Uwian na. Kaya kami nina Keity at Cain pumunta muna kami ng garden. Doon ang tambayan namin.Doon din kami gumagawa ng mga homeworks namin. Sariwa ang hangin at maganda ang view, kaya gustong gusto namin doon. Saka doon din kasi paminsan tumatambay sina Ej at ang banda."Unforgettable Day! I will never forget this day." sabi ko sa kanila ng nakangiti. "Me too!" sagot ni Keity. "Me also" singit ni Cain.
For me, this day,is one of my special day. I know, marami pang araw na magiging special dahil sayo. Dahil sayo kaya magiging special ang mga araw na iyon. Kaya darating din ang araw, sa huli magiging, ikaw at ako.
Nakauwi nako sa bahay. At unang bumangad sakin ang kapatid kong si Ken. "Kumain ka na ba?" tanong niya kaya kumonot ang noo ko "Himala, ang aga mo ngayon. Wala ba kayong practice?" sagot ko sa kanya na napakalayo sa tanong niya kaya kumonot din ang noo niya. "Ang tanong ko, kumain kana ba? Btw, hindi na kasi tuloy yung laban namin, umurong daw sila. Ano kumain kana ba?" aniya. "Ah ganun ba. Hindi pa ea, ikaw ba kumain kna?" sabi ko sa kanya. "Hindi pa din ea. Tara kain tayo sa labas. Matagal narin kasi tayong hindi kumakain ng sabay. Almost 10 years.What do you think?" yaya niya sakin na halata nman na interesado talaga siya na kumain kami ng sabay. "Well, matagal narin nga. Okay sige, bihis lang ako." sabi ko sa kanya "Sige,magaayos lang din ako" at inakbayan niya ako paakyat ng hagdan at pinisil niya ang ilong ko ng matagal. "I miss my little sister" sabay tanggal ng pagkaakbay niya at tumakbo papuntang kwarto niya.
Hay! ano kaya nakain nung mokong nayun! Himala, nagyaya siya. Well, he's correct. Almost 10 years narin. Grabe! Haba ng panahon na di kami nag-uusap at kumakain ng sabay nuh?! Magmula kasi mamatay si daddy naging busy na si mommy sa trabaho kaya d nakami masyado nagkakasama. Si kuya dinala sa probinsya namin, sa tita ko. Ako, 4 years old pa lang ng mamatay si Daddy kaya iniwan ako dito sa bahay kasama ang mga kasambahay namin. Kaso namatay nayung nag-alaga sakin ea. Si manang Alice kaya lalo akong nag-isa. Bumalik lang dito sa Manila si Ken nung nag High School na siya. Dahil hindi kami lumaki ng sabay, hindi kami close. Kaya medyo naiinis ako sa kanya dahil mas mahal siya ng pamilya namin sa matalino at mabait kumpara sakin. Dahil lumaki ako mag-isa, medyo mataray ako matalino nman pero hindi katulad kay Ken. Sabi niya namiss niya ko. Aaminin ko kahit naiinis at naiinggit akk sa kanya. Namiss ko rin siya. Mahal na mahal ko s Ken kahit puro inggit ang nasa puso't isip ko pag nakikita ko siya.
*Tok!Tok!Tok!* nagulat ako nang may biglang kumatok sa pintuan ko. "Zak, tapos kna ba?" tanong sakin ni Ken. "Oo, eto palabas nako" sagot ko. Nanlaki ag mata niya ng makita niya ang dress na soot ko. "Ngayon ko lag nakita na soot mo yan ha" sabi niya sakin ng nakatingin siya sa dress ko. "Bakit? Pangit ba? Palitan ko pala" sabi ko at tumalikod sa kanya "Hindi, bagay nga sayo ea." pagil niya sakin. "Alam mo ba kung kanino galing yan?" tanong niya saakin "Hi-hindi ba-bakit? Ikaw alam mo ba? Ang alam ko kasi may nagregalo sakin niyan nung birthday ko last month" wika ko habang hinahaplos ko ang soot kong dress. "Ang galing ko palang pumili ng dress. Kitam? Bagay sayo, sakto lang." sabi niya sakin ng naka ngiti kaya napaawang ang bibig ko sa sinabi niya "Ikaw ang nagregalo sakin neto?" tanong ko "Oo, ayaw mo ba?" aniya "Thankyou Kuya Ken" sabay yakap ko sa kanya. Ngayon ko lang ata siya nakausap na kuya ang tawag sa kanya. "Your always welcome my little sister" sagot niya pabalik sakin. At kinalas ko na ang pagkayakap ko sa kanya. "Let's go?" yaya niya sakin at naglahad siya ng kamay niya. Tinanggap ko kaagad ito para makaalis na dahil gutom nako.
Grabe! Yun yung pinaka gusto ko sa lahat ng natanggap kong regalo last month na birthday ko. Dress siya na above the knee,color black, may diamond design siya na nakahilera sa may neck. Kaya gustong gusto ko iyon. Tapos siya pa pla may bigay. Kung sanang buhay pa si daddy at nandito si mommy matutuwa siguro sila. At kung sanang sabay kaming lumaki. I miss you kuya Ken! I miss you so much!

YOU ARE READING
Ikaw At Ako (On-going)
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely...