Kabanata 10

41 2 1
                                    

Kinaumagahan ginising ako ni Kuya. Unti unti kong inimulat yung mata ko. Ang sama ng tingin niya sakin. Huhu! Bakit siya ganyan? Wala nman ako ginawa sa kanyang mali ea. Kinakabahan tuloy ako.

"Hoy Zak! Bangon na diyan." ang seryoso ng boses niya tapos tingin pa niya nakaka matay. Huhu! Ngayon ko lang siya nakitang ganto.

"Ba-bakit ganyan ang t-tingin mo kuya? M-may p-problema ba?" Diyos ko. Help me! Kung nakakamatay lang ang tumitig ng masama. Nako! Kanina pako nakalibing. Huhu!

"May naghihintay sayong lalaki sa baba. Sino yon ha?" Woah? Sakin? May naghihintay na lalaki? Sino nman kaya yun? Kinakabahan na akess ha!

"Lalaki? Ha?" gulat kong tanong sa kanya.

Ilang segundo lang, pumunta ako ng hagdan para tignan kung sino yung tinutukoy ni Kuya. Sana nagkakamali lang ako na siya nga yon.

Nung naaninag ko na yung mukha niya na habang nakaupo sa sofa. Napatakip ako ng bibig ko. Shet!! Si Carlo. Argh! Tinotoo niya talaga.

*Flashback*

Naglalakad ako papuntang parking lot. Sabi kasi ni kuya Ken hintayin ko siya don.

Habang naglalakad ako nagbabasa ako ng libro ko. Nung saktong nandon na ako sa parking lot. May nakabanggaan ako.

"Ano ba yan!" reklamo ko dito habang pinupulot ko yung mga librong hawak ko.

"Sorry miss." paghingi neto ng tawad. "D kasi tumitingin sa dinadaanan" bulong neto. Kala niya siguro hindi ko narinig. Inangat ko yung ulo ko.
"Anong sa--" napahinto ako sa sasabihin ko ng nakita ko yung lalaking nasa harapan ko. Pareho kaming nagulat ng nakita namin ang isa't isa.

"Zak? Is that you?" tanong nito sakin na halata nmang gulat na gulat.

"Carlo? A-anong ginagawa m-mo di-dito?" tanong ko ng nauutal sa kanya.

"Oh? Do you miss me?" Ano daw? Siya mamimiss ko? Asa siya. Eww siya masyado. Nasira talaga yung magandang araw ko.

Kinaiinisan ko kaya siya. Siya yung pinaka mayabang na lalaki na nanligaw sakin nung Elem. pa kami. Kahit kelan talaga panira siya ng araw. Mabait nman siya tsaka gwapo. Yun nga lang epal,feeler at mayabang.

Ikaw At Ako  (On-going)Where stories live. Discover now