-= RIVALS =-
Nag-pahatid ako kay Tristan sa bahay namin. Masyado akong nashock sa nakita ko. May asawa at anak na pala si Miko. Understandable naman yun kung sana sinabe niya sakin.
Pagdating ko sa bahay agad akong nagpalit ng damit kasi kailangan ko pang kitain si Carla.
Pagbaba ko, nakita ko si mommy.
"Mom, i'll be eating at Carla's, baka malate na din ako ng uwi. Pakisabe na lang po kay daddy."
Di ko na inantay sumagot si mommy at kumaripas nako palabas ng bahay.
*Carla's*
Maid ni carla ang sumalubong sakin pagdating ko sa bahay nila Carla.
"Good evening po Ms.Clarazal. Inaantay na po kayo ni Ms.Carla sa kwarto niya."
Tinanguan ko na lang yung maid and i went up the stairs to her room. Mas malaki bahay namin kesa kila Carla but, mamahalin ang furnitures nila more than us.
Pintuan pa lang ng bahay nila, kalahating milyon na.
Pagdating ko sa kwarto niya, nakahiga siya sa kama at may make-up pa. Totoo pala talaga na may shoot siya ngayon.
"Raratratin ka na naman ng pimples pag di mo inalis yang make-up mo"
Sabe ko sakanya tsaka ko umupo sa mini sofa niya na nakalagay sa tabi ng kama niya. Binili niya toh para saming apat. Kase nung unang pagpunta namin dito, para kaming sardinas na pinagkasya ang sarili namin sa kama niya.
She reached out for her make up remover wet tissue sa tabi ng lampshade niya at kumuha ng isang piraso at pinahid yun sa muka niya.
"I was going to ask you if you have feelings for Tristan. Kase kung wala, i want to take advantage."
I knew this was coming. Si Carla ang number one insecure pag ako na usapan, lahat ng meron ako dapat meron siya. Lahat ng lalaking umaaligid sakin, kinukuha niya. Sisiraan niya ko sakanila para maturn off sila sakin at, ang pinaka malupit dun, akala niya hindi ko alam na ginagawa niya yun. Hinahayaan ko na lang na dalawin siya ni Karma.
"Eto ba yung sinasabe mong seryoso?!"
Tinaasan niya ko ng kilay.
"Oo, di naman siguro kita papapuntahin dito kung di seryoso diba?!"
Siya pa magtataray. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit kinakaibigan ko pa siya, maybe because she's stupid. Iniisip niya kase na kaya niya kong patumbahin.
I'm expecting her to be that someone who can be fair pero narealize ko, isa siya sa mga taong nananalo lang pag nandadaya.
"Carla, if he likes you, Ikaw dapat yung hinarana niya kanina sa management, niyaya sa lunch at sinundan sundan. Kaso hindi. So siguro naman you're intelligent enough to know what that means."
Napahawak siya sa kumot niya na parang gusto niyang ihampas sakin yun. I just smiled at her.
"You see, You can't just go forcing people to like you Carla. That's not how it works. Para kang nanlilimos ng pagmamahal. Ang cheap."
Namula yung buong muka niya.
"Then may the best girl win."
Sabe niya sakin. Tumayo na ko, i smiled at her at lumabas na sa kwarto niya.
*KINABUKASAN*
Binilisan ko lakad ko papuntang cafeteria. Ineexpect ko na wala akong Carla na makikita dun but I was wrong. Iba nga naman talaga pag gawang plastik. Nakaupo siya sa usual seat niya, she's talking with the other girls na parang walang nangyari, and she's smiling.
BINABASA MO ANG
Expiration Date -FOREVER-
TeenfikceLahat ng bagay may expiration date, pagkain, juice, palaman sa tinapay kahit ice cream. Thr thing is walang kasiguraduhan lahat ng bagay. Hindi mo alam kung san ka dadalhin ng agos ng buhay, like Eika Clarazal, akala niya forever na sila ni Miko but...