Chapter 2

20 2 0
                                    

-= The Ruiner =-

Nandito na ko sa school. Mga kaklase ko dito, anak ng mga celebrities, businessmen&women, mga anak ng models, at balita ko next year lilipat daw dito ang anak ng presidente.

Malaki ang school namin. Sa sobrang laki pwede kang mawala. Everything is free here especially sa pananamit, malalaman ang rank mo sa kung paano ka manamit. Pag wala kang latest fashion items, that means it's either wala ka talagang paki sa fashion o humihina na negosyo ng pamilya niyo. 

"Eika! Kanina pa kita hinahanap! Nandito ka lang pala."

She's My Bestest friend of all, Rachelle Patricia De Guzman. We've been together since our fetus days.

"Why? May nangyari ba?"

"I know you heard Miko's back."

Bigla ko na namang naramdaman tinutusok ang puso ko but i managed to smile. 

"Oh talaga? Ngayon ko lang nalaman yun." Sabe ko sabay kamot sa pisngi ko. 

"You really are a teribble liar! I hate you!"

Tapos pinalo niya ko gamit yung book na nasa kamay niya. 

"Hay nako Rachelle, college na tayo! Move on move on din pag may time ah!"

"Tss. Move on move on, uso ba sayo yun? Marunong ka ba non?"

Tapos bigla siyang tumawa. Ang maldita talaga niya, but she knows me more than anyone else, even though I know na pinapatawa niya lang ako, nakakairita pa din kahit papano. Tinatawanan niya kase samantalang ako kahit dalawang taon na ang nakalipas iniiyakan ko padin.

"Tigilan mo ko Rachelle! Tara na baka hinahanap na tayo nila Carla."

I have 4 bestfriends to be exact. Carla Cruz, Sabrina Mae Fimentel, Niña Clarissa Sebastian and Rachelle Alarcon. We are known as the famous 5 dito sa school but we don't even care a single bit about it. Hindi kami yung tipo ng taong natutuwa pag pinaguusapan kami. 

Magkakabit ang braso namin ni Rachelle na naglakad papunta sa space namin sa Cafeteria. 

"Alam mo Eika, yung party niyo kagabi, dinumog ng mga studyante kaso di sila pinapasok."

The party last night was an anniversary party ng company nila daddy. Inintroduce niya ko bilang kanang kamay niya. Kaya heto, management kinukuha ko kahit mas gusto kong mag Tourism.

"Di naman talaga sila nakapasok"

Ngumisi siya at nagulat ako nung bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Eika.. Pinch me! OM to the FG tama ba tong nakikita ko?!"

I pinched her. Pero parang wala siyang naramdaman. Sinundan ko yung tingin niya at napanganga din ako katulad ni Rachelle kase, may 6 na gwapong nilalang na nakaupo sa tabi ng table namin. Pero bigla akong naumay nung nakita ko si Miko. Kasama pala siya di naman siya gwapo.

"Tara na Rachelle. Nagugutom nako."

Malamig kong sabi at parang nabalik siya sa reality at tumango tango na lang.

Pagdating namin sa table ready na yung usual breakfast naming lima.

"The party last night was effin boring. Dapat Eika pinalagyan mo ng Dance floor." 

Bungad sakin ni Carla pagkaupo na pagka upo ko. Siya na ata ang pinaka maarte slash pinaka mayabang slash reklamadorang babaeng nakilala ko but she's nice and kind naman, and she doesn't lie. She was born to be frank, at wala siyang paki kung makasakit man siya ng tao.

Expiration Date -FOREVER-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon