Kabanata 13

44 4 0
                                    

Maaga ako nakapasok sa school ngayon. Wala pa sila, so akong mag-isa dito sa covered court. Wala paring gaanong tao dito sa school kaya napagisipan ko munang umidlip.

"Bawal matulog dyan!" bulong sakin ng isang lalaki na ikinagulat ko at muntik nako atakihin na puso.

"Ay! Tae mo lumipad!" Sigaw ko ng nagulat ako.

"Goodmorning Zak myloves.. Long time no see." bati sakin nito.

"Aish! Bat kaba nanggugulat! Papatayin moko sa ginagawa mo ea!" reklamo ko sa kanya. Letse talaga to!

"Sinasabihan lang nman kita ea. School to hindi bahay o kwarto" pagpapaalala niya sakin

"I don't care!" sabay irap ko sa kanya

"Kahit kelan ang sungit mo talaga! Pero myloves parin kita." aniya ng nkangiti

Kahit kelan talaga. Pasalamat siya mabait ako kungdi matagal na yang nkaburol. Argh!!!!

"Bat bigla ka na lang nawala? Ang tagal mo ding di nagparamdam ah?" tanong ko sa kanya

"Bakit namiss mko no?" sabi niya ng pataas taas pa ang kilay

"Ha? Ikaw mamimiss ko? Ewww! Wag nalang." pandidiri kong sagjt sa kanya. Kapal ng mukha!

"Eto nman, nagbibiro lang ako no. Yung kapatid ko kasi sinugod sa hospital. Walang magbabantay sa kanya kaya ayun. Ako na muna nagbantay sa kanya." aniya

"Ah, ganon ba? Akala ko kasi namatay kana" sabi ko sabay halakhak

"Aray ko! Sakit nun. Bakit ayaw mo na ba ako makita?" pacute niya pang sabi

"Kung maaari" sagot ko sa kanya ng nka half smile at nakataas ang kilay. Oh diba! Pak! Taray ko no? Char lang!

"Baka nman mamiss moko?" woah? kapalmuks neto.

"Just like what i said. Wag na lang!" Pagtataray ko sa kanya.

Pagtapos kong sinabi iyon bigla na lang lumungkot yung mukha niya. Para bang paawa effect like that. Saka siya tumalikod at nagsalita "Ok fine." saka na siya umalis. Nyare dun? Masyado ba akong naging mataray? Huehuehue!
Yaan mo na nga.

Ilang minuto lang dumating narin sila. Salamat naman, kundi magmumukha akong tongengak dito. 'Lonely' tho. Dumadami nadin ang mga estudyante.

"Hi beshty! Goodmorning" bati nilang dalawa sakin "Goodmorning Zak" bai din sakin nina Chris at Khalil. Ganon din nman ako sa kanila.Saka ngumiti ng pilit. Teka? bakit pilit? Nyare sakin? Dahil ba kay Carlo. Hindi no.
"Di nga pla papasok ngayon si Ej. May sakit siya ea." ani Khalil samin

Siguro dahil don kung bakit pilit yung ngiti ko. Bakit ganun? Bakit pag wala siya hindi kumpleto araw ko? Ganon naba ako kaadik sa kanya? Aish! Yaan mo na nga.

"Ganon ba? Okee tara pasok na tayo." pagyaya ko sa kanila

Hindi dumating yung prof. namin ng first subject kaya eto ang ingay sa room. Isang oras kaming nabakante kaya natulog muna ako.

Bago paman dumating yung prof. namin sa 2nd subj. nagising na ako.

Easy lang nman yung napag-aralan kaya kahit lutang ako naintindihan ko parin.

Nagulat ako ng sinigawan ako ng prof. namin.

"Ms.Lopez!" napatalon ako ng kaonti sa inuupuan ko.

"Ye-yes ma'am?" omo! wag moko pahiya plsss.. Hate that so much!

"Go to the board! Solve the problem." jusme. Akala ko nman kung ano nayon?! Yun lang pala ea.

Tumayo ako saka ko sinagutan yung problem sa harap. Okeee! Chickeeeeeeeen. Huehuehue..

Ikaw At Ako  (On-going)Where stories live. Discover now