Kabanata 1

106 3 0
                                    

*Kriiing!!Kriiing!!Kriiing!!*

Napalundag ako ng marinig ko ang ingay ng kadahilanan ng pagkagising ko.'Time Check:4:30 am'. "Haist! Nakalimutan kong ayusin ang oras ng alarm clock ko." bulong ko. "Di bale na nga." dagdag ko.

Makalipas ang ilang oras ay bumaba nako at naghilamos na ng mukha saka kumain na ng umagahan.

Nang natapos na akong kumain ay naligo nako at nagbihis. 'Time Check:5:30 am'. Medyo maaga pa kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at pagbukas ko neto. May text akong natanggap galing sa bestfriend kong sina Keity at Cain. Matagal ko na silang kaibigan elem. palang kami ay, kami na ang magkakaibigan. Si Keity real name nya Ariana Keity Jade Santiago. 14 years old din. Classmate ko sya. At si Cain nman real name nya ay, Hermione Ashly Cain Valero. Classmate ko din sya. 13 years old. Siya ang pinaka bata saming tatlo.

Keity:

"Goodmorning bestie! Kita kita tayo nina Cain sa canteen ha! See you! Muwah! :*"

Cain:

"Hi bestie! Goodmorning, miss ko na kayo ni Keity. Kita kita na lang mamaya ha!? See you! Muwah :*"

Hay! Eto talagang dalawang to. Kaya mahal na mahal ko sila ea. Never nila ako kinalimutan. That's what friends are for. Enebe!

Sa wakas ay nandito na rin ako ng school! I'm back St. Bernard Academy! I miss you so much. Pero mas namiss ko si Edward. Btw, siya nga pla si Edward.. The one and only. Siya yung crush na tinutukoy ko. Actually hindi lang crush, mahal ko na siya. Ehe! Enebe! Ahahahaha! Siya nga pala si Edward Jacob Morbine. 2nd year high school narin siya. Classmate ko siya last year. He is already 15 years old. Sikat rin siya sa school namin, kasi siya ang vocalist ng banda nila. Dahil sa sikat ang banda nila,kaya marami dn ang nagkakagusto sa kanya tulad ni Ken.

Makailang sandali ay pumunta nko ng canteen. At nakita ko na sina Keity at Cain.

"Keity!Cain!" sigaw ko at kumaway.

"Zakkkkk!!!! Oh my god! I miss you so much girl. Lalo kang gumanda ha!?" bati nila sakin habang tumitili at palundag lundag.

Loka loka talaga tong dalawang to. Kaya mahal na mahal ko sila ea.

"Ahahaha! Ako din namiss ko kayong dalawa." sabi ko sa kanila ng hindi mapakali. Harap sa kaliwa,harap sa kanan, at harap sa likuran.

"Ano bang nangyayari sayo at bakit dika mapakali ha? sabi sakin ni Keity ng nakataas ang kilay.

"Wa-wala." nabubulol kong sabi.

"Ano paba Keity? Edi hinahanap nya si EDWARD! Diba Zak? Yiiieee! Nandun sila sa Covered Court. Kasama nya ang banda." ani Cain ng nkangiti.

"Ah! Lika punta tayo" at sabay hila ko sa kanila papuntang covered court.

Mabilis kaming nakarating sa covered court dahil sa paghila ko sakanila.

"Grabe na talaga ang kaadikan mo kay Edward ea nuh!? Sagad na sagad na talaga." sabi sakin ni Keity na nakabungisngis sa sobrang pagod sa pagtakbo. At ngumisi na lamang si Cain sa sinabi ni Keity.

Ikaw At Ako  (On-going)Where stories live. Discover now