Chapter 1

37 3 0
                                    

-= Born To Be.. =-

"Princess, hindi pa daw po available yung bagong release na bag galing po sa Chanel.."

Madali lang namang mabuhay sa mundo lalo na kung kontrolado mo ang mga bagay.

"Then I guess, You're F I R E D. Shooo!"

Lalo na kung pera ang pag uusapan. I think of myself as the person, na hindi mahihirapan pagdating sa matter ng pera. I can have everything i want in just one swipe.

"Pero mam.."

"Hindi ka lang pala walang kwenta. Boba ka din pala."

Everybody would die to be me. But i'm a lucky Bitch with a very blessed intelligent mind. Wala akong pake alam kung sinong masaktan ko.. Wala akong pake sa kung sino man ang matapakan ko. I am not born RICH for nothing. And whether you like it or not, We are meant to rule the world even if we're just living a normal life. 

I saw her leave my room na umiiyak. It happens everyday in my room, kung di mo magagawa ang pinapagawa ko, you are what i called "Useless" and i don't want to keep those in my company.

 Pumasok ang mayordama sa kwarto ko. 

"Princess, madami na pong nag aantay sainyo sa baba."

"I told everybody, pag wala yung chanel bag na gusto ko, hindi ako aalis sa kwarto ko." 

I stayed sitting at my chair. Alam kong wala namang may gusto sakin sa mansyon na ito. Lahat sila tingin sakin na matapobre ako at isang spoiled brat creature living in the place we call earth. 

"Pero Princess, Ginawa na po namin lahat pero, out of stock na daw po talaga."

"then, hindi sapat ang ginawa niyo. Carla texted me saying she got it, your reason of it being out of stock is not valid."

Mangiyak ngiyak na siya sa sinabe ko. Bigla siyang lumabas ng kwarto ko at kapalit ng paglabas niya ay ang pagpasok ng Mommy ko.

"Iha, pinapahirapan mo na naman lahat ng maids mo. Ano ba yan? The house is in chaos. The party will be in 30 minutes at di ka pa din nakaayos. Nako, are you embarassing us anak?"

Umupo si mommy sa side ng kama ko facing me.

"I'm not. I told them yesterday already tungkol sa bag. I don't know kung bakit di pa din nila makuha. Admit it mom, you hired tons of stupid maids in this house. All of them, useless."

Nagsalubong ang kilay ng mommy ko sa sinabe ko.

"I hired them to take care of you and this house and you know that. I didn't hire them to run for your errands."

"Well, being my maid is equals to running errands for me."

Tumayo si mommy at huminga ng malalim.

"Pag di ka pag nagready in 10 minutes, that bag you want will forever be in your wishlist. Be a good girl and dress up. Don't ruin this party for your dad"

Lumabas si mommy and i did what i had to do para sa family reputation namin at para na rin sa bag. Dress up.

Actually i don't need 2 hours to get ready for a party. 20~25 minutes is enough kase wala naman akong gagawin sa muka ko cause i'm already beautiful and gorgeous. At, hindi ko na din kailangang ayusin ang buhok ko cause i was born with natural curls, inalagaan ko siya and voila~ The hair that everybody would want.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Come In."

Sabe ko habang pinapasok ang earrings sa tenga ko. 

"Ready ka na ba?"

Nagulat ako sa very familiar voice na ayaw kong marinig. Pagtingin ko sa kanya, parang binagsakan ng langit at lupa ang mundo ko. I feel like breaking down anytime sa sobrang inis.

"M...Miko, what are you doing here?!"

Nagtitimpi lang akong di siya saktan. But don't dare he na lapitan ako o hawakan ako cause i know, i'm just going to punch him.

Lumapit siya sakin ng one step pero umatras ako.

"Get Out of my room or i'll call the police."

Pero di pa din siya natinag. Nakasuot siya ng tuxedo at clean cut yung sides ng buhok niya.

"Okay. I'm here to be your escort."

"Anong escort?! I don't need an escort especially if it's going to be you."

"Eika, please, don't make this hard for both of us."

Miko is i mean was suppose to be my husband, we were suppose to get married when he just disappeared.. on the day of our wedding. That's it, that's why i loathe him. Kaya kung pwede lang di ko na siya makita or mabalitaang patay na siya masaya na ko. But this is how he shows up after everything.

"Iniwan mo ko sa araw ng kasal ko and you're asking me not to make this hard, who the fvck hired you to be my escort ha? si mommy na naman?! O ang magaling kong tatay?! Magkano para sa pag eescort?! Milyon na naman ba?!" 

Napansin ko na lang naging malabo na ang paningin ko at dumadaloy na ang luha mula sa mga mata ko. Mahirap din pala.

"Eika... I am here to apologize for what happened."

Pinunasan ko yung luha ko at inayos ko yung sarili ko.

"I will never forgive you. Lumuha ka man ng dugo, lumuhod ka man sa asin, Wala kang maririnig na pagpapatawad mula sakin. I hate you! I loathe your existence. Kaya wag na wag ka nang magpapakita sakin. Kahit anino mo, ayokong makita."

Lumabas ako ng kwarto at naglakad ako papunta sa hagdanan. Nagpalakpakan ang mga tao nung nakita nila ko. 

Dahan dahan akong bumaba ng hagdanan na parang walang nangyari. After all, that's what i'm born to do.

Expiration Date -FOREVER-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon