isa.
DJ's POV
Onting scenes na lang at matatapos na ako dito! Gustong gusto ko na talaga umuwi! Hindi ko na talaga kayang mahiwalay sa asawa ko lalo na ngayon at magiging isang pamilya na kami talaga. Iniisip ko nga na baka kapag pang pitong buwan na ni Kathryn ng pagbubuntis ay ititigil ko muna ang trabaho ko. Ayoko naman na nagttrabaho habang yung asawa ko malapit na manganak.
Luz: DJ, may nag- aabang na press sa labas. Interviewhin ka daw pagkatapos ng shoot mo dito.
napapikit naman ako ng mariin sa mata ko. Interview, Interview. Hindi ba pwedeng huwag muna yang interview na yan! hinihintay ako ng asawa ko!
Napansin naman ni Luz yung pagpikit ko. Tumawa na lang siya.
Luz: *giggle* wala na tayong magagawa.
DJ: Haaaay. Sige salamat ate Luz.
Ilang oras na rin ang lumipas at natapos na din yung shoot. Nagpaalam muna ako sa staffs and crews bago ako dumiretso sa press.
Press #1: Dj, ito na ba ang simula na babalik ka na muli sa tv?
DJ: Ay nako hindi hindi. Lalo na ngayon at nasa ika anim na buwan na ng pagbubuntis yung misis ko. Hindi muna. Matatagalan pa yang pagbabalik sa tv na yan.
Press #2: Eh si Kathryn DJ. Kelan siya babalik sa pag momodel?
Dj: Hindi pa nga nanganganak yung asawa ko, model na agad? *giggle*
Tumawa naman yung lahat.
DJ: Siguro hihintayin muna namin lumaki yung mga anak namin bago kami babalik sa industriyang ito kasi magulo 'to eh.
Press #3: May pangalan na ba kayo para sa twins niyo?
DJ: Meron na kaming pinag-iisipan ni Kathryn na pangalan kaso hindi pa siya final medyo magulo pa. Kasi very hands-on din talaga kami ni Kathryn sa bagay na iyan.
Press #4: May mga ninang at ninong na ba?
DJ: Hmmm. Meron na kaming mga onting napipili ni Kathryn pero siguro hindi ko muna idedetalye ho masyado. Abang na lang po tayo.