Chapter 5

19 2 1
                                    

-= The Truth =-

"Uy Eika, balita ko.. Galing daw sainyo joaquino's kagabe."

Bati sakin ni Carla. Eto na naman tayo sa chismis day.. Ayoko na ngang sabihin kung anong nangyari cause i don't even want to remember it.

"Yes.. And i won't talk about it." 

Inis kong sabi sakanya. Wala na, bad mood na ko kahapon bad mood pa ko ngayon.. forever na ata akong bad mood dahil kay Tristan. Ay nako that moron.

"Edi wag po~ i'll just ask Tristan."

Sabe niya sabay lakad papalayo sakin. Wala man lang antay antay, napaka talaga netong babaeng toh. Akala mo siya may ari ng mundo kung maka pang ano sa tao.

Edi naglakad na din ako. Alam ko namang walang susundo sakin sa tapat ng fountain. Pero tinatamad akong pumasok sa klase. Ayokong makita si Tristan kung maaari kaya umupo ako sa stairs sa may fountain.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko.

"Mag isa ka. That means iniwan ka ng mga friends mo, you're here means may iniiwasan ka, tama ba ko?"  Speaking of the devil.

Lumayo ako ng onti kase ang lapit lapit talaga namin. Putahamnida. Kakapalan talaga ng muka.

"And ako yung iniiwasan mo? Tama na naman ba ko?!"

Tiningnan ko siya na nakasalubong kilay ko. Magegets na niya yan kahit di ako magsalita kase matalino nga daw siya. Peste siya.

Bigla niyang binuksan yung bag niya at may nilabas siya. Chocolates. Iniwan niya yun sa tabi ko at umalis na siya.

Nung nakalayo na siya, tiningnan ko yung chocolate. May sticky note siya.

"Ms, Sungit.

 Sorry for yesterday and last night. I'll pay the consequence mapatawad mo lang ako.

 -Joaquino-"

Okay. so this chocolate is a sorry gift. Okay, at Ms.Sungit tawag niya sakin at Joaquino tawag niya sa sarili niya. Ang pangit pa ng penmanship niya. Harujusko parang kinayuran ng manok.

Dinikit ko uli yung sticky note at napagisipan kong pumasok na. Wala din naman siguro akong mapapala kung forever akong nandito at pinagmamasdan ang fountain diba?

So i walked as fast as i can para makaabot sa klase.

*Class*

Now I regret attending this class. Management 101. I'm not in the mood for this. At pag wala ko sa mood, walang pumapasok sa utak ko. Wag naman sana kong mangamote sa subject na ito.

Habang nagsusulat ako ng notes, may nagpasa sakin ng papel. Right in my notebook. Tiningnan ko ng masama yung nagpasa sakin at bigla naman siyang napatingin sa harapan.

Expiration Date -FOREVER-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon